Chapter 14- Smile

11.8K 418 82
                                    

Dakota

"Dakota..."
Napatingin ako sa likod ko.
"O... bakit?" Tanong ko kay Jacob.
Kakatapos ko lang sa gym at naglalakad ako pauwi sa bahay.
"Okay ka lang. Kanina pa kita tinatawag ah."
"Okay ako. Bakit nga?"
"Gusto mong sumama sa laban ko mamaya?"

"Talaga? Doon pa rin?" Naghihimala... maayos siyang makipag-usap.
Tumango si Jacob.
"Sige, kita na lang tayo doon."
"Wala kang kotse. Paano ka pupunta?" He asked.
"Oo nga pala. Bahala na."
"Sumabay kana sa akin."
"Ayaw ko sumakay sa motor." Tanggi ko.
"Hindi motor dadalin ko."
"Ano? Grab?"
He smirked at me. "Alis tayo ng 5 o'clock."

Nakatulog ako pagdating sa bahay at nagising ng bandang 3:30 dahil sa tawag sacellphone ko.
"Hello."
"Dakota, I need you at the office tomorrow. Around 10 am." Walang pasakalyeng sabi ng manager ko.
"Okay." I replied.
"See you dahling... Bye."
Hay ano ba yan, sayang ang tulog ko. Kailangan ko pa lang matulog sa condo ko mamaya. Nag-ayos na ako ng sarili at ng gamit na dadalin. Tinawagan ko si mommy na hindi ako matutulog sa bahay. Saktong 5pm ng bumusina ang isang Hummer sa tapat ng bahay namin.

Amputa... si Jacob, naka-Hummer! Seryoso ba ito? Lumabas ako ng bahay dala ang gym bag ko.
"Kanino yan?"
"Sakin."
"May kotse ka pala. Bakit ka nag-ga-grab?"
"Sakay na. Bilis."
Umikot ako sa passenger side at umakyat.

"Bakit may dala kang bag?"
"Sa condo ako matutulog. May meeting ako bukas ng umaga." I replied.
"Mukhang bago ito ah." Amoy bago pa nga eh.
Hindi kumibo si Jacob. Taragis, ang angas ng kotse. Kasing angas ng nagmamaneho.
"Padrive."
"Ayoko." He replied.
"Yung kotse ko, panay ikaw ang nagmamaneho eh. Sige na, para may dadalin ako bukas."
"Ihahatid na lang kita." Sagot niya.
Naghihimala nga.

"Ano nakain mo? Bakit para, wala ang sapi ng kasungitan sa iyo?"
"Lagi naman akong ganito ah!" Sagot niya.
Hmm... hindi kaya!
"Hindi nga Jacob. May malubhang sakit ka ba? Bakit parang bumabait ka?"
"Ganito na ako, dati pa. Ikaw lang ang nagbago."
Ibabalik na naman yun. Bahala ka sa buhay mo!

"Dakota, may itatanong ako sa iyo."
"Shot... ano yun?"
"Sino si Nerissa?" Tanong niya.
Eh kung sipain kita?!
"Ewan ko sa iyon, Jacob." I said.
"Nagtanong lang ako. Galit ka na agad!"
OMG! He smiled. Yung, smile talaga. As in... hindi smirk.

"Dadaan lang ako ng office ah. Tapos kain tayo."
"Hindi ako pwede." I murmured.
"Kakain ka o susubuan kita?"
"Ano ako, baby?"
"Gusto mong maging baby?"
Tanginang... ang flirt neto.
"Bakit ang landi mo?" Hindi ko napigilang itanong.
Jacob chuckled beside. He fucking chuckled. May taning nga yata ang buhay niya.

Natingin sa akin ang mga tao sa office nila Jacob pagpasok namin.
"Ano tinitingin nyo?" Sigaw niya at bumalik sa pagkakasubsob ang mga ito sa computer.
Hinila ako ni Jacob papunta sa mismong office niya at sinarado ang pintuan.
"Requirement bang nakasalamin sa office nyo?"
"Hindi. Bakit?" Nagsimula siyang magtype sa computer niya.
"Eh parang lahat ng minions mo idol ka eh." I replied.
Tiningnan ako ng masama ni Jacob kaya ako natawa. Tinanggal niya ang salamin niya at binato sa basurahan.
"Hahaha napaka pikon mo."

Ngumisi si Jacob.
"Eto pala si Nerissa. Natatandaan ko na."
Nawala ang pagtawa ko. Tangina this.
"Bakit ka galit kay Nerissa?" He asked. Bakit nawiwili kang nakangisi sa akin?
"Hindi lang kami friends."
"Ows?"
"Yup."
"Really? Teka, parang naging girlfriend ko ba ito?"
Nakatitig talaga siya sa monitor.
"Ah... hindi yata. Fling lang." Tumayo si Jacob at nag-inat.
"Tara na." Yaya niya.
Tangina. Pagkatapos akong bwisitin!

"Uuwi na lang ako."
Tumawa si Jacob. As in, tumawa siya. Yung may sounds.
"Sino pikon ngayon, Koko?"
Naghahanap ako ng maibabato kay Jacob ng hawakan niya ako sa kamay.
"Tara na." Hinila niya ako palabas ng office niya.
"Iyon lang ang ginawa mo sa office mo? Para lang hanapin si Nerissa?"
Napatingin ang mga tauhan ni Jacob ng dumaan kami.
"Yup." He replied at saka tumingin sa mga tauhan niya.
"Isang tingin nyo pa, bubulagin ko kayo." He said. Sabay-sabay bumalik sa ginagawa ang mga ito.

"Kalimutan mo na yung nakita mo. Nakalimutan ko na nga na hinalikan ko pala siya dati." Casual na casual lang si Jacob na nakasandal sa wall ng elevator habang pababa kami sa basement.
"Pakialam ko kung naghalikan kayo dati."
"Ah... akala ko kasi nagselos ka. Naninilip ka kasi sa butas noon."
Tang-ina... sino ang nambuko sa akin?
a. Si Juancho?
b. Putangina mo ka Juancho!

"I don't know what you are talking about." Manigas na ang aamin. Tang-ina talaga si Juancho!
"At tanggalin mo yang smile mo."
Tumawa na naman si Jacob. Kainis. Natutunan lang ngumiti, minaya't maya naman.    

"Kung makautos ka para kang si mommy ko. Gusto mong tawagin kitang mommy o mas trip mong maging baby?" Tumatawang tanong niya.
"Bakit hambong ka ngayon?"
"Hindi ah. Natatakot ka lang sa akin."
"Really? You don't have power over me."
Tumingin sa akin si Jacob mula sa reflection ng elevator door.
"You sure about that?" He said.
Teka nga...bakit ba nakatitig ka? Bakit ba kasi kami lang dalawa sa loob? Hooohhh ang init.

Laws of Attraction (Completed)Where stories live. Discover now