KABANATA L

22.8K 360 12
                                    

Kabanata L: Help

Nakatingin parin ako sa dalawang lalaki na kanina pa nagsusukatan ng tingin. Kapwa sila matalim ang mga mata at animo'y handang makipagmatigasan sa isa't-isa. Hindi kinakaya ng lamig ng aircon ang pagpapalitan nila ng maiinit na tingin. Pakiramdam ko ay nasa isang sauna kaming lahat sa sobrang init ng usapan nila.

"I'm the doctor here, Mr. Elizalde and with all due respect to you and your decision but I won't risk my license and be charged foor medical negligence and release the patient." matigas na pahayag ni Ethan.

Dr. Ethan Liam Carbonel. Kaibigan siya ni Troy at may ilang okasyon din kaming nagkita. He knew me but not too well to say he's a close friend.

He looked at me. I tried to say something but my mouth wouldn't open. Hindi ko magawa magsalita dahil sa t'wing gagawin ko yun ay nararamdaman ko ang nanlilisik na mga mata ni Jasper.  "Wala kang pakialam sa kanya. Doktor ka lang kaya h'wag mo kong mapigil-pigilan. Ilalabas ko na siya."

I started to panic when Jasper marched towards my bed. Yumakap ako sa braso ni Yaya. "Y-Ya....." I called her.Hinaplos niya ang likod ko. "Ssshhh iha h'wag kang matakot."

Paano akong hindi matatakot kung ang mismong nagtangka sa buhay ng anak ko ay nandito? At may balak na namang ibalik ako sa impyerno niya.

That moment, I held my breath and wished he's just an apparition. Isiniksik ko ang sarili ko sa tagiliran ni Yaya. Nangiginig na ako sa takot. Kung hindi siya ang papatay sakin ay sigurado akong ikamamatay ko ang sobrang takot na nararamdaman ko.

I blinked my tears away as I saw him walk towards me.

Pero bago pa man siya makalapit ay mabilis na humarang ang matipunong katawan ni Ethan sa dadaanan niya. "Don't stress the patient." Iniharang niya ang sariling katawan para protektahan ako sa paglapit ni Jasper. Natigilan ito at wari'y umangat pa ang sulok ng labi niya.

"Move." malamig na sabi nito.

"I don't take orders from you, Sir." Ethan retorted. Para kaming nanunuod ni Yaya ng isang eksena sa pelikula. Kapwa namiin inaabangan ang mga susunod na kaganapan.

Napasinghap ako ng higitin ni Jasper ang collar ni Ethan at pabalibag na sinandal sa pader. "Diyos mio...." singhap ni Yaya.

"Tarantado ka ah. Let.my.fiance.go. Understand?" mariing pagpupumilit nito. Pero imbes na matinag ay tinagtag lang ni Ethan ang pagkakahawak niya. Bahagyang rumehistro ang pagkabigla sa mukha ni Ethan. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Jasper. BAkit nga naman hindi siya magugulat? The last time we saw each other I'm madly, deeply and irrevocably in love with Chrome.

"I can sue you for assault, Mr. Elizalde." inayos niya ang kanyang kwelyo.

"Then go ahead and sue me in all courts. Basta iuuwi ko ang babaeng yan." pero tulad kanina ay hindi siya nagtagumpay.

"I am the doctor and I know what's good for the patient." he looked at me. "Your fiancé is weak and pale. Even your baby's vital signs are weak. I have to monitor them for the next hours."

Your fiance.

Your baby. 

Mali. Mali ang akala mo Ethan. Hindi siya ang ama ng baby ko. Gusto kong isigaw yun sakanya But I chose to keep mum about it. Hindi pwedeng lumala pa ang mga pangyayari.

"I won't coz  I can't. Hindi ko ibibigay ang clearance tulad ng gusto niyo, Sir. I'm sorry Mr. Elizalde but that's final." pinal na saad niya.

Somebody To Call Mine (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon