43. Give Up

4.8K 179 36
                                    

It is so unfair that with just one stare from him, all the pain and hatred vanished for a moment. He still took my breath away. He always does.

"As long as you're okay, it's fine. Forget it." Wika niya sa tonong nag-aalala. Muli niya akong niyakap and God, it felt so good. I don't want the moment to end. "Teka, okay ka lang ba? May masakit ba sayo?"

I smiled at him. "I'm okay. I'm okay."

Tumango siya, hindi inaalis ang titig sa'kin. Nang inilapit ni Uno ang mukha niya sa'kin, pumikit ako. I waited for him to kiss me and he did. It took me back to the hundred kisses we shared before. It's overwhelming that I still feel the same feelings. The same happiness, just this time, there's a smudge of pain.

"I'm sorry, Gab." He whispered when our lips parted. "I shouldn't have—"

I cut him off by reaching for his lips. I smacked him a quick kiss.

"Was that a kiss goodbye, Uno?" I asked when I let him go. "Because it's okay. I'm ready for that. Nang nasa kabilang isla ako kagabi, ikaw lang ang laman ng isip ko. Hindi talaga kita kayang kamuhian." Ngumiti ako. "Pero kung ikakasaya mo, kakayanin kong palayain ka na. Closure, baka 'yan ang kailangan nating dalawa para makapagpatuloy tayo sa buhay kasama ang ibang taong nakatadhana para sa'tin. Mahal na mahal kita Uno. Kung magmamahal man akong muli, alam kong walang magiging katumbas ang pagmamahal na meron ako para sa'yo."

"Gab—"

"Shh. You don't have to say anything. I know. You will never choose to stay with me. Please don't say it this time. Mahal kita. Gusto kong ayusin mo ang buhay mo. Mahal kita. Kaya patawarin mo na ang sarili mo dahil pinapatawad na kita Uno. Stop hurting yourself. Pinapalaya na kita sa pagmamahal kong nakatali sa'yo. Magmahal ka ulit, Uno. Magmahal ka ulit at mangako kang ipaglalaban mo na siya, na hindi mo nagawa sa'kin. Mahal na mahal kita Uno. Mahal na mahal."

Masakit. Ang sakit sa pakiramdam pero magaan ang loob kong naglakad palayo sa kanya. Napaisip ako habang mag-isa sa kabilang isla, kung talagang magpapakasal ako kay Donny, kailangan kong hayaan ang puso kong gumaling. Hindi naman pala ibang tao ang makakagamot no'n e. Ako lang.

Sinalubong ako ni tatay yakap nang makarating ako sa villa. Naiiyak pa siya. Ba't kasi hindi 'to nagbabasa ng text messages niya.

"Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo anak! Sa'n ka ba nagpunta?"

"Tatay naman e, tinext kita kasi hindi mo sinasagot ang tawag ko. Umuwi ako kahapon sa bahay tapos nakita ko si Mang Kari at Mang Pedrino, nakiusap akong dalhin ako sa kabilang isla. Babalik naman dapat ako kaya lang biglang lumaki 'yong alon. Kanina pa kami nakabalik." Paliwanag ko sa kanya. "Bakit hindi mo chineck ang phone mo tay?"

"Nawawala ang phone niya ate, actually." Sabad ng kararating na si Daniella. "Sa'kin ka dapat nagtext."

"Tatay kita?" Nakangising pang-aasar ko. "Si Donny nga pala? Nakita niyo?"

Nagtinginan ang dalawa at hindi sumagot. Napairap ako kasi pareho silang dalawa e. Pareho silang ayaw na ayaw kay Donny. Wala na bang karapatang magbago 'yong tao? Ang mean nila.

"Danni? Tatay?"

"Icheck mo nalang sa kwarto niya ate."

Umiling ako saka naglakad ng diretso papunta sa room ni Donny. Nadatnan ko siyang nagliligpit ng mga gamit niya kaya napakunot ako ng noo.

"Donny? What are you doing?"

"Gabbi." Tumayo siya't humarap sa'kin. May gusto siyang sabihin pero walang salitang lumabas sa bibig niya.

"Are you leaving?"

"Uhm. It's an emergency." Sagot niyang nagpakunot ulit ng noo ko.  He looked like he's lying. "Pero babalik ako. Babalikan kita Gabriella." Niyakap niya ako ng mahigpit, ng matagal at nang sandali na 'yon, nakaramdam ako ng lungkot. "Enjoy your stay here, okay? I wanted you to be happy, Gabbi. You deserve to be happy."

TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon