13. No Other Guys

5.7K 167 47
                                    

Dahil maliit lang ang bahay namin at dalawang kwarto lang ang meron kami, sa sala natulog si Uno. Kami kasi ni Danni ang matutulog do'n para siya ang ookupa ng kwarto pero hindi siya pumayag. Giit niya okay lang daw. Kaya daw niya. Kinabukasan, maaga akong gumising. Nadatnan ko si Uno na nakapikit habang pinipisil ang leeg at likod. Natawa ako ng tahimik sa kinatatayuan ko.

"Good morning, Palmer." Bati ko sabay kindat para mang-asar. "Mukhang malaki ang eyebags natin a. Mukha kang nag-oversleep o na-lack-of-sleep?"

Sinamaan niya ako ng tingin kaya nagtatalon-talon ang puso ko. Nagtagumpay akong asarin siya. Wahahaha. Good job, Gabbi!

"Sabi kasi sa'yo, ikaw na sa kwarto. Ang tigas ng ulo mo. Yan tuloy."

Hindi ako nakaiwas nang mabilis niyang hinapit ang bewang ko, napakandong ako sa kanya ng hindi inaasahan.

"Why are you pissing me off, Gabriella?"

"Because it makes me happy." Pang-iinis kong lalo sa kanya.

"You should stop doing that. You don't want to be punished again, do you?"

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Hindi niya yata 'yon inasahan kasi nanlaki ang mata niya.

"Wag mo akong takutin, Palmer."

Sasagot pa sana siya pero biglang may tumikhim. Umirap ako saka nagmamadaling tumayo.

"Sweet ni ate Gabbi a. Ano'ng pinakain mo diyan kagabi kuya Uno?"

"Baby, my reinforcement is awake." Bulong ni Uno matapos ilapit ang mukha niya sa tenga ko. "Game on."

"Ate Gab, sinabi ba ni kuya sa'yo ang niregalo ko sa kanya?" Tanong ni Danni na kumikindat pa. Sa totoo lang, isa 'yan sa dahilan kung bakit ko pinipikon si Uno. Pabalik na kami ng bahay kagabi nang itanong ko 'yon. Ayaw niyang sabihin kaya nainis ako.

"Sa'n mo nakuha 'yon Dan?" Patol naman ni Uno sa pang-aasar ng kapatid ko.

"Sa treasure chest ni Gabriella Lacsamana."

"Whoa. Hey little girl, you are a naughty pirate."

"Aye aye captain!"

"Ewan ko sa inyong dalawa. Tutulungan ko nalang si tatay maghanda ng agahan. At lalagyan ko ng lason ang pagkain niyong dalawa. Mga asungot."

Nagtawanan pa ang mga loko pag-alis ko. After lunch pa kami aalis ni Uno pabalik sa city kaya medyo mahaba pa ang panahon niyang manalo sa pang-aasar sa'kin. Paano ba naman kasi, kampi sa kanya si tatay at si Danni. Pero sa huli, narealize ko rin kung paano iinisin ang isang Uno Palmer hanggang siya na mismo ang susuko sa'kin.

"Gab, I told your sister we'll be visiting every weekend if we won't be busy." Pagpapa-alam niya sa'kin nang pabalik na kami.

Nagkunwari akong walang narinig pero sinusulyapan ko siya para makita ang reaction niya.

"Gabriella, this is a serious matter."

Bahala ka diyan. Para mas successful ang plano ko, nagha-hum ako ng kanta para mapikon siya.

"Gabriella, it's not funny. You won't like to see me pissed off." Ayan na. Nananakot na siya. Napipikon na 'yan.

"May sinabi ka, Uno?"

"Gab, look. If this is still about Danni's gift, it's really confidential. I cannot tell you and I won't tell you."

"Thanks for letting me know. Now talk to my hand, Palmer!" Pagtataray kong nginisian lang niya.

Bahala siya. Okay lang naman sa'kin na ayaw niyang sabihin kung hindi lang sana nila binanggit na it's something that I own!

"Who are you texting with, Gabriella?" Usisa niya mayamaya. Kahit wala naman akong katext. Ginagalaw ko lang ang phone ko para 'wag siyang kausapin. Hindi ko siya pinansin kaya hinablot niya nalang bigla ang phone ko.

TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now