24. Friends

5K 136 40
                                    


Sa Friday pa ako makakapanuod ng Three Words to Forever. Let's support our Queen. Can't wait to see her perfect face again on big screen! 😍

°°°°

Hindi ko na ginulo si Daniella sa ginagawa niya dahil kailangan kuno niyang matapos within the day. Isa pa, maglilinis lang naman ako ng bahay, magre-rearrange ng kunti para hindi magmukhang crowded ang maliit naming bahay. Nakapagluto narin ako for breakfast. Gusto ni Danni na hintayin namin si tatay dahil pauwi na naman din siya kaya hindi pa kami kumakain.

"Ate Gab! Nandito na si tatay!"

Yay! Itinali ko ng mabilis ang magulo kong buhok at tumakbo palabas para salubungin si tatay.

"Good morning, baby!"

"Daniella!" Sita ko sa kapatid kong nagtatago sa likod ni Uno. Tinapunan ko ng galit na tingin si Uno na nakangiti ng malapad sa'kin.

"Gabriella, leave Dandan out of this. I just want to surprise you." Pagtatanggol niya sa magaling kong kapatid.

"Oops!" I pushed my hand forward para di siya makalapit sa'kin. "Wag kang lumapit sa'kin."

"Why?" Tinitigan niya ako saka ngumisi. "What? Hindi ka pa naligo?"

"Hindi talaga 'yan naliligo, kuya." Hirit ni Danni na nagtatago parin sa likod ni Uno.

"Dandan, 'wag mong ipahiya si ate Gab mo."Nagtawanan sila at nag-high five. "Dalhin mo muna 'to sa loob, susuyuin ko lang 'tong masungit mong ate." Sabi niya kay Daniella sabay abot ng mga dala niyang paperbags. Sumunod naman agad ang kapatid ko. I raised my brows at him when he spread his arms. "What? Don't you miss me Gabriella?"

"Hindi. Tsk. Ba't ka pumunta dito? Napag-usapan na natin 'to Uno a."

"Gabriella naman. Masama bang gustuhin kang makita? Miss na kita e."Pagdadahilan niya sa tono na naglalambing. Sumimangot ako.

"Ayoko nga kasing inaagaw ang oras mo sa pamilya mo e. Naiintindihan mo naman ang point ko diba? Lalo na ngayong kailangan ka ng daddy mo."

"Nagpaalam naman ako. Honestly, my parents are happy that I am having a life."

"Fine. Wala na rin naman akong magagawa. Nandito ka na. Tsk."

"It's your fault anyway. Ginayuma mo 'ko. Ayan tuloy."

"Heee. Kung pauwiin kaya kita?"

Ngumiti siya na nagpatunaw ng puso ko. Dammmmnit. Nakakainis talaga kapag nagyayabang siya ng gandang-lalaki niya. Nakakasilaw e.

Sinunggaban ni Uno ang pagkakataon na nakatitig ako sa kanya. Hinila niya ako't niyakap. Binuhat pa nga niya ako at umikot.

"Uno! Ibaba mo nga ako. Nakakahiya kay Daniella. Hindi good example." Saway kong nagpatawa sa kanya.

"Let's eat, Gab. I'm hungry." Yaya niya mayamaya pa.

"And breakfast is ready!" Daniella interjected with her warm smile.

"You're the best sister in the world." Puri ni Uno sa kanya.

"And you're my favorite sibling, kuya! Yay. Peace ate Gab! I still love you."

Tsk. Talo na naman ako sa pwersa nito kasi wala akong kawal. Ako lang mag-isa. Kapag nandito si tatay, sa kanila din 'yon kakampi. Just an hour after we had our breakfast, dumating si Bogs at Clinkz. Hindi ako nakagalaw nang makita ko sila. Totoo nga ang sinabi ni Danni, they looked so different than the last time I've seen them!

"Gabrielllllaaaaaa!!!" Sigaw ng dalawa at nag-unahan sa pagyakap sa'kin.

"Bogs! Patpat! Hindi ako makahinga!" Pinakawalan agad nila ako matapos magreklamo.

TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon