16. Set-Up

6K 141 21
                                    

Buong akala ko ay papagalitan ako ni Uno pagdating namin ng condo. Wala siyang ginawa kundi titigan ako hanggang sa ma-intimidate ako sa ginagawa niya.

"Ayoko lang dumagdag sa problema mo. Ayokong mag-alala ka. Ayoko ng gulo—"

"So you didn't tell your boyfriend about the jerk who tried to do something terrible to you? Gabriella, kahit titig lang ng isang tao na hindi mo nagugustuhan, sabihin mo sa'kin. If you were hurt or anything by that jerk, I swear he could have been dead by now."

"That! That's exactly why, Uno. Ayoko na ganyan ka. Ayokong gumawa ka ng bagay na hindi mo dapat ginagawa. I'm sorry kung itinago ko. Okay na ako, Uno. Wag ka ng magalit sa'kin."

"I don't know with you, Gabriella. Ginagalit mo 'ko palagi."

"Sorry. Sorry po."

Bumusangot ako.

"Halika nga dito." He called out with arms wide open. Tumakbo agad ako para yakapin siya.

"Thank you Uno. Thank you."

"Don't you think your boyfriend deserves a kiss?"

"Uno!?"

"Ang damot mo na ah. May kahati na ba ako sa'yo, Gabriella?" Inirapan ko siya bilang sagot sa nakakatawa niyang tanong. "Date nalang. Lumabas tayo."Yaya niya.

"Okay po. As you wish."

After that rescue operation na isinagawa ng Palmer Brothers, wala ng naglalakas loob na apihin ako sa paaralan maliban kay Audrey. Hindi ko talaga makuha kung bakit galit na galit siya sa'kin. On-going ngayon ang case ni Donny. Malakas ang kampo namin dahil may CCTV footage na nasecure ang team sa nangyari sa locker.  O, nakalimutan ko. May hindi pala nasisindak sa Palmers, si Carter na palaging umaaligid after class. Ang dami-daming magagandang babae sa campus, bakit kaya ako ang pinagti-tripan niya? Sydney answered those questions for me.

Noong nakatago lang ako lagi sa sulok, noong wala akong pakialam sa mundo, kilala lahat ng Palmer brothers sa buong campus, mula kay Uno hanggang sa lapitin ng babae na si Seven. On Uno's last year sa University, second year si Carter, hinamon siya ni Uno ng one-on-one sa basketball. Ang dahilan? Wala, kahambugan lang. Carter made a deal with him, na kapag natalo niya si Uno, igi-give up niya ang pagiging Captain ball. I can't imagine how pero natalo si Uno sa laro. Tumupad siya sa usapan. He gave up the team and even recommended Carter to take over.

"Boys and their egos. Tsk." Anas ni Sydney na umiirap pa. "Grabe Gabriella, nakakatawa ka na ewan..." Sabi niyang nagpakunot ng noo ko. "Akalain mo 'yon? Hindi mo kilala ang Palmer brothers tapos naging boyfriend mo ang eldest ng magkapatid?"

"Para kang timang."

"Totoo naman. Nakakatawa na nakaka-amaze. Alam mo, among them, Uno has that mysterious charm and personality. Kapag titingnan mo siya, para bang, mas gugustuhin mo pa siyang titigan at makilala—"

"Ew Syd. Pinagnanasaan mo ba ang boyfriend ko?" Tumatawang tanong ko sa kanya. Of course, I'm joking.

"Ew no! Uno may be so hot but you know I always prefer the bad guys in a gentleman's body."

"Ew. Kadiri ka Sydney. Kailangang may kalandian sa boses kapag sinasabi 'yang paborito mong linya na 'yan?"

Totoo ang sinabi niya. Gano'n ang tipo ng lalaking gusto niya. Kaya nga crush na crush niya si Carter.

"Gabbi, my sister dear!" Tawag ni Tres na nagpalingon sa'kin. Yup, ako lang ang lumingon dahil naestatwa si Sydney. "Have you ladies taken your lunch?" Kumindat si Tres kaya sumagot ako gaya ng gusto niya.

TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now