39. Thank You

4.6K 131 32
                                    

It hurts? Why would you be hurting? You wanted this, Uno. You made me do this. You made me leave. Ako lang ang may karapatang masaktan.

"Let's get back in, Uno. I'll check your wound." I said after pushing him off. Pumasok ako ng condo at palihim na pinunasan ang luhang nakawala sa mga mata ko. Kinuha ko ang medicine kit at binalikan siya na ngayon ay nakaupo sa couch. "Can you lift your shirt up? Or you could just take it off."

He did the latter. Napalunok ako hindi dahil sa abs o sa built ng katawan niya...kundi dahil sa maraming peklat na nakikita ko. Nanginginig bigla 'yong kamay ko. Hindi ko nalang tiningnan si Uno dahil kapag gagawin ko 'yon, alam kong iiyak lang ako. Nilinis ko nalang ng tahimik ang dumudugo niyang sugat. Nilagyan ko ng bandage ang sugat matapos linisin 'yon.

Galit ako sa kanya pero bakit nararamdaman ko parin 'to? Sabi nila, pinaghihilom ng panahon ang sugat ng nakaraan. Kung naghilom na, bakit dumudugo parin? Ang sakit-sakit parin. Akala ko kapag nagkita kami, magagawa kong patigangin ang puso ko. Pero hindi... hindi ko kaya. Kusang lumalambot 'yon kapag nakikita ko ang mga mata ni Uno, mga matang nagpapaalala sa'kin kung gaano kaganda ang mundo. Ibinalik ko ang kit sa lalagyan nito at saka pumasok sa banyo. Humagulhol ako doon ng tahimik.

Please. Tama na. Tama na. Ayoko na.

I composed myself before getting out of the comfort room. Ilang minuto din ako doon dahil nang balikan ko si Uno sa sala, nakapikit siyang nakaupo sa couch na parang natutulog. Saka ko lang din natitigan ng maayos ang mukha niya. Bumaba ang tingin ko sa balikat niya na may maliliit ring peklat.

Ano'ng ginagawa mo sa buhay mo Uno?

"Uno..." Kinalabit ko siya para gumising pero hinawakan lang niya ulit 'yong kamay ko. Napakunot ako ng noo, ang dating malambot niyang kamay ngayon ay magaspang na. Hinayaan ko siyang hawakan ako, naupo lang ako sa tabi niya, tinititigan ang mukha niya.

Kung hindi mo 'ko hinayaang umalis Uno, matutupad ko parin 'yong mga pangarap ko. Mali ka. Mali ka. Hindi dapat ganito ang pagtatapos ng kwento natin. Ikaw dapat ang una at huli.

Habang nakatitig sa kisame, binalikan ko ang mga alaalang binuo namin sa pamamahay na 'to. Naririnig ko ang mga tawanan namin, mga asaran at bangayan namin. Nakikita ko ang mga ngiting ang dahilan ay ang isa't isa. Hanggang sa dumating ako sa pagbabaliktanaw sa pinakadulong kabanata ng kwento.

"I need to go, Gabriella. I need to leave you." Bumugso ang galit sa puso ko nang marinig 'yon mula sa kanya.

"Kailangan ba talaga, Uno? O dahil gusto mo?" Umiiyak na sumbat ko sa kanya. Feeling ko, malalaglag ang puso ko sa sobrang sakit. "Okay lang, sabi ko diba? Okay lang na masaktan ako. Okay lang kahit ikaw pa ang dahilan. 'Wag mo lang akong iiwan, Uno."

"Hinayaan mo 'kong umalis, Uno. Hinayaan mong masaktan ako nang wala ka sa tabi ko."

***

Nagising ako dahil sa kung anong mainit na nakapulupot sa katawan ko. Nang idilat ko ang mga mata ko, nakikita ko ang sarili kong nakasandal sa dibdib ni Uno habang nakayakap siya sa'kin. Nakatulog kaming dalawa sa couch!

TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now