28. Jillian

4.3K 124 26
                                    

Three days after New Year, bumalik na ako ng Maynila. Nagsinungaling ako kay Uno na sa susunod na araw pa ako babalik para i-surpresa siya. Hindi ko inaasahang ako pala ang masusurpresa sa pagbalik ko. Tahimik akong nakapasok ng condo. Pipihitin ko na sana ang pintuan nang marinig ko ang boses ng isang babaeng tumatawa.

"Uno, you are still so cute. Come on. I know you still want me."

Nanginig ang buong katawan ko. Gusto kong sugurin ang babae pero nawalan ako ng lakas sa kinatatayuan ko.

"Please leave Jill."

"Am I so hard to resist now, Uno? Kaya mo 'ko pinapaalis?" Ang boses ng babae, nanlalandi talaga. Nanunukso.

"Jill, I have a girlfriend and she is so special to me. I know I am a jerk but we will never get back to what we were before. Please leave."

"Girlfriend? Huh? So you're admitting to me that you lied! You lied to me Uno! You stop seeing me because of another woman!"

"Please just leave, Jillian."

Finally, I have the guts to push the door open. Walang damit pang-itaas si Uno at tuwalya lang ang nakatupi sa bewang niya. Nakahawak ang babae sa dibdib ni Uno nang mabuksan ko ang pinto. Napalingon sa'kin ang babae at napatingin naman si Uno.

"Don't tell me she's the girlfriend you are talking about?" Pagtataray pa ng babae sabay tingin sa'kin mula ulo hanggang paa. Tinaasan niya ako ng kilay. Akmang lalapit pa siya sa'kin pero hinawakan siya ni Uno.

"Don't ever touch her. Don't try, Jillian." Banta ni Uno sa kanya.

The woman looks so familiar to me. Hindi ko lang maalala kung kailan ko siya unang nakita.

"You will regret this, Uno. I will make you regret this." She threatened before leaving. Binangga niya pa nga ako nang lagpasan ako ng babae. I was totally astounded. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ako nakagalaw. Lumapit si Uno para ikulong ako sa mga bisig niya.

"Oh Gabriella. Let me explain that." Pabulong niyang wika saka ako hinalikan sa noo. "I promise nothing happened baby. I was out from the shower and I was just shocked to see her. Maybe she asked for duplicate keys from the recep—"

"Sino siya Uno?" Naitanong ko rin sa wakas. Kanina pa sumisikip ang dibdib ko ng dahil sa babaeng 'yon. Ang dami ko na kasing na-formulate na conclusions at assumptions sa utak ko.

"Gab... She's just..." Nahihirapan siyang magpaliwanag. Nag-angat ako ng ulo para panoorin siyang magsalita.

"Is she your ex?"

"Gabriella, I told you I was never in a relationship. I mean... What Jill and I have was... I don't know. We've slept together before but she was never my girlfriend, okay?"

Napangiti ako. I scoffed at what he said. Lalo lang sumikip ang dibdib ko. Lumayo ako kay Uno para umupo sa kama.

"Galit na galit siya nang makita niya ako. Galit siya nang malamang may girlfriend ka. Why would she feel that, Uno? Ano ba'ng ipinangako mo sa mga babae mo noon?"

"Gabriella." Tumabi siya sa'kin at kinuha ang mga kamay ko. "I know it was stupid. But Jill and I are really never in a serious relationship like I told you. We were just—"

"Bed partners? Sex buds? Fuck-buddies? Friends with Benefits?" Hindi ko mapigilang sabihin dahil sa hindi ko maintindihang nararamdaman ko. Hindi ko nga narealize na umiiyak na pala ako kung hindi lang pinunasan ni Uno ang pisngi ko e.

"I'm sorry, Gabriella. Baby, if I can only turn back time."

Napatitig ako sa mukha ni Uno. His eyes are wounded, his soul is scarred. Totoong nagsisisi siya.

TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now