2. Danni

8.4K 201 21
                                    

Sinalubong ako ng Dormitory-manager pagkapasok ko sa building. Walang lingon-likod nga akong naglakad kasi nahihiya ako sa mokong na naghatid sa'kin. Napapaisip kasi ako, talaga bang may nangyari sa'min? Anak ka ng kambing, Gabriella! Ang tanga mo! Tapos, wala ka pang maalala. Ang tanga mong bata ka.

"Sir Philip! Good morning!" Bati ko sa kanya. Dati paman, strikto na siya at hindi niya ugali ang ngumiti. Pero iba ang pakoramdam ko ngayon sa mukha niyang walang kangiti-ngiti.

"Marami akong natanggap na sumbong ng mga kasama mo rito sa dorm lalo na sa mga roomates mo." Panimula niyang nagpalakas ng pintig ng puso ko. Ano na naman 'to? Hindi ba ako titigilan  ng problema? "Isa sa mga female occupants ang nawalan ng mamahaling kwentas. Mga gamit mo nalang ang hindi pa nacheck, Ms. Lacsamana."

Tsk. Kahit naman na aayaw pa ako, wala na akong magagawa. Una, alam ko kung sino ang may pakana nito e. Kung hindi si Audrey, malamang si Trinity.

"Sigurado ako, nandiyan sa mga gamit ko ang hinahanap niyo." Hindi ko mapigilang sabihin. "Sir Philip, ilang ulit na nila 'tong ginawa sa'kin. Papatulan na naman ba natin 'to?"

"Lacsamana, please open your closet."

Naiiyak akong sumunod sa utos niya. Hindi ko na sila pinanood na hinalughog ang mga gamit ko. Naupo nalang ako sa kama ko at do'n nagpipigil na huwag umiyak.

"Sabi ko na nga ba e! I am so right! Napakakati niyang kamay mo, Gabriella!" Sigaw ni Audrey sa'kin. Hindi ko siya pinansin.

"Lacsamana, follow me to my office."

Wow. It's okay Gabbi. Okay lang 'yan. Nangyari na 'to dati, 'di naman umobra sa kanila e. Sige na, sumunod ka na do'n sa panot na manager ng dorm.

"Kung sumbong lang ng mga kasamahan mo, Gabbi, okay lang. Kaya lang, it's really your behavior. Ilang ulit ka ng sumuway sa house rules ng dormitory. Naka-ilang demerit card ka na. Alam mo namang kaya ka nakakapasok ng libre sa dormitory na 'to ay dahil sa scholarship mo. I am so sorry. We have to let you go."

Nangingilid na 'yong luha ko at alam kong kapag nagsalita pa ako ay tuluyan ng babagsak 'yon.

"I'm so sorry, Gabriella. You know the rules. And last night, hindi ka pa umuwi. That is a major violation—" Hindi ko na siya pinatapos, tumakbo na kaagad ako pabalik sa room ko. Niligpit ko ang mga gamit ko. Nakakabwiset nga e, pinapalibutan ako ng mga bruhildang kasamahan ko sa lintek na dormitory'ng 'to.

"Masaya ka na Audrey?" Singhal ko sa kanya. "Aalis na ako kasi 'yan naman ang gusto mo diba?"

"Hindi lang gusto, Gabriella. Gustong-gusto." Nakangising tugon niya. Napakuyom ako ng palad. Kung hindi ko lang napapaalahanan ang sarili kong 'wag magpadala sa emosyon, matagal na sigurong basag ang pagmumukha ng maarteng palaka na 'to.

"Hindi kita maintindihan kung ba't ganyan ka sa'kin! Hindi ba nga ikaw na mismo ang nagsabi? Maganda ka, mayaman, samantalang ako dugyot at mahirap. Ano ba'ng problema mo at pilit mong sinisira ang buhay ko?"

"Trip ko lang. Bored ako e." Sagot niyang nagpainit ng tenga ko sa sobrang galit. "Anyway, Gabbi. Hindi ko kasalanan na mas naniniwala si Sydney sa'kin kaysa sa traydor niyang bestfriend."

Tama na Gabbi. Wag mo na silang pansinin. Nilakasan ko ang loob kong umalis sa building nang walang luhang papatak sa mata ko. Nagtagumpay ako. Tumulo lang ang mga luha ko nang nasa labas na ako mismo ng gate. Nanininikip ang dibdib ko kaya napakapa ako do'n.

"Nay. Ang hirap. Ang hirap-hirap nay." Umiiyak na bulalas ko sa hangin. "Sana nandito ka pa. Kailangan ko ang yakap mo 'nay. Ang sakit sa puso..."

Matapos ang ilang minuto ng pag-iyak, tumahan narin ako at nakakahinga narin ako ng maayos. Nagpapanic-attack kasi ako kapag umiiyak. Naninikip ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga. Kanina pa ako para ng para ng nagdadaanang tricycle pero ayaw naman akong hintuan. Ang sarap ngang batuhin e. Nagulat nalang ako nang may magarang kotse na huminto sa tapat ko.

TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon