20. Hunger Game

5.2K 116 18
                                    

The self-proclaimed righteous Uno did not let me stay home for the rest of the day. Hinatid niya ako sa academy para pumasok sa natitira kong subjects. Kung sa bagay, hindi naman dapat ako nag-absent.

"Hi there woman." Bati ni Audrey na humarang sa daan. "You know that you aren't pretty, Gabbi, right?" Binigyan ko siya ng blankong expression sa mukha. Hindi ko kasi alam kung saan papunta ang usapan. "Boys are only head over heels about you because you are Uno Palmer's woman."

"Ano? Audrey, hindi kita maintindihan. Tsaka, may klase pa ako."

"Wag mo kaming talikuran!" Sigaw ni Trinity nang umakma akong aalis.

"Ano ba kasi ang kailangan niyo?"

"Gusto lang naming malaman mo ang totoo, Gabbi." Nakangising tugon ni Audrey. "Hindi ka magugustuhan ng Palmer brothers kung hindi ka lang virgin." Pahayag niyang nagpalunok sa'kin ng wala sa oras. "The same reason why Carter Andrews and Donny Montemayor want you. Ayaw lang namin na nagfe-feeling kang maganda."

"Wag kayong mag-aalala. Hindi ko naman feel na maganda ako." Sabi ko sa kanila. "Nakikita ko 'yon." Tumawa ako nang makalayo sa kanila. Hindi yata inexpect nila Audrey na sasagutin ko sila. Nakakaasar din naman kasi.

Ngunit napaisip ako ngayon na sana hindi ko nalang 'yon ginawa dahil mukhang na-trigger sila sa sinabi ko. May nag-lock sa'kin ngayon sa isa sa mga classrooms na nire-rennovate. Walang dumadaan nito. Sigurado naman akong si Audrey ang may pakana nito.

"Hello! May tao ba diyan! Hello! Tulong! May tao po rito sa loob!!!"

Kanina pa ako sigaw ng sigaw pero wala talagang dumadaan. Kung sana kasi hindi ako naniwala sa note na iniwan sa upuan ko e. Ang sabi naman kasi dito ko matatagpuan ang bag ko. Malay ko ba prank? E desperada akong hanapin ang bag ko na may laman lahat ng gamit ko. Pero malamang wala 'yon dito kasi entrapment 'to. Minsan talaga hindi ako nag-iisip e. Nakakaasar.

Ano'ng gagawin ko ngayon e wala akong dalang phone dito? Wala namang nakakarinig sa'kin.

"May tao ba diyan! Please, tulungan niyo 'ko dito!" Nananakit na ang kamay ko sa kakahampas sa pinto. Ayan na. Ayan na ang luha ko. Lalabas na! Bakit ba ang iyakin ko? Hindi naman bubukas 'tong pinto kung iiyak ako. Pero gabi na kasi e. Baka nag-aalala na si Uno sa'kin

Napasandal ako sa pader nang maramdamang naninikip ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga. Not now please. May claustrophobia kasi ako. Minsan pa, nagpapanic-attack.

"Gabbi??? Gabbiiii! Gabriella, are you here?"

Teka! May naghahanap sa'kin. Sumilip ako sa bintana pero hindi ko maaninag ang mukha.

"Nandito ako!" Sigaw ko sabay katok ng pinto.

Ilang minuto lang ay bumukas ang pinto. Si Carter ang nakita ko na bitbit ang aking mga gamit. Nang hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko, lumapit siya at niyakap ako.

"It's okay, Gabbi. I'm  here."

"Kailangan ko ng umuwi. Baka nag-aalala na sa'kin si Uno." Kinuha ko sa kanya ang mga gamit ko at nagpasalamat. "Salamat Carter. Kailan ko na talagang umuwi."

Aalis na sana ako ngunit hinawakan niya ako sa balikat.

"Ihahatid na kita."

"Hindi na."

"Gab? Come on. Ihahatid na kita."

Gusto ko siyang sungitan pero pinigilan ko dahil siya naman ang nagligtas sa'kin. Sa huli, hinayaan ko siyang ihatid nalang ako. Sasabihin ko nalang din kay Uno lahat ng nangyari para hindi siya magalit kaysa may kung anong marinig pa siya sa iba.

TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon