11. Lil Sister

5.9K 170 46
                                    

Ang sakit ng ulo ko. Ang bigat-bigat ng katawan ko kaya tinamad akong bumangon. Sinubukan kong abutin ang phone para icheck ang oras. Ugh. Isang oras nalang para sa first class ko. Si Uno kaya, nandito na? Hindi siya sa condo natulog kagabi kaya mag-isa lang ako which is so much better.

Takte. Nasusuka ako. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Nahihilo ako at nasusuka. Ano ba'ng kinain ko kagabi?

"Good morning Gabrie—" Hindi natapos ni Uno ang pagbati sa'kin nang makita niya ako. "Gabriella? What are you doing? Why are you still in bed? Hindi ka mag-aabsent."

"Uno..." Napatampal ako sa bibig ko dahil nasusuka na talaga ako. Tumakbo ako sa lavatory at nagsuka. Hindi ko alam na sinundan pala ako do'n ni Uno.

"Gab? Are you not feeling well?" Lumapit siya sa'kin at kinapa ang noo at leeg ko. "Gabriella? Your temperature seems fine. Tell me, how are you feeling? Do you want me to take you to the hospital?"

"Uno..." Naluluhang sambit ko ng pangalan niya.

"Gab? Why?" Hinawakan niya ako sa pisngi. "Hey. Hey, hold that back. Don't cry. What is it? I'm listening."

"I think I'm pregnant."

Lagpas three weeks na din mula ng mangyari 'yon diba? Mag-iisang buwan na in a week or in a few days?

"Gabriella, that's impossible."

Itinulak ko siya at tumakbo pabalik sa kama. Yakap ang tuhod ko, umiyak ako ng tahimik. Umupo si Uno sa tabi ko at pilit na kinukuha ang kamay ko pero hindi ko siya hinahayaan.

"Gabbi, look at me." Umiling ako. "Gabriella. If it's... true, so what?"

"So what? So what, Uno? Look, I'm just 17! Nag-aaral pa ako! Paano na ang pangarap ni tatay para sa'kin?" Singhal ko sa kanya. He tried to smile. This time, nagtagumpay siyang hawakan ang kamay ko. "Uno, natatakot ako."

"Baby, you're 18 today. That means if it's really positive...then we'll get married."

"Ang tanga ko Uno. Ang tanga-tanga ko. Hindi dapat ako naglasing no'n. Ano naman kung sinaktan ako ng kaibigan ko? Hindi na dapat ako lumabas ng dorm—"

"Shh. Gabriella...please." Niyakap niya ako habang hinahagod ang likod ko. "I don't want to see you crying. I can't breathe when you cry, Gab."

"Uno, ano'ng gagawin ko?"

"No. Gagawan natin. Natin, Gab. Pupunta tayo sa inyo ngayon diba? We'll tell your father—"

"Hindi pwede. Hindi pwedeng malaman ni tatay. Masasaktan 'yon. At si Danni, hindi ko kayang makita sa mga mata niya na nadisappoint ko siya. She sees me as her hero, Uno." Umiiyak na pahayag ko. "Paano na ako makakabawi kay nanay? Nangako ako sa kanya na tutuparin ko lahat ng pangarap niya para sa pamilya namin... Tapos, heto? Mabubuntis ako? Dahil sa katangahan ko?"

"Aren't we overreacting here Gabbi? We can go and see a doctor."

"Pwedeng 'wag na muna ngayon? Uno, pangitiin mo 'ko. I-reset mo 'yong araw. Kunwari hindi 'to nangyari. Kunwari hindi natin 'to alam—"

"Ako 'tong pinapangiti mo e."

"Uno, seryoso ako!" Maktol ko. "Birthday ko e, dapat masaya ako. Kailangang okay ako pag-uwi mamaya."

"Halika nga dito." Tawag niya para mayakap ako. Ang hirap palang lumimot ano?

Tumayo si Uno at kinuha ang bulaklak na kanina pa pala nakalapag sa mesa. Hindi ko 'yon napansin kanina nang dumating siya.

"Happy birthday to my crybaby-girlfriend."

"Hindi mo naman ako pinapangiti e." Nakangusong tugon ko.

TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon