Chapter 30. [Confession]

280K 5.9K 1.5K
                                    

May u p d a t e ako =))))) Pambawi man lang sa bitin kong update last monday. Hahaha.

-----------------------------------

HANNAH'S POV

TAGAYTAY

FIRST DAY

Natulog lang ako sa kwarto buong maghapon. Ewan ko ba. I feel bad...

And alone.

Bumaba na ko ng beach house pagkatapos kong mag-ayos ulit. Hays. Ang iyakin ko. Nakakainis!

Teka, akala ko dumating na yung Dark Knights? Bakit ganun? Parang wala silang lahat.

Baka nasa labas na.

Papalabas na sana ako ng biglang may humawak ng braso ko.

"Hannah! Okay ka lang?"

Si Trick?

"Ah oo, okay lang ako."

Nagkamot siya ng ulo. "Akala ko kung ano na."

"Teka, ikaw na lang nandito na Dark Knights member?"

"Oo eh. Yung ibang gago naghanap na ng maaano."

"Huh?"

He smirked. "Wala."

Ewan ko pero bigla na lang akong nailang sa kanya. Napansin niya siguro kasi bigla na lang siyang tumawa ng mahina.

"Relax, Hannah. I'm just joking. Actually, napag-isipan namin nila Sky, Grey at Drake na mag-surfing. Nauna na sila dun."

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya.

"Akala ko naman kung ano na! Nakakainis ka!" kinurot ko siya sa braso niya kaya napangiwi siya.

My Gangster HusbandWhere stories live. Discover now