Filming.08

1.3K 59 16
                                    

Karylle's POV

I opened my eyes and woke-up in an unfamiliar room. I was about to panic when I remember sleeping at Vice's room. Napatingin ako sa gilid ko pero wala na si Vice dun.

I sighed thinking kung paano ako lalabas nang kwarto ni Vice. Pero ganun na lang yung gulat ko nang makitang natutulog si Vice sa sofa sa loob nang kwarto.

I decided to just play with my phone while waiting for him to wake-up.

Maya-maya ay nagmulat siya nang mata at agad na tumingin sakin.

"Gising kana?" Nakangiti niyang tanong.

"Bat diyan ka natulog?"

"Ang likot mo kasing matulog baka mahulog ako kakasipa mo." Pang-aasar niya sakin.

"Ui hindi kaya ako malikot matulog." Agad na protesta ko.

Tinawanan lang niya ako bago tumayo para lumapit sakin. Umupo siya sa gilid nang kama.

"Nakatulog kaba nang maayos?"

Nakangiti naman akong tumango. "Sabagay mas nauna ka pa ngang nakatulog sakin. At home na at home lang Ana Karylle?"

"Your room is so cozy and I'm a bit a sleepy na din pala kaya nakatulog na din ako."

"Ang lakas makasosyal nung cozy at a bit sleepy ha."

"Tse." Nakairap na pagtataray ko tumawa lang naman siya bago tumayo na.

"Tara na sa labas girl baka inaantay na tayo nila nanay.""Aniya bago nilahad ang palad sa harap ko.

"Bigla akong nahiyang lumabas." Ani ko bago yumuko.

"O sige Karylle dito na lang tayo." Vice said bago humiga sa tabi ko at niyakap ako.

"Vice!"

Sakto naman na may kumatok sa pinto.

"Meme! Tawag na kayo ni nanay Rosario magmeryenda na daw! Tama na harot!" Sigaw ni Buern mula sa pinto. At sa gulat at hiya ko ay natulak ko si Vice palaglag nang kama.

"Aray ko naman Karylle!" Reklamo ni Vice habang hawak pa din yung tagiliran niya.

"Oh my gosh! Sorry Vice. Okay ka lang ba?"

"Di pwede yung sorry lang. Kiss mo! Kiss mo." Biro niya habang tinuturo yung labi niya.

"Ewan ko sayo, Tumayo kana diyan at labas na tayo nakakahiya na sakanila."

Nakapout naman na sumunod na siya. Pasimple kong tinignan yung reflection ko sa salamin. At agad kong inayos yung nagulo kong buhok.

"Ang cute nang hair mo pag kagigising mo." Ani Vice bago hinawakan pa yung buhok ko.

"Hindi mo pa kasi nakikita yan pag umaga. Parang pugad nang ibon kaya yan."Reklamo ko.

"Tingin ko maganda kapa din sa paningin ko girl kahit magmukhang pugad nang ibon yang buhok mo."

"Ewan ko sayo."Nakairap na reklamo ko para itago yung kilig ko.

Maya-maya ay lumabas na din kami. Nakita ko sina Buern na may nang-aasar na tingin samin.

"Napano yang tagiliran mo meme?" Hindi nakatiis na tanong ni Archie nang makitang hawak ni Vice yung tagiliran niya.

"Lakampake." Pambabara ni Vice.

"Sungit. Ganda ka te?"

"Di ako maganda pero nananakit ako kaya tantanan niyo ko."

Ani Vice na ikinatawa ko.

We got married (Vicerylle Edition)Where stories live. Discover now