WGM. Outside Filming

2.9K 89 17
                                    

Vice’s POV

Guys ha. Sa condo ko mamaya. Isang buwang palunch sa Red Crab yung absent.” Paalala ni Anne habang nagliligpit nang gamit niya.

Napakamautak mo din talagang babae ka. Sinigurado mong condo mo yung venue para makaiwas kang umabsent.” Pagrereklamo ko na ikinatawa niya lang.

“Pumunta kana lang kasi wala ka namang date. Yung mga may jowa nga ndi nagrereklamo eh.” Pang-aasar ni Anne bago dumila pa.

“Pagbigyan mo na kuys parang advance bonding na din natin to para sa birthday ni Anne.” Singit ni Vhong na sinang-ayunan naman nang iba.

“Bahala na nga kayo. Kung bakit naman kasi sa dinami-dami nang araw ngayong Valentines pa niyo naisipang gumanito.” Pagsuko ko na lang.

Maya-maya ay nagkanya-kanya na kaming alis.

Meme pupunta kaba kina Ms. Anne mamaya?” usisa sakin nila Archie habang nagbibiyahe kami pauwi.

Nag-angat ako nang tingin mula sa cellphone ko bago tumingin sakanila. “Wala naman akong choice hindi naman ako patatahimikin nang mga yun pag hindi ko sila sinipot. Pwede na kayong rumampa ako na bahalang magdrive mamaya.” Ani ko sakanila na ikinapalakpak nila.

Napailing na lang ako bago ibinalik yung atensyon sa cellphone ko.

Meme kanina kapa sa phone mo? Binati kana ba sa twitter ni Ms. Karylle?” simulang kantiyaw ni Buern.

Wala pa yata. Chineck ko yung twitter ni Ms. Karylle walang pagbati kay meme.” Singit ni Jegs.

“Baka may kadate kaya dedma sa on-screen fiancé.” Natatawang pang-aasar ni Archie na ikinatawa nang lahat.

“Baka samain ka sakin Arsenio. Nako sinasabi ko sayo araw nang mga puso tigil-tigilan mo ko.” Napipikon na pagbabanta ko.

Napasimangot ako dahil kanina ko pa inaantay na batiin ako ni Karylle. I even greeted her in showtime dahil sa pang-aasar nila Anne kanina pero wala pa din siyang paramdam maghapon.
Bigla tuloy akong nagdalawang-isip kung itutuloy ko pa yung pinapasuyo ko kina Divine.

Ngunit bago pa ako makapag-isip ay tumunog na yung cellphone ko.

“She’s on her way na daw Viceyy. I’ll update you later.” Napangiti ako nang mabasa yung text ni Divine.

Pero medyo napasimangot din ako nang maisip na naharap niyang magtext kay Divine pero hindi man lang nakakaalalang bumati.

Nang makarating sa unit ko ay dumiretso nako sa kwarto para magpahinga muna habang nag-aantay ng update kay Divine.

Habang maya-maya ay sinisilip yung update sa twitter at instagram ko kung binati naba ako ni Karylle ngunit nganga pa din.

Maya-maya ay napapitlag ako nang tumunog yung phone ko.

Agad akong napabangon nang mabasa yung text ni Divine na nandun na daw si Karylle. Bigla akong naexcite kung magiging success ba yung paandar ko kay Karylle for Valentines. I heard from Divine kasi na they were planning to have a simple get together for Valentines sa condo ni Divine bago magkanya-kanyang lakad for Valentines.

At dahil wala naman kaming taping ni Karylle at nahihiya akong yayain siya na magdate nang valentines kaya naisipan ko na lang na sorpresahin siya with the help of Divine. Na game na game naman tumulong.

Maya-maya ay nagvideocall na sakin si Divine. I smiled habang nakita kong nakatutok yung camera kay Karylle she was wearing a simple white adidas shirt and black shorts. Sobrang simple lang nang ayos niya she’s barely wearing a make-up at nakamessy bun lang yung buhok niya but she’s still beautiful for me. Mas bet ko na ganito lang siya kasimple sa totoo lang.

We got married (Vicerylle Edition)Where stories live. Discover now