Filming.06

2.1K 91 9
                                    

Karylle's POV

Nang matapos na ikabit yung belo sakin ay lumabas ako para tignan yung photoshoot ni Vice.
Ngunit natapos na pala siya.

"Hi K. Katatapos ni Vice. Nasa baba na siya para sa next cut. Dumating na kasi si BJ kaya sinimulan na yung solo cut ni Meme sa baba para matapos na din tayo." Imporma sakin ni Mark.

Ngumiti lang ako at tumango. Maya-maya ay pinakita na niya sakin yung pose na gagayahin ko kaya tumango-tango naman ako at pumwesto na.

After ilang take ay nakuha na din ni Mark yung cut na gusto niya.

"Good take K. Bibigyan ko nang copy nito si Vice." Natatawang pagbibiro niya nang lumapit siya sakin para ipakita yung kuha ko.

Napangiti ako dahil nagustuhan ko din yung kuha ko. I am wearing a veil and my hand is under my chin while showing my  puzzle ring and engagent ring. I am smiling while looking at the floor that gives the photo a candid vibes.

Maya-maya ay nagyaya si Mark sa isang studio set sa baba na kinaroroonan ni Vice. Sumunod naman na ko matapos akong iretouch nila Audi.

Nauuna samin si Mark kaya siya na yung nagbukas nang pinto. Nagulat pa ako nang makita ko si Vice.

Seryoso siyang sumusunod sa instruction ni BJ pero nung nakita niya akong kasunod ni Mark ay lumapad yung ngiti niya at masiglang kumaway sakin.

I waved back and point BJ to him as if reminding him to behave and listen to BJ. Tumango naman siya at sumunod. After ilang shot ay sumigaw na din nang okay si BJ. Agad namang naglakad si Vice papalapit sakin.

"Hi. Tapos kana sa taas?" aniya pagkalapit sakin.

Tumango naman ako. "Hindi kapa ba pagod?" nag-aalalang tanong ko.

Umiling naman siya. "Patapos na din naman kaya keri lang."

Maya-maya ay tinawag nako ni BJ para ipakita yung concept ng solo cut ko. Kasunod ko pa din na lumapit si Vice na curious din yata sa concept ko.

BJ was discussing something nang biglang namatay yung ilaw na ikinatili ko.

Agad naman na may humawak sakin na nalaman ko agad na si Vice because of his scent.

Magsasalita sana ako pero biglang bumukas yung projector at tumama sa projector screen na hindi ko napansing nakaset-up sa may right side nang studio. Binuksan siguro para magkaliwanag.

Magtatanong sana ako kay Vice kung nasa kanya ba yung cellphone niya para gawing flashlight pero biglang may nagplay na kantang hindi familiar sakin.

Nang makilala kita
ay wala kong nadama.
Kinaibigan kita at maraming natuwa.
Wala naman talaga akong balak sating dalawa.
Pero ang puso ko itong kinakanta.

Kinalabit ako ni Vice at nang lumingon ako sakanya ay tinuro niya yung projector screen na hindi ko napansin na nakasetup sa gilid. I gasped nang makita ko yung mga baby pictures ko na lumalabas sa screen.

O ano ba naman tong nararamdaman.
Hindi ko na ito maintindihan
Litong - lito na nga ang utak ko Pero in love ako sa yo.

Nang lumingon ako kay Vice ay nakangiti lang siya sakin.
Nung tumagal tagal Napalapit ako sa iyo.

Ako'y natutuwa At natatawa sayo.
Unti unting nawawala ang pader sa puso ko
Kaya ito naman ang sinisigaw nito..

Nang bumaling ako ulit ako sa screen ay mga baby pictures naman na niya yung pinapakita sa screen. Napangiti na lang ako habang pinapanuod yung mga mga cute na picture niya nung bata.

We got married (Vicerylle Edition)Where stories live. Discover now