Filming.05

2.1K 59 6
                                    

Vice' POV

I was waiting for Karylle in a café at nang matanaw ko siyang papasok nang café ay ganun na lang yung lapad nang ngiti ko habang kumakaway sakanya nang makita ako ay nakangiti din siyang kumaway pabalik.

"Hi." Bati ko nang makalapit na siya.

"Hi. Umorder kana?" pansin niya sa kinakain ko nang makalapit siya.

"Yup late nako nagising kaya dito nako nagbreakfast." Imporma ko sakanya tumango-tango lang naman siya.

Inabot ko sakanya yung menu para makaorder siya nang matapos makaorder ay bumaling naman siya sakin.

"Hindi kapa ba busy para sa concert tour mo?" usisa niya maya-maya.

"Hindi naman masyado. Halos tapos na rin sa mga preparations konting rehearse na lang."nakangiti kong sagot.

"You should rest bago yung concert mo." Paalala niya na ikinangiti ko.

Tumango lang ako habang pasimpleng lumingon sa papalapit na waitress. Napangiti na lang ako dahil nakatalikod si Karylle sakanya kaya hindi niya napansin.

Nang makalapit at ilagay niya yung cake na dala niya sa harap ni Karylle ay ganun na lang yung gulat ni Karylle bago masama ang tingin na bumaling sakin.

"Hey! Ikaw at yang mga paandar mo!" pagtataray niya sakin na ikinatawa ko lang.

"Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday, Happy Birthday. Happy Birthday to you! Happy Birthday K!" masayang pagkanta ko sakanya. Siya naman ay pumikit bago pinagsalikop yung dalawa niyang kamay at hinipan yung mga kandila.

"Ang daya mo!" nakasimangot na reklamo niya. Ngumiti lang ako bago kumuha nang icing at ipinahid sa ilong niya na ikinalukot nang mukha niya.

"I hate you! Puro na lang ikaw yung may paandar para sakin. Wala man lang akong nagagawa para sayo. Yung birthday mo pa saktong nasa concert ka." Pagmamaktol niya.

"Gusto mo wag na akong tutuloy nang concert ko at dito na lang ako para sa birthday surprise mo?" natatawang pang-aasar ko sakanya bago masuyong ginulo yung buhok niya.

"Tse!" pagsusungit niya bago humalukipkip sa harapan ko.

Masuyo ko namang hinila yung kamay niya na may suot na puzzle ring bago ipinakita sakanya. "Okay nako dito. Sobra pa nga to sa okay eh." Ani ko na ikinapula niya.

"Halalalalalala. Si Karylle namumula. Kras mo ko no?" pang-aasar ko para itago yung hiyang nararamdaman ko.

Sasagot pa sana si Karylle nang biglang lumapit samin yung crew kanina at inabot yung mission card. Natawa pa kami ni Karylle nang walang paalam siyang umalis matapos iabot samin.

“Nakakaloka talaga yung nilalayasan lang nila tayo nang walang pasabi after nilang iabot to.” Himutok ni Karylle habang binubuksan yung mission card.

“Teka lang!” pigil ko sakanya bago niya makita yung laman.

“Anong gagawin ko related na naman sa horror yung laman nito?” tanong ko sakanya na ikinatawa niya.

“Nako sinasabi ko sayo Karylle sisilaban ko talaga to pag nabasa kong may kababalaghan na namang laman to.” Pagbabanta ko sakanya.

She opened the letter and read it loud. “Vice and Karylle congratulations on your engagement! You can now go to the address written below for your prenuptial photo shoot.” Basa niya nagkatinginan kaming dalawa.

We got married (Vicerylle Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon