Filming.02

2.7K 75 6
                                    

Vice's POV

Nanghihinang napalupasay na lang ako dahil sa sobrang kaba at kahihiyan dun sa ginawa ko.

Nang lumingon ako sakanya ay nakatalikod siya sakin habang inaalis na yung helmet niya at inaayos yung buhok niya.

"Hi Vice." agad na bati niya sakin nang matapos ayusin yung buhok niya.

"Ah hello." nahihiyang bati ko bago yumuko na lang ulit sa sobrang kahihiyan.

"Madumi diyan tumayo kana." aniya at nagulat na lang ako nang ioffer niya yung kamay niya.

Nag-aalangan man ay kinuha ko na lang yung kamay niya.

"Nakakaloka ang awkward." natatawang reklamo ko.

Maya-maya ay may inabot yung staff na envelope.

"Wag mo nang kunin yan. Uwi na tayo." pigil sakin ni Karylle na ikinatawa ko lang.
"Hindi na daw namin kukunin yan. Uuwi na kami." pagbibiro ko sa camera.

Pero sa huli ay kinuha din ni Karylle at binasa.

"Vice at Karylle. Now that you finally met each other. Go to a place where you can talk and get to know each other." sabay na basa namin ni Karylle.

Namumulang tinakpan niya yung mukha niya nang envelope.

"Don't you find it weird na kanina we are reading this nang tayo lang pero ngayon sabay na tayo nagbabasa nang mission card." komento niya na ikinatawa ko lang.

"I was thinking the same thing. Kumain ka na ba?" tanong ko sakanya at nang umiling siya ay niyaya ko na lang siya papasok.

Nang madaanan namin si Kuyang Guard kanina ay kumaway ako.

"Kuya nakilala ko na yung fiance ko. Ang ganda no?" pagmamalaki ko kay Karylle na ikinapula niya lang.

Nag thumbs-up naman si Kuyang guard kaya kumaway na lang kami ni Karylle bago pumunta sa restaurant na madalas kong kainan.

Nang makaupo ay agad na umorder kami ni Karylle. Nakatingin lang ako sakanya habang siya naman ay paminsan-minsang tumitingin sakin.

"Sino nga pala yung kuyang guard na binati mo kanina?" maya-maya ay usisa sakin ni Karylle.

"Sinita ako ni Kuya Guard kanina dahil nakahelmet ako sa loob nang mall. Nakakatuwa si kuya kasi sinita pa din niya ko kahit nakilala niya ko. Mas loyal pa din siya sa trabaho niya." pagkukwento ko.

Tumango lang si Karylle bago nakangiting yumuko. "Why do I feel so awkward?"

"Ako nga din eh parang umiihi na yung palad ko sa sobrang kaba ko." pag sang-ayon ko pero napatakip na lang ako sa bibig ko dahil umiral na naman yung pagkabalahura nang bibig ko.

Akala ko kasi sina Alex at Anne lang kausap ko kaya masyado akong at home.

"Ang cute mo." natatawang komento niya na ikinapula ko.

Sasagot sana ako pero dumating na yung order namin.

"Madalas ka dito?" basag ni Karylle sa katahimikan.

"Pang apat na beses pa lang ngayon. Ikaw?" balik tanong ko.

"Pang second na yata. Hindi ko sure pero parang pumunta na kami nila Iza dito."

"Ah oo nga pala pinsan mo si Iza diba?" tanong ko sa kawalan nang maisip na topic.

"Yup. She's my cousin and bestfriend rolled into one." nakangiti niyang sagot.

We got married (Vicerylle Edition)Where stories live. Discover now