Filming.01

4.1K 97 10
                                    

Vice's POV

"Vice punta ka daw sa office ni direk bago ka umuwi." Singit ni Teddy habang nagkukwentuhan kami nila Vhong at Anne.

"Hala ka wakla ano na naman ginawa mo at pinapatawag ka ni direk?" natatawang pang-aasar sakin ni Anne.

"Pinagsasabi mo Anne Churchis? Pinatawag lang may ginawa na ko agad?" nakairap na pagtataray ko sakanya.

"Aba malay ba natin. Sa sampung beses kaya na ipinapatawag ka ni direk siyam dun dahil may ginawa ka na naman." Sabat naman ni Vhong bago nakipaghigh five pa kay Anne.

"Ah ganun. So kay Anne ka kampi? Two versus one to? Kainam." Sabi ko sabay pasimpleng hampas kay Vhong.

"Aray! Siyempre kampi ako kay Anne at loveteam ko to eh." Sagot ni Vhong bago umakbay kay Anne.

"Oh bakit? Loveteam mo din kaya ako. Akala mo naman kung sino tong gwapo. Pag ako nagkaron nang sarili kong loveteam who you ka sakin." Ani ko na tinawanan lang nila.

"Be careful what you wish for kuys." Ani Teddy na halatang nagpipigil lang nang tawa.

"Pinagsasabi mo diyan Teddy nose?" nagtatakang tanong ko sakanya.

"Wala naalala ko lang yung line dun sa pinapanuod na cartoons nung anak ko kanina. Pano mga kuys una nako at mag grocery pa kami ni Misis. Punta kana lang kay direk mamaya." Ani Teddy bago bumeso na samin nila Anne at umalis na bago pa kami makapagtanong ulit.

"Ang weird ni Teddy ngayon." Pansin ko habang nakatingin sa nagmamadaling lumabas na si Teddy.

"Ah baka may pupuntahan pa sila nung asawa niya. Mag-asawa kana din kasi para maintindihan mo siya." Ani Vhong bago may ipinakita kay Anne sa cellphone niya.

Hindi ko naman na pinansin dahil baka fanvid lang nang loveteam nila. Normal naman na sakin na ganito sila sa backstage.

"Geh mamaya pag-uwi ko update na lang kita kung kelan mapag-usapan naming wedding date." Pamimilosopo ko na ikinatawa lang nila.

"May appointment ba kayo mamaya? Kain tayo after ko kausapin si Direk." Pagyayaya ko sakanila.

"Pass muna ako sisteret at may meeting ako mamaya sa bagong endorsement ko." Agad na pagtanggi ni Anne pagtapos tumingin kay Vhong.

"Taray may bagong endorsement padinner ka naman pag nakuha mo na down na TF. Ikaw Vhong?" baling ko kay Vhong.

"Gluta sesh ko ngayon. De joke may meeting sa school ni Bruno kaya ulirang ama muna ang peg ko brad." Ani Vhong na ikinasimangot ko.

"Geh ganyan mag-aasawa na talaga ako mamaya para may instant akong mayayayang kumain." Nakalabing reklamo ko habang halos masamid na kakatawa sina Vhong at Anne.

"Tara na sisteret pumunta kana kay direk para makakain kana pagtapos nang meeting niyo." Ani Anne kaya sumunod na din ako.

"Uwi na tayo meme? Bungad sakin nang hairstylist ko na si Buern pagkalabas namin nang dressing room ni Anne.

"Punta muna ako kay Direk." Simpleng tugon ko.

"Hala ano na naman ginawa mo meme? Kaloka ka talaga."nag-aalalang tanong niya na ikinatawa lang nila Vhong at Anne.

"Hindi ba pwedeng baka may prod lang ako sa sabado? Pinatawag lang ako ni Direk may ginawa na agad akong mali? Ang judgemental niyo din no? Kepeperpek niyo." Pag-susungit ko bago iniwan na sila.

Nang makarating ako sa office ni direk ay napakunot ang noo ko dahil walang tao.

"Pinagtitripan ba ko ni Tedy o may pinuntahan lang si direk? Pag talagang pinapakaba lang ako nung Teodorong yun bubunitin ko lahat nang buhok niya sa ilong bukas." Parang sirang pagkausap ko sa sarili ko.

We got married (Vicerylle Edition)Where stories live. Discover now