Filming.07

1.7K 57 2
                                    

Vice's POV

Pinipigilan ko pero hindi ko maiwasang mangiti habang inaantay ko si Karylle sa lobby nang hotel na tinutuluyan niya.

Naalala ko yung surprise na hinanda niya para sakin. And knowing na magkikita na naman kami ngayon ay ganun na lang yung lawak nang ngiti ko.

Ganun na lang yung kaba ko nung makitang palapit na sakin si Karylle.

"Hi kanina kapa?" nakangiting tanong niya nang makalapit.

"Di naman masyado halos kadadating ko lang." Pagdedeny ko.

Tumango naman siya. "Nagbreakfast kana ba?"

"Yayayain sana kitang magbreakfast kaya maaga ako." ani ko na ikinailing niya.

"Dapat tinext mo ko. Nagparoom service nako kanina eh." naguiguilty na aniya bago napasimangot pa.

"Okay lang di pa naman ako gutom. Tara na?" Ani ko sakanya kahit nagugutom na talaga ako.

Hinila naman niya yung kamay ko at giniya ako sa resto nang hotel.

"Kain kana muna samahan na lang kita." aniya tumango naman ako at di na nag-inarte dahil nagugutom na din ako.

"Where do you want to go?" Tanong ni Karylle habang kumakain ako.

"Ano kasi okay lang naman sana sakin kahit san mo gustong pumunta ngayon kaya lang kasi may request si nanay sakin kagabi." panimula ko bago napakamot sa batok. Si Karylle naman ay napalaki yung mata nang bahagya.

"Oh my gosh. Don't tell me it is what I think it is." aniya na medyo mukhang kinakabahan.

Alanganin naman akong tumango.

"Request ni nanay eh. Tumawag kasi siya sakin kagabi gusto niya daw akong makasama ngayong birthday ko. Sabi ko lalabas tayo dahil pinuntahan moko para isurprise. At yun nga gusto ka niyang makilala. Pero kung hindi ka naman ready magdadahilan na lang ako kay nanay." mahabang paliwanag ko.

"It's not that I don't want to. Nakakaloka lang na puyat ako kagabi kaya feeling ko ang haggard ko today. Nakakahiyang humarap kay Tita Rosario nang ganito." nag-aalalang reklamo ni Karylle na ikinatawa ko.

"Akala ko di mo bet makilala si nanay. Woooh Karylle naman maganda ka kahit wala kang tulog. Kahit nga wala ka pang ligo maganda kapa din sa paningin ko." natatawa kong banat sakanya.

"Naligo ako no!" nakalabing kontra niya agad na ikinatawa ko.

"Joke lang. Joke lang. Ano na puntahan na natin sina nanay?" nananantiyang tanong ko sakanya.

Nakangiti naman siyang tumango kaya agad kong kinuha yung cellphone ko.

"Bat out of nowhere nilabas mo yang cellphone mo?" nagtatakang-tanong niya.

Di naman ako sumagot at tinawagan na si nanay. At nang sumagot siya ay niloudspeaker ko na.

"Happy birthday Tutoy!" Agad na bungad niya na ikinalaki nang mata ni Karylle.

"Nay! Eksaherada naman yung tutoy!" protesta ko na tinawanan lang niya.

"Ewan ko sayo. Kahit anong sabihin at marating mo ikaw parin ang Tutoy ko." aniya kaya napakagat-labi ako habang pinipigilan kong mapaiyak.

"Kaloka ka nay pinapaiyak mo naman ako ang aga-aga eh. Mahal na mahal kita nay ha."

"Mahal na mahal din kita toy. Anong sabi ni Karylle? Pupunta ba kayo dito sa bahay?" aniya na ikinalingon ko kay Karylle.

We got married (Vicerylle Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon