Filming.04

2.2K 77 12
                                    

Vice's POV

I was facing back and forth habang nakatayo ako sa harap nang cafe na pagkikitaan namin ni Karylle para sa shooting namin nang We Got Married.

"Meme pumasok kana bago kapa mapansin nang mga fans mo." tulak sakin ni Buern na umani nang masamang tingin mula sakin.

"Wag mo nga kasi siyang ipressure at natatakot yan kay Ms. Karylle." natatawang pang-aasar ni Archie.

"Hindi no! Sinong takot?" nakairap na sabi ko bago kinakabahang pumasok na sa loob habang mahigpit ang hawak ko sa bulaklak na hawak ko.

Agad kong ginala yung paningin ko at ganun na lang yung relief na naramdaman ko dahil wala pa si Karylle.

Kumaway sakin yung mga staff na nag-aantay kaya pilit ang ngiting kumaway din ako pabalik.

"Sir Vice wala pa po si Ms. Karylle. Pero ifilm na po namin kayo while waiting." nakangiting bungad sakin nang isang staff.

Tumango na lang ako at umupo na. Nirent nila yung cafe kaya walang tao. Kinakabahan ako while waiting for Karylle kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Maya-maya ay tumayo ako at umupo ulit. Pasimple din akong tumitingin sa relo ko.

Nang tumunog yung pinto ay kinakabahang dahan-dahan akong lumingon.

Maya-maya ay pumasok na si Karylle. Nawala yung kaba ko at napalitan nang inis ko nang makitang nakadress siya pero croptop yung bandang taas kaya kita yung abs niya.

"Bat ganyan yung suot mo?" Nakataas yung kilay na tanong ko pagkalapit niya.

"Don't talk to me." nakasimangot din na sagot niya bago umupo na sa harap ko.

"Gusto mo bang kabagan te? Magpalit ka." nakasimangot na pamimilit ko pa din.

"Gusto mong umuwi na lang ako?" aniya bago humalukipkip pa sa harap ko.

I sighed and raised my hand as a sign of defeat.

Maya-maya ay may crew na nag-abot samin nang menu.

She ordered carbonara and lemonade. Kaya ganun na lang din ang kinuha ko.

"Galit kapa ba?" nananantyang tanong ko while waiting for our food.

Pero sa halip na sagutin ako ay kinuha niya lang yung phone niya at doon tinutok yung pansin niya.

I sighed. And reach for the flowers na nasa gilid nang upuan ko.

"Flowers for you." Ani ko bago inabot sakanya pero tinignan niya lang ako.

"Allergic ako sa bulaklak." tipid na sagot niya.

I pout. "Kelan kapa nagkaallergy sa bulaklak? Kakabigay ko nga lang sayo last week maghapon mo pang bitbit yun."

Umirap lang siya. "Since I watched your show last Friday." malamig na sagot niya na nagpatayo sakin sa upuan ko.

Maya-maya ay napaupo din ako at bumaling sakanya.

"Sorry na po." pacute na tawag ko sa pansin niya.

Napangiti ako nang tapunan niya ko ng tingin pero nawala din nang irapan niya ko.

Maya-maya ay dumating na yung order namin. Kinuha ko yung utensils at pinunasan bago iabot kay Karylle pero inirapan lang niya ako at kumuha din nang iba.
Lumingon ako sa staff.

"Okay lang bang ifilm kami na hindi kami okay?" tanong ko sakanila.

"Okay lang naman po. Mas okay din yung natural lang po yung mga moments niyo minsan para di masabing scripted kayo." anang staff na nagpalaglag nang balikat ko.

We got married (Vicerylle Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon