Filming.03

2.9K 77 13
                                    

Vice’s POV

Bakla gisingin mo na si meme.” Narinig kong pag-uusap mula sa labas nang kwarto ko.

Ayoko bakla ang aga pa. Baka magbeastmode na naman si Meme. Puyat yan kagabi.” Narinig kong protesta ni Jegs.

Napailing na lang ako bago tumayo na. Hindi ko alam kung bakit maaga akong nagising ngayon kahit anong oras na akong nakatulog matapos yung filming naming nang We Got Married ni Karylle kahapon.

Agad na lumaki ang ngiti ko nang maalala ko na naman siya.

Sa totoo lang hindi talaga ako komportable sa idea na sasali ako sa show na to.

Buo na ang loob ko na magquit pero nung makita ko na si Karylle yung kapartner ko ay ganun na lang yung pasasalamat ko dahil hindi ako umayaw nung una pa lang.

Kung hindi malamang hindi ako magkakaron nang pagkakataon na mas makilala pa si Karylle.

Parang timang na napangiti ako nang malaki ng maalala ko na nahawakan ko pa yung kamay niya. At nung nalaman ko na may crush din siya sakin.

With that in mind ay hindi ko maiwasang maexcite para sa susunod na taping nang We Got Married.

Hindi ko alam kung san kami dadalhin nang show na to pero masaya na ako sa pagkakataon na makasama si Karylle.

Wakla mukha kang shunga kakangiti nang malaki diyan.” Anang tinig na nagpabalik sakin sa kasalukuyan.

At nang napalingon ako ay nasa may pinto pala sina Anne at Vhong. Agad akong napatayo.

Anong ginagawa  niyo dito?” nagtatakang tanong ko.

Siyempre makikichismis sa ganap sa date mo kahapon.” Ani Anne na pumasok na kahit di ko pa pinapapasok.

Ikaw babae ka maganda ka sana eh. Wala ka lang manners. Hindi ka man lang magpasintabi bago ka pumasok sa kwarto nang may kwarto.” Nakangusong reklamo ko na tinawanan lang niya.

Make kwento na wakla. Anong nangyari sa date mo?” curious na tanong niya.

Excited ka? Hindi ba pwedeng magtoothbrush at maghilamos muna ko no? Kung hindi mo napapansin kagigising ko lang girl oh.”

“Mukhang nananaginip ka pa nga kanina sa lawak nang ngiti mo kanina brad eh.” Tukso ni Vhong bago nakipaghighfive kay Anne.

Di na ako sumagot at dumiretso na sa banyo dahil alam kong di na naman matatapos ang asaran naming tatlo.

Nang makapaghilamos ay napatingin ako sa salamin.

Ganun na lang nga ba yung excitement ko dahil kay Karylle kaya napapangiti ako nang mag-isa.

Nang lumabas ako ng banyo ay naabutan ko sina Anne at Vhong na kumakain.

Hiyang-hiya naman ako sa inyo dumayo lang talaga kayo dito para makilapang.”

“Ang intention talaga namin brad eh makiusisa sa date mo kahapon bonus na lang tong pagkain.” Natatawang sagot ni Vhong.

Sisteret ano na ngang nangyari?” singit ni Anne.

Teka nga. Bakit alam niyo na nakipagdate ako kahapon?” nagtatakang tanong ko.

Sa pagkakaalam ko naghiwalay na tayo kahapon after ko pumunta sa office ni direk dahil pinatawag niya ako kay Teddy-“ pero agad akong natigilan nang makitang natatawa sina Vhong at Anne.

Agad kong kinuha yung throw pillow na nadampot ko at hinampas kay Vhong.

“All the while alam niyo pala.” Naaasar na reklamo ko nang marealize ko na naset-up ako dun sa pagpunta sa office niya direk.

We got married (Vicerylle Edition)Where stories live. Discover now