Pahina 47

21.3K 1K 326
                                    

Pahina 47
Awaken of Taki


"Can you tell us what happened?"

"I w-was coming home from work a-and I saw a woman got hit b-by a car and the driver went out t-then the woman suddenly attacked the driver and bit h-his neck and I was so scared!"

"What's on earth is happening?"

"This is a dark phenomenon that we are facing."

"What can you say, President Trevor? Are the attackers really zombies?"

"What are we gonna do?"

"Every hour, the numbers of zombies are increasing."


Third Person’s Point of View

Sa loob ng malawak na conference room ay magkakaharap na nakaupo ang lahat ng Presidente sa buong mundo, mga matataas na opisyales, Hari at Reyna. Maging ang mga Mafia Bosses sa buong mundo.

Sa pinakasentro ay nakaupo sina Eros at Eve habang nasa likuran ng mga ito sina Thunder, Storm at Rain.

Dinig na dinig ng lahat ang mga balita mula sa iba't ibang bansa ukol sa mga nangyayaring kinahaharap nilang suliranin.

Nabasag ang matinding tensyon at katahimikan nang ibaba ni Eros Thurston ang hawak na tasa na naglalaman ng tsaa na ipinadala ng kanyang anak na si Cane sa kanyang mga kapatid.

"The tea is...perfect." komento ni Eros habang nakatingin sa tasa.

"Yeah, Master Hubby, I love this tea." sang-ayon ni Eve Henderson Thurston sa kanyang asawa.

"Our Master and Goddess wants you all to drink your tea." seryosong sambit ni Thunder Thurston.

"We don't have a time to take a sip, Master Eros." sambit ng Presidente ng Columbia.

"We are here to hear your words regarding this serious matter." sang-ayon ng Presidente ng Angola.

Nagsimulang magbigay ng iba't ibang salita at komento ang lahat ng mga matataas na pinuno.

Nanatiling tahimik ang mga Mafia Leaders at seryosong nakaupo sa kanya kanyang mga trono. Ang iba ay piniling humigop ng tsaa.

"Master Eros is right, the tea is perfect. This is the first time I've tasted a delicious tea like this." namamanghang komento ng Mafia Boss ng Brazil.

"You have a good taste, Mr. Lance." nakangiting sambit ni Eve Henderson Thurston.

"Ah, thank you very much Goddess for your compliment." magalang na sagot ng Mafia Boss ng Brazil.

"What is this? We said we don't have a time for this damn tea!" galit na sambit ng Presidente ng USA at binuhos ang laman ng tasa sa gilid kung nasaan ang halaman.

"The...tea.." natitigilang sambit ni Eve Henderson Thurston.

Nagulat ang lahat ng itutok ng magkakapatid na Thurston ang mga baril sa ulo ng Presidente ng USA.

Malamig na tiningnan ni Eros Thurston ang pangahas na Presidente.

"W-What is this?" naguguluhan at nahihintakutang tanong ng Presidente ng USA.

"You...insulted the tea." malamig at seryosong pahayag ni Eros Thurston habang nakatingin sa tasa na wala nang laman.

Napalunok nang sunod sunod ang lahat.

"My precious daughter made that tea as a present for me." matalas na tiningnan ni Eros Thurston ang Presidente ng USA.

"This tea is from the Young Goddess?" gulat na reaksyon ng mga Mafia Leaders nang marinig iyon.

"This tea is very special to me and you insulted it." binalot ng matinding takot ang Presidente ng USA.

"You have a...daughter, Master Eros?" tanong ng ilang Mafia Leaders at Presidenteng hindi nakakaalam.

"Yes." nakangising sagot ni Eve Henderson Thurston.

"How come? We don't have any idea." tanong ng Mafia Boss ng Europe.

"It's understandable, the old Leaders are the only ones who knew the secret. Now," baling ni Eve Henderson Thurston sa Presidente ng USA.

"You insolent President of USA, how dare you insult my daughter's tea?" nagbago ang mata ni Eve Henderson Thurston habang nakatingin sa Presidenteng sunod sunod na napalunok sa sobrang takot dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nasaksihan nila ang nakakapangilabot na matang kinatatakutan ng lahat.

"G-Goddess Chaos, I..." tumayo ang Presidente ng USA na nais magsalita nang...

"I did not permit you to move." malamig na sambit ni Eve Henderson Thurston.

"I c-can't move. What's happening?" natataranta at hindi makapaniwalang sambit ng Presidente.

"...nor did I permit you to fvck'n open that damn shitty mouth of you, insolent President." malamig na dagdag ni Eve Henderson Thurston.

Hindi makapagsalita ang Presidente ng USA. Tila hindi nito mahanap ang sariling boses. Natigalgal ang lahat sa nasaksihan.

"Insult the tea again, I swear..." sunod sunod na tumango ang kaawa awang Presidente.

"Now, sit down! Hindi ka na makakatikim at bibigyan ng tea." nakasimangot na sambit ni Eve Henderson Thurston.

Marahang hinawakan ni Eros Thurston ang asawa para pakalmahin. Huminahon ang mabagsik na mukha nito sa paghawak ng asawa.

Sabay sabay na ininom ng lahat ang kanilang mga tsaa.

"This tea is somewhat relaxing."

"Yeah, it's a bit spicy but very tasty."

"It's calming."

"See? It's very relaxing and calming, right?" nangingiting tanong ni Eve Henderson Thurston.

"My daughter, made this tea." may pagmamalaking pahayag ni Eros Thurston ng seryoso.

Ang kaninang tensyonadong silid ay gumaan at kumalma.

"Do you know the meaning of this tea to us?" mahinahong tanong ni Eve Henderson Thurston sa lahat.

"Do you know the message that she wants to say?" muling tanong ni Eve Henderson Thurston at nilibot ang paningin sa buong silid.

"She wants us to calm our minds. She knows your fears and she wants you all to clear your minds and to trust her."

Nabalot ng katahimikan ang buong silid.

"Where is she, Goddess Chaos?" magalang na tanong ng Mafia Boss ng Russia.

Napabuntong hininga si Eve Henderson Thurston.

"She's risking her life for the sake of the whole world."

~●°●~

"Cane?" naguguluhang tawag nila rito.

"You don't need to fight." nag-aalalang sambit ni Simone na maagap na nahawakan ang braso ni Cane bago pa man muli itong makahakbang sa taong nakakapa na nananatiling nakamasid sa kanila.

"Aking binibini, dito ka lang, kami na ang bahala."

"I'm sorry, but his life is mine to take." seryosong pahayag ni Cane sa mga ito.

Sa hindi malamang dahilan, hindi man maintindihan nina Lihtan, Tenere at Taki ang lenggwaheng sinabi nito ay nararamdaman nila ang gusto nitong iparating.

"Do you really have to?" nakayukong tanong ni Simone.

Nakangiting nilingon niya ang mga ito.

"Yes."

Tuluyang binitawan ni Simone ang kamay nito.

"Thank you, please step back. Ako lang ang haharap sa kanya." kalmadong pakiusap nito.

Umihip ang malamig na hangin.

"Kung gano'y natagpuan ka ni Eloisa at Anue Knight, binibining itinakda. Ngunit isa kang hangal kung iniisip mong madali mo akong matatalo." malamig at tila galing sa hukay na sambit ng misteryoso nilang kaharap.

Nakita nila ang pag-angat ng kamay ng misteryosong naka-kapa at sa isang iglap ay nabalot ng pabilog na apoy ang kinatatayuan nila. Ang tanging nasa loob lang ay silang dalawa.

"Walang kikilos hangga't hindi niya sinasabi." -Simone

"N-Ngunit Simone, ang aking binibini." -Taki

"Tama si Simone, Taki. Di mo ba susundin ang gusto ni Cane? Isipin mo ang mararamdaman niya pag nangialam ka." -Tenere

"Tama sila, Taki. May dahilan si Cane, kikilos tayo kapag kailangan niya. Kahit na magalit siya pag nangialam tayo, tutulungan natin siya." -Lihtan

Sabay sabay na tiningnan nila si Lihtan.

"Bakit ganyan ang tingin niyo?" -Lihtan

Sabay sabay silang napailing kay Lihtan na naguguluhan.

"Hindi siya magagalit sa atin, hindi 'yon mangyayari kahit kalian." seryosong sambit ni Simone.

"Paano mo nasasabi 'yan, mahal?" -Tenere

"Dahil ganoon siya, kahit na anong gawin niyo maiintindihan niya." -Simone

"Sinasabi mo bang kahit gumawa kami ng masama o magsinungaling, kahit ano di siya magagalit?" -Lihtan

"Oo, hindi siya magbabago kahit pa na gawan niyo siya ng masama. Iintindihin niya pa rin kayo, po-protektahan kahit na hindi niyo na siya kailangan o iwan pa. Hindi siya mawawala. Hinding hindi niya kayo iiwan." -Simone

Natahimik sila sa narinig mula kay Simone na nakatingin sa kinaroroonan ni Cane. Sa mga sinabi nito ay parang may malalim pang kahulugan.

"May gumawa na ba ng ganoon kay Cane, Simone?" malungkot na tanong ni Lihtan.

Natigilan si Simone at tiningnan si Lihtan ng may katagalan.

"Kung ganoon, naranasan na ni Cane iyon. Nalulungkot ako." sunod na sambit ni Lihtan.

"Paano mo nasabi, hindi ko pa sinasagot ang tanong mo." -Simone

"Hindi mo na kailangan sagutin, may mga tanong na kaya kong sagutin kahit di mo sabihin." -Lihtan

Napangiwi si Simone.

"Sinong gagawa ng ganoon, sa aking binibini, Simone?" inalog ni Taki ang magkabilang braso ni Simone.

"Damn, tumigil ka." -Simone

"Bakit nila inaapi ang aking binibini? Sabihin mo, Simone. Waaah!!" -Taki

"Taki, nahihilo na si mahal!" -Tenere

"Waaaaah!!! Pinalungkot nila ang aking binibini." -Taki

Binatukan ni Lihtan si Taki.

"Aray! Lihtan, bakit mo ko binatukan? Akala ko ba mahal mo ako? Akala ko kakampi kita? Akala ko kaibigan kita? Akala ko-" -Taki

"Mahal kita, kakampi mo ko, kaibigan kita, Taki." -Lihtan

"Bakit mo ako binatukan kung mahal mo ko, kung kakampi mo ko, kung kaibigan mo ko?" -Taki

"Para tumigil ka. Hindi makakatulong ang iniisip mo. Ang mahalaga ay di natin iiwan at sasaktan si Cane. Tayo ang magpapasaya sa kanya kahit na anong mangyari, Taki." -Lihtan

"Uwaaah! Tama ka, Lihtan!" -Taki

"Para kang bata, Taki. Wag ka nang malulungkot ah?" buntong hininga ni Lihtan at ginulo ang buhok ni Taki na kinanganga nina Simone at Tenere.

Malawak na ngumiti si Taki.

Nagkatinginan sina Simone at Tenere at sabay na napakamot sa batok dahil sa narinig na usapan ng DALAWANG BATA.



Hurricane’s Point of View

Walang emosyon kong hinarap ang nasa harapan ko, saglit na napasulyap ako sa mga alagad nito na hindi pa gumagawa ng kilos.

(Anue Knight, siya ba ang tinutukoy mo kanina?)

'Tama ka, binibini, ang nilalang na nasa harapan mo ay ang kapatid ni Raki.'

(Si Raki ay ang Ama ni Taki, ayon sa’yo.)

'Ganoon na nga, binibini.'

Napabuntong hininga ako.

'Siya si Raku ang nakatatandang kapatid ni Raki, ang isa sa mga tumraydor sa buong uri nila.'

Hinugot ko ang espada ko.

'Binibini, hindi basta basta ang makakaharap mo. Ang nilalang na 'yan ay isa sa mga pinagpilian na maging pinuno, may lakas ito na katumbas ni Raki. Gising ang kapangyarihan nito, at nararamdaman kong mas lumakas pa ito kaysa noon.'

(Anue Knight...)

'Binibini...'

(Gustong saktan ng Raku na ito si Taki. Hindi ako ang pakay nito kundi si Taki at hindi ako makakapayag na saktan niya ito sa kahit anong paraan.)

Mabilis ang hakbang na umatake ako at winasiwas ang hawak kong espada na naglikha ng malakas na hangin at dahil doon ay bumagsak ang suot na taklob nito. Kita ko ang pagkabigla nito sa hindi inaasahang atake ko.

Biglang nawala ito sa harapan ko.

"Paaanong--?" dahan dahan kong nilingon ito at nginisian.

"Wala kang ibang pupuntahan?" malamig na ngisi ko.

"Anong ginawa mo?!"

"Sabihin na lang natin na gumawa ako ng lugar na hindi mo matatakasan, salamat kay Anue Knight. Nakakamangha hindi ba?"

Dumapo ang mga mata ko sa likuran ni Raku kung nasaan nakatayo ang gulat na si Taki.

Sa isang iglap ay sakal sakal na ako sa leeg ni Raku.

"Hangal! Ako ang tatapos sa’yo!"

Nakita kong pinaghahampas nila Simone ang shield na ginawa ko.

Inundayan ko ito ng hampas sa ulo at binigyan ng malakas na bigwas sa mukha. Bago pa ito makabawi sa pagkahilo ay winasiwas ko ang espadang hawak ko at nag-iwan ng malaking hiwa sa dibdib hanggang sikmura nito. Umikot ako at muling gumuhit ng hiwa hanggang sa mag-ekis ang ang malalalim na hiwa sa katawan nito.

Tumalon ako paatras nang ito naman ang nagsimulang umatake. Hindi ko makita dahil sa bilis nito.

Nasugatan ang mga braso ko.

Damn.

Bilang pagganti sa atakeng ginagawa nito ay inikot ko ang sarili ko at ang hawak kong espada hanggang sa tumalsik ito.

'Ang paraan ng pakikipaglaban mo, binibini, kahanga-hanga!'

Sinamaan ako ng tingin ni Raku at muling bumangon. Nakita ko ang paghilom ng mga sugat nito.

"Isa ka sa mga kalabang nahirapan ako." nakangising sambit ni Raku.

"Wag kang mag-alala, ako ang pinakatatak sa kanila."

Nabura ang ngisi nito.

"Kaya naman iminu-mungkahi ko sa’yo na ilabas mo ang tinatago mong buong lakas mo dahil gagamitin ko ang buong kakayahan ko sa mga kalaban ko nang walang awa."

"Kung 'yan ang nais mo, pagbibigyan kita, hahahahahaha!!!"

Naramdaman ko ang panginginig ng lupang kinatatayuan ko, tinaas ko ang dalawang braso ko sa sobrang lakas ng pwersang pinapakawalan ni Raku. Ang kaninang nagsisilbing harang ay nabalot ng pulang likido.

May mga halamang natalsikan ng pulang likido. Tulad ng nasaksihan ko noon ay nangitim ito at nawalan ng buhay.

'Binibini, lalong tumitindi ang pwersa ni Raku. Hindi ko na kayang harangin ito.' nangangambang babala ni Anue Knight.

Tuluyang nasira ang harang. Nakita ko na lang na sakal sakal na ako ni Raku.

"Cane!"

Malakas na sinipa ko ito sa dibdib kasabay ng pagputol ko sa braso nito.

"Hahahahahaha!!" halakhak ni Raku. Nasaksihan namin ang muling pagbuo ng braso at kamay nito.

"Sabihin mo, ilang buhay ang isinakprisyo niyo?" walang emosyong tanong ko.

"Hindi ko inaasahan ang reaksyon mo, binibini. Mukhang hindi na bago ito sa’yo. Kahanga-hanga ang pagiging gahaman ng mga tao, hindi ba?"

Nanatiling diretso ang labi ko at malamig itong tiningnan.

"Sa tulong ng mga taong tagalabas ay napasaakin ang ganitong pambihirang kakayahan."

That damn regeneration ability.

Napatiim-bagang ako.

"Hahahahahaha! Naging mahirap ang pakikipag-komunikasyon namin sa mga ito at magtago dahil sa ibang mga pakialamerong mga tao."

"At nagawa ng pakialamerong mga taong 'yon ang hadlangan ang marami naming nakalatag na plano! Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa amin kung sino sila, at kung paano nila nagawan ng harang na puprotekta sa mga natitirang mga tao na naroon sa 'Mysterium'. Sabihin mo sa akin, binibini, kilala mo ba sila?"

Nginisihan ko ito.

"At anong gagawin mo kung alam ko nga?" nanghahamong sambit ko.

"Ako mismo ang papaslang sa kanila, pagkatapos ko kayong tapusin upang mawala ang mga hadlang sa Aming Panginoon! Hahahahahaha!"

Malakas akong napahalakhak, nanunuya at mapang-insulto.

Nasisiraan na siya.

"Ikaw? Ang papaslang sa kanila? Nagpapatawa ka ba?"

"Ano?!"

"Bago mo sila makaharap kailangan mo munang dumaan sa mga kamay ko at ikaw? Magagawa silang paslangin? Subukan natin." malamig na nginisihan ko ito.

"Ang mga mata mo. Anong klaseng nilalang ka?"

"Tumahimik ka!" matalim ko itong tiningnan.

Napahawak ito sa sariling lalamunan at hindi mahanap ang sariling boses.

Susugod na sana ang mga alagad niya.

"Luhod!" isa isang nagbagsakan ang mga tuhod ng mga ito sa lupa.

"Anong nangyayari sa atin?"

"P-Paano niya..."

"Hindi ako makagalaw."

Ikinumpas ko ang kaliwang palad ko at naglabasan ang mga nakasunod sa aming mga Assassins.

"Eliminate them."

"Yes, Young Goddess!"

Nakita kong nagpupumilit na gumalaw si Raku hanggang sa muling manginig ang lupa at bago pa man ito makarating sa akin ay nanlaki ang mga mata ko.

"Taki..." sambit ko rito nang mabilis itong humarang sa harapan ko at pinatalsik si Raku.

Nakita ko ang kuyom na mga kamao ni Taki.

"Pinaslang mo ang aking ama at ina. Tinaraydor mo ang lahat at ngayon ay nais mong saktan ang aking binibini? Nababaliw ka na ba?" malamig at puno ng kaseryosohang sambit ni Taki.

"Walang sinuman ang maaaring manakit sa aking binibini!" natulala ako nang manginig ang lupa. Mas malakas kaysa kanina.

May biglang humila sa akin.

"Simone..."

"Let him."

Muling binalik ko ang tingin kay Taki. Nakita ko nang magalit si Taki noon, ngunit ngayon...hindi na talaga siya mapipigilan.

"Tinangka at sinakal gamit ang maduming kamay na 'yan ang aking binibini. Anong karapatang mong hawakan siya!"

Namutla si Raku nang makita ang pagtingkad ng pulang mga mata ni Taki. Puno ng pagkamuhi at galit. Nakaramdam ako ng kaba, nag-aalala ako.

"Aaaaaaaaah!!!!" nagwawalang sigaw ni Taki.

"Anong nangyayari sa kanya?" alalang tanong ko dahil ang mga kamay ni Taki ay nabalot ng dugo hanggang sa ang mga dugo na 'yon ay nagmistulang mahabang espada na gawa sa dugo.

'Nagawa niya, napakawalan na niya ang natutulog niyang sandata at kapangyarihan. Siya ang kauna-unahang nakapagpalabas niya'n sa batang edad.' narinig kong sambit ni Anue Knight.

Lumingon sa gawi namin si Taki. Wala ang bakas ng masiyahing si Taki. Parang iba ang kaharap naming. Ang pula niyang mga mata ay sumalubong sa itim kong mga mata na unti unting bumalik sa bughaw na kulay nito. Seryosong pinagmasdan ni Taki ang mukha ko, sinuri ang kaunting galos sa katawan ko at mariin na huminto ang walang buhay niyang pulang mga mata sa leeg ko.

Taki...

"Simone, Tenere, Lihtan..." malamig na tawag niya sa mga ito nang hindi inaalis ang tingin sa akin

"...kayo na muna ang bahala sa aking binibini." sambit ni Taki at tinalikuran kami.

"Hindi ito maaari!" sigaw ni Raku.

'Hindi lahat ng uri nila ay may kakayahang palabasin ang sandata na iyan, binibini. Ang tanging nakakagawa lamang noon ay ang pinakanatatangi at pinakamalakas na uri nila.' seryosong paliwanag ni Anue Knight.

Wala pang kisap mata ay mabilis na nakarating si Taki sa kinatatayuan ni Raku at hinati ang magkabilang braso nito.

"Bilisan mong magpagaling. Naiinip ako" nakakapangilabot na sambit ni Taki sa likuran ni Raku.

Hindi tulad kanina na mabilis ang paghilom at pagbuo ng katawan nito, ngayon ay sobrang bagal na.

Mabilis na sinugod ni Raku si Taki ngunit hindi niya mahuli. Para siyang pinaglalaruan nito, natutulirong nagpapaikot-ikot si Raku.

Maging ako ay hindi masundan ang galaw at atake ni Taki.

Napuno ng malalalim na hiwa ang iba't ibang parte ng katawan ni Raku.

Ito ba talaga ang tunay na kakayahan ni Taki?

'Kahanga-hanga para sa isang tulad ni Ginoong Taki ang pinamamalas niya. Para sa isang tulad niyang matagal na panahon nang hindi umiinom ng dugo.'

(Anong ibig mong sabihin, Anue Knight?)

'Ang dugo ang siyang nagpapalakas sa tulad nila, binibini.' natigilan ako sa nalaman ko.

Naalala ko ang sinabi ni Taki noon.

Dahan dahan kong binalik ang tingin kay Taki na ngayon ay nakatayo sa nakaluhod na si Raku. Unti unting lumiwanag, tumama ang nagtatalong pula at itim na sinag ng araw sa nakatayong si Taki.

Sumasayaw ang buhok nito sa hangin. Nakatutok ang sandata niya sa leeg ni Raku na putol ang magkabilang braso, at hindi mahitsura ang mukha at putol ang kaliwang tuhod.

"Magkatulad kayo ng walang kwenta mong ama. May kakayahan tayong higit sa kanino man. May kakayahan tayong maging panginoon at maghari-harian sa mga mababang uri ng tao ngunit mas pinairal niyo ang kahangalan niyo na protektahan sila."

"Ang mga tao na noon ay kinatatakutan at humihingi ng proteksyon sa atin ay ang siyang sumisira at kumakalaban sa atin!"

"Yan ba ang ibig niyong protektahan? Ang mga sakim na tao!"

Walang emosyong tiningnan lamang ito ni Taki.

"Nagkakamali ka. Hindi sakim ang aking binibini."

Natigilan ako sa narinig ko mula kay Taki.

Taki...

"Tinraydor mo ang lahat, pinaslang at ginamit mo ang mga uri natin para sa pansarili mong kasakiman at higit sa lahat ay sinaktan mo ang aking binibini. Hindi ko mapapalagpas ang lahat ng ito." natulala si Raku.

"Bilang anak ng dating pinuno na si Raki ay hinahatulan kita ng kamatayan para sa lahat ng iyong kasalanan. Ang buhay mo ay nasa kamay ko." bumagsak ang walang buhay na katawan ni Raku dahil sa pagbaon ng sandata ni Taki sa dibdib nito.

Tumingala ang maganda at perpektong mukha ni Taki sa araw, walang emosyon habang hawak ang sandata na nakabaon sa puso ni Raku. Humangin nang malakas. Hinugot niya ang sandata. Walang lingon na tinalikuran ang walang buhay na si Raku at ang mga alagad nitong wala na rin palang buhay.

Humarap sa amin si Taki.

Walang emosyon ang seryoso nitong mga mata. Unti unting nawala ang sandatang hawak niya. Tumingin siya sa mga mata ko, hindi ko inalis ang tingin sa mga mata nito.

Naglakad siya patungo sa amin.

Diretso sa akin.

Tumapat sa harapan ko.

Inabot ng mga kamay ko ang mukha ni Taki at marahang ngumiti.

Unti unting nanubig ang mga mata ni Taki. Yumuko siya at pinatong ang ulo sa kaliwang balikat ko.

Pinatong ni Simone ang kamay sa ulo ni Taki. Samantalang hinawakan ni Tenere at Lihtan ang balikat ng tahimik na umiiyak na si Taki.

'Kaya ba pilit mong pinipigilang mangialam sila, binibini?' tanong ni Anue Knight.

Nagbaba ako ng tingin. Kung ako na lang sana ang tumapos kay Raku ay hindi magkaka-ganito si Taki. Mahirap para sa kanya na paslangin ang sarili niyang kadugo na isa sa mga pumaslang sa pamilya niya at kauri.

Kung ako na lang sana.

Natigilan ako nang may pumunas sa basa kong pisngi. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko.

"Hindi mo kailangang mag-alala, aking binibini. Ito ang bagay na nararapat kong gampanan. Huwag ka nang malungkot." nakangiting sambit ni Taki habang hawak ang magkabilang pisngi ko.

"He's right. Hindi mo kailangang sarilihin lahat." marahang sambit ni Simone habang hawak ang likod ko.

Sabay na tumango sina Tenere at Lihtan.

Tiningnan ko sila isa isa.

"Hindi mo pasan lahat, Cane. Nandito kami." sambit ni Tenere.

"Kaya magtiwala ka sa amin, Cane." napangiti ako sa himig pangangaral ni Lihtan.

Tumango ako at tinaas ang kamay ko.

"Pingke twer."

Mafia Heiress Possession: Hurricane ThurstonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon