Pahina 19

28.5K 1.2K 124
                                    

Pahina 19
Poisonous Taki (2nd Part)

Taki's Point of View

Nagbago ang walang direksyon kong mga araw nang mahagip siya ng mga mata ko. Ang pulang buhok niya na mabilis makakuha ng atensyon.

Isa ako sa mga dagat ng mga tao na nanonood sa kanila.

"Prinsesa ako! Anong karapatan mong pagsalitaan ako ng ganyan?! Isa ka lang mababang uri! Lapastangan! Lapastangan!!"

"Wala akong pakialam sa posisyon mo, pero sa oras na dumapo ang palad mo sa mukha ko. Tandaan mong may lilipad na kamao sa mukha mo. Hindi ako nananampal, nananapak ako."

Labis akong humanga sa naging sagot mo sa Prinsesang kaharap mo at ang pinakanakapagpatigil sa aking mga paang walang patutunguhan ay ang halimuyak ng iyong dugo.

Kakaiba sa lahat at hindi ko maintindihan kung bakit. Naaakit ako.

Huli na nang mapigilan ko ang sarili ko na tikman ang dugo mo, natakot ako sa ginawa ko. Lalo na ng mawalan ka ng malay.

Isa akong lason, isang delikadong lason na nakakamatay. Napasabunot ako sa sarili ko.

'Bakit ko ginawa 'yon?'

Kahit kailan ay hindi ako tumikim ng dugo ng tao. Kaya kong kontrolin ang pagkauhaw ko sa dugo at mga hayop lamang ang nagpapapawi ng uhaw ko.

Isa akong halimaw. Bakit ba ako nabubuhay? Gusto ko nang mamatay pero bakit hindi ako mamatay-matay? Bakit naiiba ako?

Nang malaman kong ligtas ka ay nakahinga ako nang maluwag. Ibig na kitang layuan pero bakit hindi ako makaalis palayo sa'yo?

Lalo na nang ngitian mo ako.

Yung ngiti mong tumatak sa isip ko, habang pinagmamasdan kang palayo sa sakay niyong karwahe. Hindi ko na naman mapigilan na sundan ka dahil nag-aalala akong hindi ko na muling makita ang pagngiti mo sa akin.

Palihim ko kayong sinundan. Napahanga na naman ako sa mga sinabi mo sa Hari ng Hideus. Nakita ko kung paano mo pahalagahan sina Simone, Lihtan at Tenere. Nakita ko kung gaano ka kabuti. Ang napakagandang pagkatao mo, aking binibini.

"Nagmamakaawa ako h'wag mo 'ko lapitan, Cane. A-ayokong mamatay ka."

Tanda ko pa ang gabing tumatangis ako at nagmakaawa ako sa'yong h'wag mo akong lalapitan ngunit lumapit ka sa kinababagsakan ko at binalot ako ng yakap.

Sinabayan mo akong umiyak na parang magkaisa tayo ng nararamdaman. Na nararamdaman mo ang sakit, lungkot at paghihinagpis kong ilang taon kong kinimkim. Naubusan ako ng lakas at labis na nanghina, at para bang sumisigaw ang buong pagkatao mo na ikaw ang kuhaan ko ng lakas. Na ayos lang umiyak dahil iiyak ka ring kasama ko. Na ayos lang maging mahina dahil ikaw ang magsisilbing lakas ko.

Wala akong naramdamang sakit dahil ang makita ka lang ay parang kaya kong gawin lahat. Na kaya kong tiisin lahat nang hindi nag-iisa.

At sa mga oras na ito ay huminto ang mundo ko nang makita ang pagbaon ng mga pana sa likuran mo. Ang maliit mong katawan na yumakap sa akin nang mahigpit.

Aking binibini...

Nakapikit nang mariin ang iyong mga mata at umiinda sa sakit. Naamoy ko ang nakakahalina mong dugo na naramdaman at nakita ko ang pagtulo. Gusto ko ang dugo mo dahil nang matikman ko 'yon ay tila dumoble ang lakas ko ngunit hindi ko kayang makitang duguan ka! Hindi ko kaya, Cane. Hindi ko kaya.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maluha sa sinapit mo. Ang sakit na para sa akin ay inagaw mo.

Hindi ko maatim na makita kang ganito...

Mafia Heiress Possession: Hurricane ThurstonWhere stories live. Discover now