Pahina 35

25.8K 1.1K 166
                                    

Pahina 35
Dangerous Play


Third Person’s Point of View

Tiningnan ni Lihtan ang paghawak ni Simone sa hawak na pana at ginaya. Sa pang-apat na subok ay hindi niya pa rin makuha at hindi tumatama sa pinupuntirya nila. At sa pang-limang subok ay hindi sinasadyang nasira niya ang hawak na pana.

Napabuntong hininga siya. Lahat na lang ng mga bagay na nahahawakan niya, minsa'y nasisira nang hindi niya sinasadya.

"Lihtan."

Nag-angat siya ng tingin sa nakangiting si Cane, biglang gumuhit ang ngiti niya nang makita ang ngiti ng dalagang si Cane. Nanonood lang ito sa page-ensayo nila dahil sa hindi pa tuluyang magaling ang kaliwang braso nito. Nakita niyang nakapatong sa balikat ni Cane ang alaga niyang si Dino.

"Cane."

"Hehehe, gamitin mo muna ang pana ko." nakangiting sambit ni Cane sa kanya.

"Cane, b-baka masira ko ang pana mo." Nag-aalang sambit niya rito.

"Ayos lang, may tiwala ako sa’yo at siguradong matutuwa si Dino na nag-aaral ka at natututong gumamit ng pana!" masayang pahayag ni Cane.

"Matutuwa si Dino." sambit niya habang nakatingin sa pana na ibinigay ni Cane.

"Oo, matutuwa siya, Lihtan." marahang sambit niya at natutuwang ginulo ang buhok niya na paboritong gawin ni Cane sa kanila.

Gusto niya ang ginagawa nitong paggulo ng buhok nila sa hindi niya malamang kadahilanan. Muli ay napapangiting tumango siya.

"Ipahinga mo ang mga balikat mo at ituwid mo ang likod mo." turo ni Cane kay Lihtan.

"Ganyan nga. Ngayon ay itutok mo ng diretso at sigurado, Lihtan, at pakawalan na parang ikaw ang pana na susugod at tatama sa kalaban."

Nang pakawalan niya ang pana ay natulala si Lihtan.

"N-Nagawa ko." hindi makapaniwalang sambit sa sarili ni Lihtan.

"Hahahahaha. Oo, Lihtan, nagawa mo."

"Ang galing mo, Lihtan! Tamsap!" palakpak ni Taki na nakita ang ginawa ng kaibigan.

"Magaling, Lihtan!" palapak din ni Tenere.

"Magaling di mo nasira." komento ni Simone na nakatanggap ng batok kay Cane.

"W-What?" -Simone

Natawa sila sa namumutlang mukha ni Simone.

"Daganan na 'yan!" hiyaw ni Tenere.

"Damn." mahinang mura ni Simone nang simulan na siyang habulin ng mga baliw.

"Payting, Simone! Wooo! Hahaha." halakhak ni Cane habang nanonood sa paghahabulan ng mga ito. May usapan silang hindi gagamitin at ipapakita ng mga ito ang mga kakayahan kaya naman pahirapan ang paghahabulan nila.

"Binibining Cane." tawag ng papalapit na si Prinsesa Andrea.

"Prinsesa Andrea." nakangiting bati niya. Sa likod ni Prinsesa Andrea ay nakasunod ang babaeng may pulang buhok na si Fauna at ang apat na lalaking kasama nito na sina Guten, Gabe, Tiago at Hansen.

"Pasensya na hindi kita masasabayan magsanay, hehehe." paumanhin niya sa Prinsesa. Hindi kasi siya pinayagan nina Simone, Lihtan, Tenere at Taki dahil sa hindi pa magaling ang braso niya. Wala na siyang nagawa dahil sa desisyon ng mga ito at hinayaan na lang.

"Ayos lang, sa susunod na lang." -Prinsesa Andrea

Ngumiti na lang si Cane at nalipat ang tingin sa mga nasa likuran ng Prinsesa at ngumiti rin.

"Magandang buhay! Ako si Cane, kinagagalak ko kayong makilala. Hehehe." kaway niya sa mga ito suot ang malawak na ngiti. Natulala naman ang mga ito at walang paalam na nakipagkamay isa isa si Cane sa kanila.

"Siya si Binibining Fauna, ang apat niyang kasama na sina Guten, Gabe, Tiago at Hansen." pagpapakilala ni Prinsesa Andrea sa mga ito na seryosong nakatingin kay Cane.

"Cane." nilingon ni Cane ang mga kasama na nakatingin sa mga nasa harapan niya.

Nakangusong ibinalik ni Cane ang atensyon sa harap nila.

"Ito naman sina Simone, Lihtan, Tenere at Taki. Nasa pangangalaga ko sila." mahinahong pakilala ni Cane.

Tinanguan nila ang mga ito at sinalubong ang mga mapanuring tingin ng nasa kanilang harapan.

"Bakit hindi na lang kayo sumabay sa pagsasanay namin, binibining Cane?" masayang suhestyon ni Prinsesa Andrea.

"Uh..." nagdadalawang isip na tiningnan ni Cane ang mga kasama.

"Kung ayos lang sa mga kasama mo, Prinsesa Andrea." nakangising sagot ni Simone.

"Oo nga, ayos lang naman sa'min." dagdag sang-ayon ni Tenere na may nag lalarong ngiti sa labi.

"Walang problema sa akin." nakangiting sambit ni Taki na seryoso ang mga mata.

"Ayos lang ba, Cane?" tanong ni Lihtan kaya sabay sabay nilang tiningnan si Cane.

"H-Ha? Sige kung 'yan ang gusto niyo?" -Cane

"Magaling! Ayos lang ba sa inyo, binibining Fauna?" -Prinsesa Andrea

"Ayos lang." seryosong sagot ni Fauna.

"Doon lang ako." turo ni Cane sa isang bakanteng upuan na hinintuan niya ng mata dahil hindi niya namalayan na halos mapuno na ang mga upuan.

"Paupo, hehehe." nakangiting sambit niya sa mga malalapit na nakaupo. Natulala naman sila rito nang sumalubong sa kanila ang luntiang mga mata ng dalagang si Cane.

Nang makaupo si Cane, binalik niya ang atensyon kina Simone, Lihtan, Tenere at Taki na kumakaway sa kanya maliban kay Simone na seryosong nakatingin sa kanya.

"PAYTING, SIMONE! PAYTING, LIHTAN! PAYTING, TENERE! PAYTING, TAKI! PAYTING! PAYTING!" hiyaw ni Cane.

Ngumiti naman sina Simone, Lihtan, Tenere at Taki na nag-tamsap.

Huminga nang malalim si Cane at nilagay sa kandungan niya si Dino at may dinukot na pagkain sa bulsa na tinatabi niya nang pasimple para ipakain kay Dino. Agad namang kinain ni Dino ang nasa telang pagkain.

"H'wag ka muna lumipad, Dino ah?" mahinang kausap niya, nakakaintinding tumingin sa kanya ang mga mata nito na nakapagpangiti sa kanya.

Hurricane’s Point of View

Napangiti ako dahil sa mahusay nilang pagpapana. Tinuturuan ni Sir Simone sina Lihtan, Tenere at Taki. Hihihi! Ang hot niya kasi ang seryoso niya habang nagtuturo. Buong atensyong nakikinig at sumusunod naman ang mga ito sa kanya.

Simone is our strongest warrior. Hindi biro ang mga pinagdaanan niya. Ngayong pinagmamasdan ko sila ay hindi ko maiwasang ipagmalaki sila. Mas lalo silang nagliliwanag at napupuno ng buhay, malayo sa mga mata nilang puno ng pighati noon at gusto kong mapanatili ang kinang ng mga mata nila.

Alam kong sa pananatili namin dito ay maraming hindi inaasahan na mangyari. Nararamdaman ko ang pagkauhaw sa kapangyarihan ng mga narito, ang kanilang mga masasamang hangarin at ang kagustuhang paslangin ang mga hahadlang sa mga plano nila.

Iniisip ko kung dapat pa kaming manatili rito.

Nahagip ng mata ko si Prinsipe Visal at Prinsesa Feya na nasa hindi kalayuan. Nabago ang plano dahil sa hindi inaasahang pagguho ng kuweba na pinapahingaan ng mga Prinsesa at Prinsipe. Hindi na lang kaligtasan ni Prinsipe Visal at Prinsesa Feya ang nakasalalay ngayon, maging si Haring Agnol ay malubha na rin, at kung may ganoong karamdaman ang Hari ng Hideus ay hindi rin imposibleng nakararanas din ng pagkalason ang iba pa sa mga ito.

Maaaring inuunti-unti ng taong nasa likod nito ang mga mataas na opisyales, Hari, Prinsesa at Prinsipe o di kaya'y pili lamang ang nilalason nila. Pero ang pinakadapat pagtuunan ng tanong ay sino? Sino ang nasa likod ng mga ito? Ano ang motibo?

Marahang huminga ako nang malalim.

Maging sila Simone ay nadadamay na rin at hindi ko hahayaang humantong na pati sila ay mabiktima dahil ako ang nagdala sa kanila rito. Ayokong malagay sila sa kapahamakan hangga't maaari.

Para sa taong 'yon, kailangan kong tuparin ang ipinangako ko. Hindi ko alam kung paano, imposible man ay dapat ko pa ring subukan para sa ikatatahimik ng kaluluwa ng taong 'yon.

Natigil ang paghaplos ko kay Dino nang may maramdaman akong pana na papunta sa gilid ko. Narinig kong napasinghap ang lalaking katabi ko, sa kasuotan nito ay nasisiguro kong isa itong Prinsipe.

Namumutlang nakatingin ito sa panang nasalo ko at namimilog ang mga mata na nakatingin sa akin. Sakto na tatama na sana sa noo niya at hindi ko siya masisisi sa kanyang reaksyon.

"Wag kang matakot, ayos ka lang." mahinahong sambit ko at nagtatakang tiningnan ang mga nag-eensayo.

Napatayo ako nang makita ang paghabol ng grupo ni Fauna sa taong pumana.

Tinamaan ni Fauna ang paa ng tumatakbong nakaitim at may takip sa mukha sa kongkretong silong ng palasyo. Tiningnan ko ang hawak kong pana at binigay sa katabi kong Prinsipe.

"Mag-iingat ka." matapos kong sabihin 'yon ay tatakbo na sana para salubungin ang mga tumatakbong sila Simone patungo sa akin nang biglang may pumigil sa palupulsuhan ko.

"Salamat."

Magsasalita na sana ako nang may humila sa akin. Sa lakas no’n ay napasubsob ako sa dibdib ng humila sa akin. Pagdungaw ko ay nakita ko ang pagtiim bagang ni Simone. Nakaharang naman sina Lihtan, Tenere at Taki sa harap ng Prinsipeng muntik nang tamaan ng pana.

Tila nag-aabang at nakikiramdam ang mga matang nagmamatyag sa ikinikilos nina Simone, Lihtan, Tenere at Taki.

"Ayos ka lang?" tanong ni Simone at nag-aalalang sinuri ang kamay ko at parang nabunutan ng tinik nang makitang walang sugat o kahit ano.

Magkakadikit na lumapit ang mukha nina Lihtan, Tenere at Taki sa kamay ko at parang tinitingnan kung okay lang.

"Hehehe, wala naman, ayos lang."

"Wag mo nang dagdagan ang sugat mo, Cane." pangaral ni Lihtan. Napanguso ako.

"Oo nga, aking binibini, parati kang di nawawalan ng sugat." maging si Taki na pinagsasabihan ako. Mas napanguso ako.

"Naiintindinan mo, Cane?" tanong ni Tenere.

Wala naman akong ginawa ah? Behave ako lagi. Gusto ko man umalma ay hindi ko na ginawa, apat sila at isa lang ako.

"Sabi ko nga, hehehe." kamot ko sa batok ko.

"Ayos ka lang?" tanong ni Lihtan sa Prinsipe na muntik tamaan ng pana.

"A-Ayos lang." utal na sagot nito.

"Mabuti naman. Mag-iingat ka palagi." natawa ako sa pagtapik ni Taki sa balikat nito.

"Mauuna na kami, kailangan pang uminom ng gamot ng dalawang ito." ngisi ni Tenere habang nasa gitna at akbay si Lihtan at Tenere.

Marahang hinila ni Simone ang braso ko habang nakasunod kami kina Lihtan, Tenere at Taki. Kinawayan ko sa huling pagkakataon ang Prinsipeng katabi ko kanina.

"Tss." rinig ko kay Simone.

"Uuy, wag kang magselos diyan, baby." ngisi kong bulong.

"I-I'm not!" nakaiwas ng tingin na sambit niya nang mahina.

Inakap ko ang baywang niya at tumingala sa kanya. Nakita ko ang pag-angat ng adams apple niya. Aww, my man is so hot. Napangisi ako nang makita ang nakatakip niyang leeg, may tela na mabilis kong tinanggal.

"Don't hide my territorial mark, Simone, got it?" seryosong sambit ko.

Kumunot ang noo ko nang makita siyang nakatulala sa akin.

"Simone?"

"Y-Yeah." may ngisi na sagot niya.

Napabuntong hininga ako at dumiretso ng tayo at lakad at pasimpleng sinulyapan ang Prinsesang kanina pa akong pinapatay ng tingin. Nginisihan ko ang Prinsesang nagngangalang Brena.

Take that, bitch. Hindi mo basta bastang maaangkin ang lalaking pinapangarap mo dahil markado na ng isang 'Henderson-Thurston' ang lalaking 'to.

Binalik ko ang tingin sa harap at bahagyang napailing. Ang pana na 'yon ay isang babala at nararamdaman kong para sa akin ang babalang 'yon. Tumigas ang anyo ko at malamig ang mga matang naglakad at ngumisi.

Mukhang kailangan nang matugis ang nasa likod nito, lalo pa't pakiramdam ko ay hinahamon ako, at sino ba naman ako para tanggihan ang hamon nila? Hindi naman ako ganoon kasama para tanggihan ang imbitasyon ng mga ito, lalo pa't mainit ang mga mata ng lahat sa amin. Hindi na talaga maiiwasang makahatak ng atensyon ang mga kasama ko. Hindi ko rin masisisi ang lahat dahil kahit sino ay hindi madaling maalis ang atensyon oras na lingunin na sila.

"Cane?"

"Ha?"

Nakakunot ang noo nilang nakatingin sa akin.

"Gusto niyo bang maglaro?" nakangiting tanong ko.

"That evil smile." ngisi ni Simone.

"Waaaaah! Gusto ko 'yan, aking binibini!" -Taki

"Parang gusto ko 'yan." -Tenere

"Anong laro, Cane?" -Lihtan

Nakita ko sa mga mata nila ang kasabikan tungkol sa gagawin naming laro.

"Sisimulan natin pagsapit ng dilim, kung saan hindi nila aasahan."

"Gusto ko 'yan! Gusto ko 'yan!"

Natawa ako at biglang napatingin sa papalapit sa amin. Nakita namin ang balisang mukha ni Prinsesa Feya at Prinsipe Visal.

"Prinsesa Cane." pilit na pinasisigla ni Visal ang tinig ngunit nabigo siya.

"Anong nangyari sa inyo?" kunot noong tanong ni Tenere.

"Tss." inirapan siya ni Prinsesa Feya at mas lalong napasimangot.

"Mukhang wala na akong kawala." mapait na sambit ni Prinsesa Feya.

"Hahanap ako ng paraan." sambit ni Visal.

Tumingin sila sa amin.

"Interesado ang Hari ng Tamir sa akin, napukaw ko ang atensyon nito." -Prinsesa Feya

"Hindi na maganda ang kalagayan ng Hydor." -Prinsipe Visal

Sabay na napabuntong hininga ang magkapatid.

"H'wag kang magpakasal kung hindi mo gusto." suhestyon ni Tenere na biglang bumasag sa katahimikan.

"Oo nga, hehehe." segunda ni Taki.

"Layas ka na lang." sambit pa ni Lihtan.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagsulyap ni Simone sa akin. Oo na, ideya ko rin 'yon.

"H-Hindi niyo naiintindihan. Itatakwil ako, mawawala ang pagiging Prinsesa ko at maaaring higit pa ang parusang ihahatol sa akin." namumutlang sagot ni Prinsesa Feya.

Halatang lalong namoblema si Visal. Patong patong ang problema nila.

"Gusto niyong maglaro?"

Sabay sabay na lumingon sila sa akin. Ngumiti ako nang malawak.

"Maglalaro tayo, tagu-taguan, ikut-ikutan at habul-habulan."

"L-Laro?" napapalunok na tanong ng magkapatid.

"Matagal na akong di nakakapaglaro." buntong hininga ko at naunang lumakad habang nakalagay ang mga kamay sa batok ko at pumito.

"She's going to play, a dangerous play." narinig kong sambit ni Simone na nababatid kong nakangisi kahit hindi ko lingunin.

Mafia Heiress Possession: Hurricane ThurstonWhere stories live. Discover now