Huling Pahina

29.2K 1K 317
                                    



How many have days passed?

Linggo, buwan...hindi ko alam.

Tila walang katapusan ang digmaan sa mundong ito. Ang dating nakakamanghang ganda ng buong Realm ngayon ay tila isang impyerno. Ang bangong dala ng mga bulaklak ngayon ay nababalot na ng dugo.

Naging marahas ang pagbagsak ko sa aking espada at hinahabol ang hininga. Ilang demonyo na ba ang winakasan ng espada kong ito? Habang tumatagal ay parang lalong nagiging makapangyarihan sa bawat pagpaslang.

Nararamdaman ko na ang hangganan ng katawan ko.

Lihtan...

Taki...

Tenere...

Simone...

Pumatak ang luha ko sa espadang hawak ko.

“Want to become stronger?” natigilan ako nang may marinig na tinig sa isip ko.

(B-Binibini.) rinig kong utal na sambit ni Anue Knight.

Nang mag-angat ako ng mukha ay seryoso kong tiningnan ang nasa harapan ko. Sa harapan ko ay ang pigurang nakatingin sa akin. Wala itong pisikal na katawan ngunit...sumasalamin ang mukha nito sa akin.

Itim ang mga mata at nakangisi.

“Look at you. You are really helpless, why don't you let me take over you? I can save them.”

Tiningnan ko lang ito. Kung ganoon, ito ang demonyong natutulog sa katauhan ko. Kung hahayaan kong mapasailalim nito ay may pag-asang manalo ako.

Ngumiti ako na mas kinalawak ng ngisi nito.

“They are really cute, right? You want to save them because you love them.”

“What are you saying?”

“You're here because you want to save them, I know because you are me.”

Nginisihan ko ito. Tiningnan ako nito nang seryoso.

“You changed a lot. You have the power to control yourself.”

“Because you're always there.”

Naglaho ito na parang hangin, at unti unti kong naramdaman ang kakaibigang enerhiyang bumabalot sa akin.

Seryosong tiningnan ko ang Dark Realm at pinaslang ang lahat ng sagabal sa harapan ko.

Nang biglang humarang sa harapan ko si Lucifer.

“Nasaan sila?”

“Kailangan mo munang dumaan sa akin, Lady Cane.”

“Wala akong panahon sa’yo, kailangan ko silang mahanap. Nasaan si Simone?”

“Mukhang huli ka na.”

Hinigpitan ko ang hawak sa espada ko. Hindi...hindi! Sa oras na tumama ang espadang nasa pangangalaga ni Sebastian sa kanila ay...

“That bastard, pilit niyang kinukuha ang espada at kinalulungkot kong nasa mga kamay na iyon ng aming Panginoon.”

Nanlamig ang katawan ko.

Hindi ko dapat hinayaang mangyari ito. Bakit hindi ko naisip na maaari nila itong gawin?!

Malinaw ang plano. Magkaka-hiwalay na pababagsakin namin ang Dark Realm sa tulong nina Gilbert at Regis. Akala ko, magiging maayos ang daloy ng plano pero naging mabilis ang kilos nila at sumugod sa kinaroroonan ni Sebastian.

“Wag mong hayaang mapatay kita, pakiusap, Lucifer.” nakayuko at seryosong pahayag ko at nag-angat ng tingin sa gulat na ekspresyon nito.

“Sapat nang mapatay ko ang iyong demonyong Ama.” nilagpasan ko ito.

“You...really look like one of us.” seryosong sambit ni Lucifer.

“Thanks brother-in-law.”

Naramdaman ko ang pagsunod ni Lucifer na ipinagsawalang bahala ko at nagtungo sa pinagmumulan ng destruksyon.

“Figthing with the Dark Generals, they really are monsters.” komento ni Lucifer nang masaksihan namin ang daan daang kalaban nina Lihtan, Tenere at Taki.

Parang katapusan na ng mundo sa lakas na pinamamalas nila. Para silang mababangis na halimaw.

Nalipat ang atensyon ko nang makita sina Gilbert at Simone na kalaban si Sebastian.

Sumeryoso ako nang makita ang kalagayan nila at si Regis na malubha ang kalagayan.

“Sebastian!!!!!” mabilis na sinugod ko ito na kinagulat nito, nagtama ang mga hawak naming espada.

Nagdilim ang mukha nito.

“CANE!!!”

“Narito ka na sa wakas.” ngisi nito na parang kanina pa akong hinihintay.

Itinaas nito ang hawak na espada, nakaramdam ako ng hindi maganda.

“Tatapusin ko ang lahat ng mga hangal na narito!” nanlaki ang mga ko nang makita ang pagbagsak ng mga alagad nito na parang hinigop ang buong lakas hanggang sa maging buto!

“Ack!” nilingon ko si Lucifer na bumagsak.

“Lucifer!!!”

Humalakhak ang malademonyong boses ni Sebastian na maging ako ay nakaramdam ng kilabot. Wala itong pakialam sa lahat ng buhay ng mga alagad nito at maging kay Lucifer. Nag-aalalang nilingon ko si Simone at nakahinga nang makitang hindi ito naaapektuhan.

“Masama ito. Ang lahat ng buhay at napaslang na tauhan nito ay hinihigop ng espadang iyon,” seryosong sambit ni Gilbert.

Napabuntong hininga ako.

“Gilbert, sinabi mong maaari akong humiram ng kapangyarihan.” sambit ko nang hindi lumilingon sa mga ito.

“Ganoon na nga, binibining Cane...”

“At sinabi mong ako lang ang makakatapos sa nilalang na ‘yon. Ayon sa propesiya.”

“C-Cane...” seryoso kong nilingon si Lihtan na natigilan nang magsalubong ang mga mata namin. Tiningnan ko sina Tenere, Taki at Simone na seryosong nakatingin sa akin at bakas ang matinding pagkabahala.

“Gusto kong bigyan niyo ako ng lakas niyo at umaasa akong pagbibigyan niyo ang hiling ko.” maliit na ngiting sambit ko at malungkot na tiningnan silang apat.

“Makakaasa ba ako sa inyo?”

“Lihtan. Tenere. Taki. Simone.”

Napangiti ako nang tumango sila habang nangingilid ang luha sa mga mata ko.

“Salamat.” humarap ako sa kinaroroonan ni Sebastian at ramdam ko ang nag-uumapaw na lakas na dumadaloy sa katawan ko.

Naramdaman ko ang pagbalot ng yakap sa akin at ang paghikbi nilang apat, tumingala ako at suminghap. Nang humilay ng yakap ay sinuri ang katawan kong nababalot ng dugo at mga sugat.

“Wait...for me.” malumanay na sambit ko at ngumiti. Umiiyak na tumango sila. Humarap ako kay Sebastian at nagsimula na rin sina Lihtan, Tenere, Taki at Simone at ang mga kapangyarihan nila.

Mariing hinawakan ko ang espada ko at walang emosyong humakbang sa nakatadhana kong laban.

Ako si Hurricane Thurston. Ang nag-iisang anak na babae nina Eros at Eve. Ang Mafia Heiress ng Henderson Famiglia. Ang Young Goddess ng Thurston Organization.

This is my deadly mission and destiny.

Yumanig ang buong Realm dahil sa kapangyarihang lumalabas sa kapwa naming katawan.

“AAAAAAAH!!!”

Nagsalpukan ang aming mga espada. Nasa bawat atake nito ang kasiguraduhang tapusin at ang matinding kagustuhang wakasan ako sa katakot takot na paraan.

Bumaba ang tingin ko sa espadang hawak ni Sebastia. Ramdam ko ang negatibong itim na kapangyarihang bumabalot dito na maging ang espada ko ay nakakaramdam ng panlalamig.

(Binibini, nais kong muling malaman mo na ikanararangal kong pagsilbihan ka.)

‘Anue Knight! Anong binabalak mo?!’

Nakita ko ang nakangiting mukha ni Anue Knight at ang pagtama ng espada ni Sebastian dito. Natigilan ako sa nangyari, maging si Sebastian ay hindi iyon inasahan. Kumawala sa kamay ni Sebastian ang espada na para bang walang kontrol na tumalsik.

“A-Anue... ANUE KNIGHT!!!” nanginginig na tawag ko at napaluha.

“Y-You!!! DIE!!!” nag-aalab sa galit na sugod ni Sebastian sa akin. Tiim bagang at puno ng suklam at galit na sinalubong ko at winasiwas ang espadang hawak ko. Nanginig ako dahil hindi ko na maramdaman si Anue Knight.

Sa isang hawak ng patalik ay nagkandapira-piraso ang espada ko.

“Sebastian!!” nanlaki ang mga mata ko nang makita si Gilbert sa likuran ni Sebastian at tumama ang hawak nitong espada sa braso ni Sebastian. Nakita ko ang nanghihinang kondisyon ni Gilbert na para bang gamit ang atakeng iyon ay binuhos niya ang natitirang lakas...

“Gilbert, you’re always getting in my way!!” mabilis na kumilos ako at sinugod ito gamit ang espadang natapakan ko na mula kay Lucifer na nakita kong sinadyang makarating sa tabi ko. Nanghihina na rin ito.

“Ako ang harapin mo, Sebastian!”

“Tatapusin ko ang lahat! Uunahin kita!” madilim na sambit nito. Sinulyapan ko ang direksyon nina Lihtan, Tenere, Taki at Simone na pilit na pinapasa ang buo nilang lakas.

“Damn. Please, you can do it. I love you...” sambit ni Simone.

“Cane, di namin kayang mawala ka. Pakiusap.” rinig kong sumamo nina Lihtan, Tenere at Taki na namumula ang mga mata.

Nakakaramdam na ng panghihina ang mortal kong katawan at dahil ordinaryong tao lang ako ay hindi sanay ang katawan ko sa kapangyarihang dala ng bumabalot sa akin.

Parang bumagal ang oras, nakita ko ang pagsugod ni Sebastian ngunit hindi ko maikilos ang buong katawan ko, gustuhin ko man...naabot ko na ba ang limitasyon ng katawan ko? Katapusan ko na ba?

“HURRICANE!!!/CANEEE!!!”

May yumakap na liwanag sa katawan ko.

Pamilyar ang yakap.

“Little Friend...” naramdaman ko ang pagtalsik ko pero wala akong maramdamang sakit at patuloy na bumabalot sa katawan ko ang liwanag. Ang kaninang nanghihinang katawan ko ay nabalot ng matinding lakas.

At nakita ko ang nakangiting mukha ni Gilbert hanggang sa mawalan ito ng buhay sa kamay ni Sebastian.

Natulala ako sa reyalisasyong nabuo sa akin. Ipinasa ni Gilbert ang buong kapangyarihan niya sa akin.

Gulat ang rumihestro sa mukha ni Sebastian.

Walang emosyong tumayo ako at may lumipad na espada sa kamay ko. Ang espadang nasa pangangalaga ni Sebastian na may kakayahang tapusin ang mga halimaw na nasa pangangalaga ko at ang espadang kumuha kay Anue Knight.

Yumanig ang buong Realm, nabalot ng kadiliman, pagkidlat at pag-ulan ng dugo. Tila may liwanag na pumo-proteksyon sa aking liwanag habang naglalakad patungo kay Sebastian.

Ang nasa isip ko lang ay ang matapos ang lahat ng ito. Ang tapusin ang buhay nito. Ang kitilin ito sa pinakamarahas na paraan. Gusto kong makitang maligo ito sa sarili nitong dugo.

Hindi ko maintindihan ngunit nakita ko ang pagdaan ng takot sa mga mata ni Sebastian habang nakatingin sa akin at sa likuran ko.

“Se.bas.tian!” nanlilisik na matang sigaw ko at nakita ko ang pagbaon ng espadang hawak ko sa tapat ng puso nito.

“H-How?” nanlalaki ang mga matang sambit nito.

“Isa kang mortal...paano?” sumusuka ng dugong sambit nito at naguguluhan.

Nang makita ko ang pagbagsak nito ay umikot ako at tiningnan ang likuran ko. May mga itim at puti na aninong nakaluhod sa harapan ko.

Bumagsak ang tuhod ko at kumuha ng suporta sa espada.

Hindi ko alam kung anong nangyayari. Isa lang ang malinaw.

Bago dumilim ang paningin ko ay nakita ko ang naglalakad na pigura ng aking ama at ina. Buhat nila Storm, Rain at Thunder sina Lihtan, Tenere at Taki na may ngiti sa mga mukha. Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Simone sa akin at ang tahimik na pagluha.

Seryosong tinanaw kami ng aking ama at ina.

“You possessed the power of Light and Dark, Hurricane.” sambit ng aking ama.

Lumayo si Simone at nagbigay galang. Mabilis na niyakap ako ni Mom.

“Baby, you’re really badass.”

Nanghihinang bumagsak ako sa bisig nito ng may ngiti sa labi.

“Mom...”

Lumayo ito sa akin at pinagmasdan ako. Wala akong ideya na narito sila kasama ko ring lumalaban. Nakita ko ang mga kasuotan nilang nababalot ng dugo.

“Master, I successfully fulfilled my mission.” ngiti ko sa aking ama. Nangilid ang mga mata ko nang itaas nito ang bisig. Naglakad ako at yumakap ng mahigpit dito.

“Dad, I’m sleepy...” nanghihinang bulong ko bago ako lamunin ng kadiliman. Ang huling naramdaman at narinig ko ay ang paghalik nito sa noo ko at bulong.

“Rest, my little goddess.”










1 year later...

It's been a year. He closed the book he was holding and took a glance at the clock. Another single day has passed but still...

He stared at his woman...

Ang magandang mukha nito ay payapang nakapikit. Buong pagmamahal na pinagmasdan niya ito at kinuha ang kamay at dinala sa labi at pumikit.

"Mahal! Nandito na ako." bumukas ang pinto at pumasok si Tenere. Nag-angat ng tingin si Simone at pinagmasdan ang kaibigan. Ang dating mahabang buhok nito ay naka-undercut at mas nagmukha itong playboy sa dating. Idagdag pa ang piercings nito sa kanang tainga. Nakasuot ito ng itim na leather jacket at puting polo sa panloob at naka-faded jeans.

Tipid na ngumiti si Tenere sa kaibigan at tinapik ang balikat nito nang malakas.

"You, damn playboy. Get out!"

Tinawanan ni Tenere ang kaibigan at nilapitan ang babaeng isang taon nang nakapikit. Malungkot na tiningnan niya ang dalaga at dinampian ng halik ang noo nito na lagi niyang ginagawa sa tuwing bumibisita sa silid nito.

"Cane..." mahinang usal niya sa pangalan nito. Nabalot ng katahimikan ang silid.

"How's work?" Pagbasag ni Simone sa katahimikan. Mabilis na nagbago ang itsura ni Tenere dahil minsan lang magtanong ang kaibigan at alam niya ang dahilan kung bakit ito nagtatanong dahil sa mga emosyong gumigising na naman sa kanya.

"Magandang balita, Mahal! May bago akong ginawang kanta at malapit nang i-release."

"Hmm, good for you." nakangising sambit ni Simone.

"Kakantahin ko iyon sa concert ko, next month! Nagpa-reserve na rin ako ng ticket para sa inyo!" Puno ng galak na litanya ni Tenere at inabot ang hawak na VIP ticket.

Bago pa magkomento ito sa nalalapit na concert niya ay mabilis na niya itong inunahan.

"Inaasahan ko kayo!"

Nakita niya ang pagdadalawang isip nito at sa huli ay nagpakawala ng buntong hininga at tumango. Masayang lumabas ng silid si Tenere dahil sa wakas ay nakumbinsi na niyang lumabas si Simone.

"Hah! Success!"

"Anong success?"

"Ay nakanang! Taki!!"

Sapo ang dibdib na napaatras si Tenere sa sobrang gulat sa kabuteng bigla na lang sumusulpot kung saan saan.

"Mukhang masaya ka, Tenere!" wika ni Taki na nakangiti nang malawak. Nakangiwing tiningnan ni Tenere ang itsura ng kaibigan.

"Saang lupalop ka na naman galing?"

"Hehehe! Nagtanim ako!"

Sumusukong tiningnan ni Tenere ang isip batang kaibigan. Lumipas ang taon, marami man ang nagbago pero si Taki ay Taki pa rin.

"At ano naman ang tinanim mo?" Nagsimula silang tahakin ang kusina nang may maamoy na sunog na...

"L-Lihtan?" Ngiwing tawag ni Tenere sa busy na si Lihtan na nakatingin sa lasog lasog at amoy sunog na cake na nasa harapan nito.

"Aaah~ Na-sstress ang gandang lalaki ko sa inyo!" Pabagsak na umupo si Tenere sa sofa.

"Linisin mo yan nang mabilis Lihtan! Malilintikan na naman tayo sa dragon! At ikaw! Maglinis ka sa sarili mo Taki! Ang dungis mo! Ang baho mo! Kaya ayoko mag-asawa nang maaga eh! Sa inyo pa lang, tatanda na ako nang maaga!"

Sabay na nagkatinginan sina Lihtan at Taki at binalik ang tingin kay Tenere na may suot ng apron at may hawak na mop.

Nakarinig sila ng yapak. Dinagundong sila ng kaba, tila nasa horror film sa sobrang intense na sabay sabay nilang tiningala ang nakatayo ngayon sa hagdan.

Sabay sabay na napalunok at sa isang iglap ay kumaripas ng takbo si Taki na sobrang dusing. Mabilis na naglaho si Taki na nagtagumpay na makapagtago kay Simone.

“M-Mahal?” Kinakabahang ngumiti si Tenere.

“Simone, Simone! Gusto mo ng cake?” nakangiting alok ni Lihtan.


Tenere’s Point of View

Napangiwi ako nang makita ang niluto ni Lihtan. Lumapit si Simone at nanlaki ang maganda kong mga mata nang tikman ni Simone!

“Masarap ba, Simone? Sa tingin mo magugustuhan ito ni Cane?” sunod sunod na tanong ni Lihtan na parang hindi na humihinga.

“Hm, practice more and feed it to them, understand?” seryosong sambit ni Simone na kinatigil ng paghinga ko.

Bumagsak ang balikat ni Lihtan.

“She will like it if you add some strawberries.” sambit ni Simone nang mapansin ang paglungkot ng mukha ni Lihtan. Mabilis na nagliwanag ang mukha ni Lihtan.

“Gagawin ko yon, Simone!” -Lihtan

“Clean your mess.” nakatingin sa akin na sambit ni Simone.

Bakit lagi mo akong inaapi, Simone?

Napakamot ako sa ulo at pinagpatuloy ang pagma-mop.

“Simoneee!” sinamaan ko ng tingin ang batang patay malisyang nagkalat ng kadungisan.

Tinanguan siya ni Simone.

“Taki! Para sa’yo!” nakangiting abot ni Lihtan sa lasog lasog na cake.

“Ahehehe.” ngiwi ni Taki.

“I heard you go at the G. Street.” kalmadong sambit ni Simone habang nagsasalin ng tubig sa baso. Natigilan si Taki.

Napansin ko ang biglang pagseryoso ni Taki. Pareho naming tiningnan ni Lihtan si Taki.

Alam namin ang G. Street. Ang lugar na 'yon ay kuta ng mga gangsters. Minsan na rin akong nagawi roon.

“Wag kang mag-alala, Simone. Wala kang dapat ikabahala.” nakangiting sambit ni Taki. Nanatiling seryoso si Simone.

“Don’t waste the life that she protected. As long as you understand, we don’t have any problems.” -Simone

“.....” -Taki

Napabuntong hininga si Simone.

“You can do whatever that will make you happy but don’t forget the conditions.” muling paalala ni Simone.

Naalala ko ang kondisyon ni Simone. Kailangan daw naming mag-aral nang mabuti at sa oras na bumaba ang grades namin ay siguradong yari kami.

“Simone, masipag bang mag-aral si Cane?” tanong ni Lihtan na kinalaki ng mga tainga namin.

Natigilan si Simone na kinataka namin.

“Hm, she’s a genius.” mahinang sambit ni Simone.

Napangiti kami.

“But...” buntong hininga ni Simone na kinataka namin parang may gusto ito sabihin pero nagdadalawang isip? Sa huli ay umiiling na umalis sa kusina si Simone.

“Yeah, yeah. She’s a good student.” huling sambit ni Simone.

Nagkatinginan kami nina Taki at Lihtan at napakamot sa ulo dahil inaatake na naman ng pagka-weird si Simone.

Nang dumating ang gabi ay pinagmasdan ko ang kalangitan kung saan nakikita ko ang mga bituin habang nakahiga sa aming bubong.

Bumuntong hininga ako at kinuha ang bansi (flute) kong minsang ginagamit noon ni Cane sa t’wing gusto niyang tumugtog. Ang nakapikit at nakangiti niyang mukha na nakakatatak sa isip ko habang pinapanood namin siya.

Simula noon ay gusto ko siyang tugtugan ng magagandang musika para sa t’wing malulungkot siya ay dadamayan ko siya ng aking musika at higit sa lahat ay mapasaya siya gamit ang musika ko na lagi niyang pinupuri noong magkakasama kaming naglalakbay. Gusto ko ang musika bata pa lang ako at minahal ko ito nang makilala ko siya.

Nanikip ang dibdib ko at bumagsak ang luhang kinikimkim ko.

“Cane, miss na miss ka na namin.”

Huminga ako nang malalim at pinigilan ang umiyak dahil nangako akong hindi magiging mahina. Ako ang matanda sa amin kaya kailangang hindi ako maging mahina.

Tumayo ako at nagpasyang bumalik sa kwarto ko nang mapatigil sa nakaawang na pinto kung saan naroon si Cane.

“Cane? Naalala mo ba noong una tayong magkita, yon ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko lalo na nang iabot mo ang kamay mo sa akin at inalagaan. Binigyan mo ako ng pagkain at nangako kang simula sa araw na ‘yon ay kakain tayo ng masasarap na pagkain.” nakasubsub sa gilid ng kama ang mukha ni Lihtan.

“Lagi tayong kumakain ng masasarap na pagkain. Akala ko noon ay habambuhay na ako sa kweba. Wala akong kahit ano. Tanging maruming kasuotan, lumang espada at mga pagkaing isda lang ang meron ako.”

“Pero nang dumating ka, nagbago lahat. Binigyan mo ako ng pangalan, malinis na damit, at maraming mga pagkain kahit na wala tayong bahay kasi mahilig tayong maglakbay.”

Tumahimik ang paligid hanggang sa marinig ko ang paghikbi ni Lihtan.

“I miss you, Cane.”

“Marunong na akong mag-English, Cane.”

Dahan dahan kong sinarado ang pinto at naglakad papunta sa kwarto ko nang mapansin ang nakatayong anino at nakita si Taki na nakayuko.

Ang isip bata na ‘to.

Lumapit ako at binalik sa tainga niya ang maliit na earpiece na makakatulong sa sensitibo niyang pandinig. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit kailangan kong itago ang panghihina ko.

Naririnig niya ang lahat.

Inakbayan ko ito na nanatiling nakayuko. Tinapik ko ang balikat nito at pinasok sa kwarto niya. Bumuga ako ng hangin at pumasok na rin sa kwarto ko.

Sa aming tatlo, ang pinakanahihirapan at nasasaktan ay si... Simone.

Pinikit ko nang mariin ang mata ko at bumagsak sa kama ko.

Isang taon nang nasa ganitong kalagayan si Cane.

Dahil sa kapangyarihang napamalas niya ay hindi kinaya ng mortal niyang katawan. Lalo na at nasa kanya ang kapangyarihang pinasa ni Lord Gilbet at higit sa lahat ang kalahating kapangyarihan ni Lord Sebastian na hindi namin alam kung paano nangyari.

At ayon kay Simone, magkakonekta ang buhay nila ni Cane at may kontrata na nag-iisa sa kanila. Ang buhay niya ay buhay ni Cane. Sa oras na mawala si Cane ay mawawala rin siya. Pero may ginawa si Simone. Sa oras na si Simone ang mawala ay mananatili pa rin si Cane.

Kaya hindi kami mawawalan ng pag-asa kahit lumipas pa ang maraming taon.

Napabuntong hininga ako dahil hindi umaalis sa kwarto ni Cane si Simone. Ang tanging wala lang siya roon ay kapag gabi na. Alam niyang bumibisita kami.

Kaya masaya akong nagtagumpay akong mailabas siya sa concert ko.

Balang araw, madadala ko rin si Cane sa concert ko.

Nakatulog akong nakangiti nang maisip ang masayang mukha ni Cane sa oras makita niya akong nasa stage at kumakanta. Kahit ilang beses ko nang nai-imagine ay doon gumagaan ang pakiramdam ko dahil tiyak na magiging masaya si Cane.

Hihintayin ko ang araw na ‘yon...

Mafia Heiress Possession: Hurricane ThurstonWhere stories live. Discover now