Pahina 39

31.7K 1K 197
                                    

Pahina 39
Start of Survival or Deaths,
Part 2


Hurricane’s Point of View

Napadilat ako nang marinig ang pagkakagulo sa labas ng silid namin. Nakaupo ako nang tuwid sa upuan habang nasa kama ko sina Simone, Lihtan, Tenere at Taki. Nakita kong napabalikwas sila ng bangon.

Gulat na napatingin sila sa akin at sa hinihigaan nila.

"Anong ginagawa namin sa higaan mo, Cane?" walang muwang na tanong ni Lihtan.

Inabot ko ang tray na gawa sa kahoy, may apat na kopita roon na may laman na mainit na tsaa. Pampawala ng hang-over.

"Inumin niyo muna ito." nakangiting sambit ko.

Napabuntong hininga ako habang pinanonood na iniinom nila ang tsaa. Ang totoo niyan ay sinadya kong lasingin sila para magkaroon nang maayos at mahabang tulog. Hindi lingid sa kaalaman ko ang salit-salitan nilang pagbabantay sa labas ng silid ko.

Napabaling ang mata at atensyon ko sa pinto at sa nangyayaring komosyon sa labas hanggang sa may sunod sunod at malakas kaming katok na narinig. Tumayo ako at binuksan ang pinto.

"Ano pong nangyayari?" tanong ko at bumungad sa amin ang lahat. May mga takot na emosyon na nakapaskil sa kanya kanya nilang mukha.

Naramdaman ko sa likod ko ang paglapit nila Simone.

"Masamang balita, nagkaroon ng malawakang digmaan sa Dessertum!"

"Digmaan." saglit na sinulyapan ko ang mahinang boses na mula kay Taki.

Binalik ko ang tingin sa harap namin. Kung ganoon ay ang umaapoy na pana...

"Digmaan? Paanong nangyari 'yon?" tanong ni Lihtan.

"Gabi nang sumugod ang Tamir. Sinamantala ni Haring Arturo ang mahinang depensa ng Dessertum dahil sa epidemyang kumakalat. Maraming nasawi at malubha ang kalagayan at kaunting panahon na lang ay masasakop na ang Dessertum!"

Tamir...

"Ano na ang mangyayari sa atin?"

Kitang kita ko ang unti unting paglamon ng takot sa kanila, pagkawala ng pag asa at pagsuko.

"Hindi tayo bubuhayin ng Tamir."

"Anong klaseng tao ang Hari ng Tamir?" tanong ko.

Natigilan ang mga ito sa tanong ko, mula sa pagkakatingin ko sa mga batang naghahabulan at naglalaro ay nag-angat ako ng tingin dahil walang sumagot. Muli akong tumingala at nakita si Dino na lumapag sa balikat ko. Binalik ko ang tingin sa harap. Hindi ko maintindihan ang tingin na binibigay ng mga ito.

"Napaka-kalmado niyo."

"Dahil walang maidudulot na maganda kung lahat tayo ay kinakain ng takot." marahang sambit ko at muling bumuntong hininga.

"Hindi kayo ordinaryo." humawi ang lahat at nagbigay daan.

Nginitian ko ang dating Heneral ng Dessertum. Si Heneral Ruso. Ang nakakita sa amin sa ilog at nagdala sa amin sa kuta nilang ito. Lagi itong seryoso at nakabantay sa amin.

"Ruso, ikaw pala. Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Bago pa tumama ang hawak niyang espada ay agad na iyong tumalsik dahil sa paghampas ni Simone. Hindi pa man ako nakakapikit ay nasa likod na ni Heneral Ruso si Taki na salubong ang kilay na halatang hindi nagustuhan ang ginawa ni Heneral Ruso. May hawak si Taki na punyal na nakatutok sa leeg ni Heneral Ruso. Samantalang sina Lihtan at Tenere ay masama ang tingin kay Heneral Ruso at nakatutok ang mga espada nila kay Heneral Ruso. Nakaharang sa harapan ko si Simone at nakatutok din ang espada kay Heneral Ruso na naestatwa at nabato sa kinatatayuan. Nanatiling hindi ako gumalaw o kumilos ng kahit kaunti. Kita ko ang pagkaputla ni Heneral Ruso at sunod sunod na paglunok.

"Hanggang diyan ka lang." madiin na banta ni Tenere.

Huminga ako nang malalim.

"Ibaba niyo 'yan." mahinahong pakiusap ko. Dahan dahang binaba nila ang mga espada nila pero ang mga mata nila ay nanatiling mariin ang tingin sa Heneral na parang hindi na humihinga sa kinatatayuan.

"Nakita n-niyo 'yon?"

"A-Ang bilis."

"Ang l-lakas."

"Paano nila nagawa 'yon?"

"Sino ba talaga sila?"

Samut-saring bulungan na naririnig namin. Muli akong tumingin sa kalangitan na kumukulimlim na.

"Mukhang uulan na, kailangang maipasok sa bahay ang mga kagagaling lang sa sakit at magpahinga hanggang sa bumalik ang lakas." muli silang natahimik.

"Hindi ba natin tutulungan ang Dessertum?" tanong ng isa sa kanila. Tiningnan ko ang nagsalita no’n, isang binata na sa tingin ko ay nasa labing-pitong gulang. Maganda ang pangangatawan marahil ay dahil sa kasanayan sa pagbubuhat.

Ngumiti ako rito na siyang nakapagpalaki ng mata nito.

"Anong plano natin?" nakangiting tanong ko.

"H-Ha?"

"Mukhang may naiisip kang plano."

"A-Ah..." napayuko ito at napakamot sa ulo. Namumula ang mukha na umiwas ng tingin.

"Anong kaya mong gawin?" mahinahong tanong ko rito at bahagyang lumapit para mas makita ito nang malapitan.

Nabigla ito sa dahan dahan kong paglapit at napaatras. Huminto ako dahilan para huminto ang pag-atras nito.

"Itataas mo pa lang ang sandata mo, nakatutok na sa’yo ang patalim na tatapos sa buhay mo." sa sinabi kong 'yon ay namutla ito.

Yumuko ako nang bahagya hanggang sa pumantay sa mukha nito.

"Kaya mo bang pumatay?" seryosong tanong ko.

Muling natahimik ang mga ito sa naging tanong ko.

Mabilis na umiling ang binatang nasa harapan ko at nanlalaki ang mga mata.

"Ang pinaparating mo ba ay manatili kami at walang gawin?" seryoso at napapailing na tanong ni Heneral Ruso.

"Pinaparating mo bang sumugod kasama sila roon at makipaglaban?" tanong ko at muling humarap dito.

Hahakbang sana ito palapit sa akin. Hindi natuloy dahil sa mabilis na pagharang ni Taki na pumupula na ang mata. Takot na napaatras si Heneral Ruso.

"Taki, hayaan mo siya. Hindi niya ako masasaktan." marahan kong hinila ang braso ni Taki at tiningnan din sina Simone, Lihtan at Tenere na nasa likod ni Heneral Ruso.

"Sino ba talaga kayo? A-Anong klase kayong mga nilalang?" nahihintakutan na tanong ni Heneral Ruso.

"Pagpasensyahan mo na ang mga kasama ko." seryoso kong paumanhin.

"Sino ka?" muling tanong nito na sa akin na nakatingin.

"Hindi na mahalagang malaman niyo 'yon. Ang mahalaga ay kung ano ang gusto mong mangyari, Heneral Ruso."

"Hah! Sa iyo na nanggaling ang salitang mas magandang lumaban ng may nagawang mabuti at nararapat. Aaminin kong napahanga mo ako nang sabihin mo iyon, ngunit bakit ngayon ay tila naduduwag ka, kayo ng mga kasama mo? Nakita namin ang pambihira niyong lakas at kakayahan ngayon, bakit hindi niyo gamitin 'yan upang makatulong?" nakangisi at bigong tanong ni Heneral Ruso.

Hindi ko nagustuhan ang narinig ko at nawalan ng emosyon ang mukha ko. Nakita ko na lang ang sarili kong nakahawak sa kwelyo nito nang maibalibag ko ito sa lupa.

"Hindi sila kasangkapan na isusuong ko sa isang digmaan, naiintindihan mo?" malamig na tanong ko.

Sunod sunod itong napalunok at tumango. Huminga ako nang malalim at tumayo. Salubong ang kilay ko na tiningnan ito na habol ang hininga at umuubo.

"Habang nakatayo ako, walang sinuman ang maaaring lumapastangan sa kanila. Ang sinumang magkamali ay kamatayan ang parusa." malamig na pahayag ko.

Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili.

"Hindi lang ang pakikipaglaban ang maaaring gamitin at gawin sa mga oras na 'to. Ibubuwis mo ba ang buhay nila ng walang laban?" tanong ko kay Ruso na nakatayo na ngayon at hawak ang lalamunan at muling natigilan sa tanong ko.

"Maaari kang magtungo roon, kung gugustuhin mo. May kaalaman ka naman sa pakikipaglaban kaya walang problema."

"Anong ibig mong sabihin?!"

"Isa pang sigaw mo, gigilitan na kita." malamig na banta ni Simone.

Takot na umaatras naman si Ruso at umatras.

Huminga ako nang malalim.

"Hindi ko sinasabing walang kwenta ang buhay mo-"

"Ano--?!"

"Patatapusin mong magsalita si Cane o ihahagis kita?" banta ni Lihtan.

Napangiwi ako sa mga ito.

"Ang ibig kong sabihin, Ruso, may magagawa tayong mas makakatulong kaysa makiisa sa digmaang nagaganap." mahinahong sambit ko.

"Anong...paraan?" takha nitong tanong at nahihiwagaang nag-aabang sa sasabihin ko.







Nakatingala ako sa kalangitan. Mag-isa lang ako habang nakatayo at nakasandal sa puno. Nakatingin sa malayo.

Ayokong malagay na naman sila sa kapahamakan, dahil sa mga desisyon ko. Isang digmaan ang nagaganap. Oras na makiisa kami ay tiyak na higit na kapahamakan ang nakaabang. Hindi ako natatakot para sa sarili ko, kundi para sa kanila.

Mula nang makasama ko sila, nang isama ko sila, ay nasa pangangalaga ko na sila. Isinumpa ko sa sarili kong po-protektahan ko sila at ilalayo sa kapahamakan.

Na ayoko silang mahirapan. Gusto ko lagi silang masaya.

Na unti-unti ko nang nakakalimutan ang mga misyon ko, ang pangako ko at isa sa mga dahilan kung bakit narito ako. Gusto ko silang ilayo sa magulong mundo pero kahit saan kami mapunta, alam kong wala kaming pamimilian.

"Cane..." napalingon ako kay Lihtan na nakatayo ngayon sa harapan ko at nakangiti.

"Lihtan..." nagulat ako nang yakapin ako ni Lihtan.

"Cane, natatandaan mo ba nang sabihin mong babaguhin mo ang malupit at malungkot na kwento namin?"

Natigilan ako.

"Sabi mo sasamahan mo kaming baguhin 'yon, hindi mo kami kahit kailan binigo, Cane. Pinaganda, pinasaya at binigyan mo ng kulay ang buhay namin. Nabago at habang buhay akong mananatili sa tabi mo, Cane."

Nanubig ang mga mata ko nang maramdaman ang pagkabasa ng balikat ko.

"L-Lihtan..."

Nakita ko ang papalapit na sina Simone, Tenere at Taki na nakangiti sa akin.

"Aking binibini, Cane, sama ka sa amin, siguradong magiging masaya ang paglalakbay natin." napangiti ako nang marinig ang pamilyar na linyang sinabi ni Taki. Seryosong nakangiti siya nang sabihin 'yon.

Napanguso ako at tumango. Lumapit si Taki at niyakap din ako.

"May gusto kaming gawin, sasamahan mo ba kami, Cane?" nag-angat ako ng tingin kay Tenere na nakangiting nakatingin sa akin.

"Kahit saan..." niyakap din ako ni Tenere.

Sa huli ay nasa harapan ko na si Simone. Tipid na nakangiti at hinawakan ang pisngi ko.

"H'wag mong sasarilihin ang lahat, nandito kami. Naiintindihan mo?" tanong ni Simone.

"Hm..." nakangiting tango ko.

Parang sa isang iglap naging malinaw ang lahat sa akin.

"Gusto naming tumulong, Cane, gamit ang kakayahan namin." sambit ni Lihtan. Tumulo ang luha ko at nakangiting tumango.

Tiningnan ko sila nang mabuti at marahang suminghap ng hangin kasabay ng pagpikit ko ng mga mata ko. Tumalikod ako at pinasok ang dalawang kamay ko sa bulsa ko at dinama ang sariwang hangin...

Ito na ang simula...nararamdaman ko.

Sabay sabay kaming bumalik sa kuta.

"Heneral Ruso." tawag ko nang makita ito.

Napahinto ito sa pagbabalot ng gamot nang makita kami.

"Nagbago na ang plano." sambit ko.


Third Person’s Point of View

Sa kalangitan, nagliparan ang itim na mga ibon sa kuta ng mga mananakop.

"Heneral Gori, isang masamang pangitain." sambit ng kawal sa Heneral ng Tamir.

Matalas na tiningnan ng Heneral ang kalangitan at ngumisi.

"Kahangalan!"

"Patawad, Heneral Gori!"

"Tss! Ihatid ang utos ko, maghanda sa pangwakasang paglusob! Pababagsakin na natin ngayon ang walang kwentang Kaharian ng Dessertum! Hahahahahaha!"

"Masusunod!"

Nabalot ng nakakabinging sigawan at iyakan. Nagkalat na walang buhay na katawan sa nasasakupan ng Dessertum. Mga dilat ang mga mata na may bakas ng luha, mga matang nagsusumigaw ng tulong. Mga mamamayang nag-uunahang magtakbuhan sa walang lugar na patutungahan, umaasang makahanap ng ligtas na lugar upang maisalba ang mga sarili.

Tulalang bumagsak at tulalang napaluhod si Haring Adams sa nasaksihan sa kanyang Kaharian.

"Kamahalan! Po-protektahan namin kayo, kailangan niyong makalayo." ani ng mga kawal na natitirang nakapalibot sa Hari.

"Nasaan si Prinsipe Rodolpo, si Prinsesa Alissa at ang aking Reyna?" nanghihinang tanong ng Hari ng Dessertum.

"W-Wala na po si Reyna Bia."

Natawa nang walang kabuhay-buhay ang Hari at nasaksihan nila ang pagbagsak ng luha nito. Tila nabingi sa narinig ang Hari.

"Kasama ni Prinsipe Rodolpo ang mga kawal sa pakikipaglaban at hinahanap si Prinsesa Alissa."

"Kamahalan! Patawad! Binigo namin kayo, parusahan niyo kami!"

"Patawad, Kamahalan!"

"Patawad po dahil sa kapabayaan namin, patawad po, Kamahalan!"

Nagluhuran ang mga kawal sa kanilang Hari.

"A-Ako ay isang walang kwentang Hari."

"Kamahalan! Hindi totoo 'yan, isang karangalan na mamatay para sa inyo!"

"Kung ganoon ay makinig kayo sa sasabihin ko..." pumikit nang mariin ang Hari. Nagsiluhuran ang mga kawal na kapwa umiiyak din at hinintay ang utos ng Hari.

"...hindi ako aalis, hindi ko aabanundahin ang ating Kaharian!" may kawakasang pahayag ng Hari. Mas lalong nag-iyakan ang mga kawal at tinanggap ang utos ng kanilang Hari.

"Masusunod, Kamahalan!"

Tumatangong ngumiti si Haring Adams.

"Magaling! Samahan niyo akong ipaglaban ang ating Kaharian!" itinaas ng Hari ang kanyang gintong espada.

"Hanggang sa dulo at hininga namin sasamahan namin kayo, Kamahalan!"

Hinawakan ng Hari ang kanyang espada at humakbang patungo sa walang katapusang digmaan.

"Ha!!!"

Kahit na may katandaan na ay mahusay pa rin sa pakikipaglaban ang Hari.

Gamit ang natitirang lakas, ang nanginginig sa pagod na tuhod at kamay dahil sa katandaa'y hindi inalintana.

Hanggang sa huling hininga.

Lalaban siya ng may dangal.

"Ama! Ama!" umiiyak na sigaw ni Prinsesa Alissa na nasa gitna ng digmaan at nakita ang kanyang Amang Hari na isa sa nakikipaglaban.

"Prinsesa Alissa, tayo na-" bumagsak isa isa ang mga kawal na nakabantay sa Prinsesa.

"Ha! Prinsesa Alissa, tunay ngang napakaganda mo." nakangising sambit ni Heneral Gori.

Nanginginig sa takot na napaatras ang Prinsesa at napahiyaw sa takot dahil sa bawat hakbang niya ay puro walang buhay ang nasa inaapakan niyang lupa.

"H'wag kang mag-alala, Prinsesa. Hihingiin kita sa aming Hari, magiging akin ka!" nakangising sambit ni Heneral Gori.

"H-Hindi! Hindi ako makapapayag." lumuluhang sambit ng Prinsesa.

"Hindi mo na hawak ang buhay mo." nakita niya ang kamay ng Heneral na nakaambang hihilahin siya sakay ng kabayo nito nang sa hindi inaasahan...

May maliit at malambot na kamay ang humuli sa kanyang baywang at naramdaman ng Prinsesa ang pag-angat sa ere at pag-upo. Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang sarili na nakasakay sa kakaibang hayop at unti unting dumungaw sa taong nasa likuran niya...

"I-Ikaw..." hindi makapaniwalang bulaslas ng Prinsesa.

"Sino kang pangahas ka?!" galit na galit na sigaw ni Heneral Gori nang makabawi sa pagkagulat dahil sa bilis ng pangyayari.

"Ako? Ako ang tatapos sa walang kwenta mong buhay." malamig na sagot ng misteryosong natatakpan ng kapa at taklob ang mukha.

Parang tumigil ang paghinga ni Prinsesa Alissa nang marinig 'yon maging ang Heneral ay natigilan at kinilabutan sa boses na tila galing sa hukay.

Lumapag sa lupa ang mga paa nito at hinarap ang kakaibang nilalang na sakay ang Prinsesa.

"Kaibigang onymus, ipinagkakatiwala ko sa inyo ang Prinsesa."

"Awoooo!"

"AAAAAH!" nagkagulo ang lahat dahil sa dalawang onymus na nag-uunahang makarating sa kinatatayuan ni Cane.

Unti unting binaba ng dalagang si Cane ang kanyang taklob at doon ay nasilayan ng lahat...

Ang pagtama ng araw sa mahabang buhok nito, ang pagpula.

Ang maamo at magandang mukha nito, walang emosyon ngunit mababakasan ang mga mata ng matinding kabagsikan at galit.

Natulala ang Heneral nang tumama ang mga mata nito sa kanya, para siyang bilanggo na nakulong sa mga mata nito na kasing dilim ng gabi.

Tila tumigil ang oras, lahat ay napahinto.

Parang may kung ano sa napakagandang binibini na kinakailangan mong huminto.

Bumagsak ang espadang hawak ni Haring Adams na naging dahilan nang paglingon ng binibining nakatayo sa harapan ng malupit na Heneral.

Ang mga mata nito na sumasalamin na kasing itim ng gabi, sa babaeng hindi niya malilimutan. Ang tindig at presensya nito na sing-bagsik ng lalaking hindi niya kailanman malilimutan.

Hindi siya maaaring magkamali...

Ang mag-asawang nag-isa sa sampung kaharian. Ang dalawang taong sumalba sa kanila na binigo nila.

"I-Ikaw...ang anak nina Eros at Eve."

Nasaksihan ng lahat ang pag-iiba ng kulay ng mga mata ng binibini. Mula sa itim nitong mga mata ay sa isang iglap pagkarinig sa sinabi ng Hari ay naging luntian ang magandang mga mata nito.

"Kilala mo ang mga magulang ko." marahang sambit ni Cane at naglakad patungo sa nagsalitang Hari.

Nagulat ang lahat dahil sa pagluhod ng Hari. Ang matapang na Hari ng Dessertum, si Haring Adams ay lumuhod sa misteryosang binibini na tila napakataas nitong nilalang, nagbigay pugay at lumuluhang tumingala ang Hari na tila nabuhayan nang makita ang binibini.

Seryoso at hindi man lang nagulat ang binibining niluhuran ng Hari ng Dessertum.

"Young Goddess!"

"Sino ka?" muling nagulat ang lahat nang marinig ang tanong ng binibining si Cane

"Ako si Haring Adams! Ang Hari ng Dessertum, isang karangalan...isang karangalan na makilala ka, binibini." lumuluha at mababakasan ng saya ang Hari.

Naguluhan ang lahat at hindi makapaniwala sa nasaksihan at sa kinikilos ng Hari sa binibining kaharap.

"Ama..." agad siyang dinaluhan ni Prinsipe Rodolpo nang makita ang kanyang Amang Hari, at tulad ng iba'y natulala sa dalagang matagal niyang hindi nakita mula nang umalis at mawala ito nang parang bula sa Kaharian ng Hydor.

"Binibining C-Cane..."

Tiningnan ni Cane ang kabuoan ng Hari, ang nangingig na kamay at tuhod at sa espadang nasa tabi nito. Napabuntong hininga siya at binalingan si Prinsipe Rodolpo.

Pinulot niya ang espada ng Hari.

"Maaari ko bang hiramin ang espada mo, Kamahalan?" tanong niya sa Hari.

"K-Kung 'yan ay naiibigan mo ay walang problema." natutuwang sambit ng Hari na parang kahit anong hiling ng binibining kaharap ay iaalay ng walang pagtutol.

Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ng dalagang si Cane at tinapik ang balikat ng Hari.

"Isa kang kahanga-hangang Hari. Kinararangal ko rin ang makilala ka, Kamahalan." natigilan ang Hari ng Dessertum sa narinig.

Muli, ay lumuha ang Hari.

"Maraming salamat. Salamat, binibini."

Winasiwas ni Cane ang hawak na espada at itinutok sa Heneral at tumitig sa leeg ng Heneral na parang nananabik na gilitan iyon.

Gumalaw nang kaunti at napaiwas ang espadang hawak ni Cane dahil sa malakas na hampas ni Heneral Gori.

Bumakas ang gulat sa mukha ng Heneral.

Sa lakas ng hampas niya ay inaasahan niyang tatalsik ang hawak nitong espada at mapapaatras ngunit hindi dahil hindi ito natinag ng kahit isang atras.

Isang hampas din ang iginanti ng binibining kaharap niya at hindi makapaniwala ang Heneral dahil sa pag-atras niya sa lakas ng pwersang iyon.

Nakaramdam ng matinding inis ang Heneral at sumugod, na sinalubong ng binibining si Cane. Napanganga ang lahat dahil sa bilis, lakas at atake ng misteryosang binibini.

Nakipagsabayan ng atake ang binibining may pulang buhok. Sa bawat wasiwas nito ay hindi umiimpis na magbaon ng sugat sa Heneral na tila pinaglalaruan lamang niya.

"S-Sino ka?! Sino ka?!" nakangising at nababaliw na tanong ni Heneral Gori.

"Ang ingay mo." salubong ang kilay na sambit ni Cane at inis na nakatingin sa bibig ng Heneral.

"Dahil maingay ka, tamang ibaon ko na lang ang espadang ito sa bibig mo. Napakagandang ideya, hindi ba, Heneral Gori? Tama. Ibabaon ko na lang ito sa bibig mo." nakangising sambit nito.

Namutla ang Heneral.

"Oh? Bakit? Hindi mo ba nagustuhan ang ideya ko?"

"H-H'wag kang lalapit!" nanginginig na sigaw ni Heneral Gori.

"Kung kailan nag-uumpisa na ako, saka mo ako patitigilin? Ang sama mo." seryoso at tila nanunumbat na sambit niya sa Heneral.

"Kung sinuman sa inyo ang may pamilyang naghihintay at labag ang loob na makiisa sa digmaang ito ay umatras na. At sa mga mananatili at susunod sa utos ng Heneral niyo ay kamatayan ang hatol."

Humarap siya sa mga kawal.

"Nababatid kong napipilitan lang ang iba sa inyo, kaya naman bibigyan ko kayo ng pagkakataong magkaroon ng kalayaang pumili at tuldukan ang karahasan na ito."

"H'wag kayong makinig sa babaeng 'yan! Paslangin ang laha-" tumalsik sa kinatatayuan ang Heneral dahil sa sipa ng lalaking bumagsak sa kalangitan.

"Nakita niyo 'yon?"

"Nagmula sa kalangitan ang ginoo na 'yon!"

"Ang lakas ng sipa, nasaan si Heneral Gori?"

"Lumipad sa k-kalangitan. Anong klaseng nilalang ito?"

Bumulusok pabagsak ang Heneral. Bago pa man lumapat ang katawan nito at magkanda-lasog lasog ay may mabilis na kamay ang sumalo rito at hinagis ang katawan ng Heneral sa pader, nabiyak ang pader sa lakas ng pwersa.

"N-Napakalas ng taong 'yon!"

Mabilis na nawala sa pader ang Heneral na nanginginig sa takot. Nakita na lamang nila na may isa pang lalaki ang sumulpot na tila singbilis ng hangin na hindi nakita ang pagsulpot. Hawak nito ang leeg ng Heneral at hinagis sa lupa.

Gumapang paatras ang Heneral dahil sa tatlong nilalang na seryosong nakatingin sa kanya. Ngunit natigilan ang Heneral dahil sa nakaharang na isa pang nilalang sa likuran niya.

Hinila ni Simone ang buhok ng Heneral at sa isang iglap ay napaluhod niya ito nang maayos sa harapan ni Cane.

"Mahalaga ang sinasabi ko, h'wag kang magulo." walang emosyong sambit ni Cane rito.

Naglakad sina Lihtan, Tenere at Taki sa likuran ng dalagang si Cane.

Nilebel ni Cane ang kanyang mukha sa duguang Heneral.

"Ha! M-Mapatay mo man ako ay huwag kang pakasisiguro na tagumpay ka na dahil hindi! Nagkakamali ka." nakangising sambit ni Heneral Gori.

Malamig na tiningnan siya ng binibining kaharap at ginantihan ang ngisi ng Heneral.

"Sa isang tusong Heneral na gaya mo, hindi na nakakapagtaka 'yon." biglang dinagundong ng kaba ang Heneral at nanlalaki ang mga matang napagtanto ang ibig sabihin nito.


Lihtan’s Point of View

Di ko maiwasang mapangiti sa mga nagaganap, sa mga nangyayari. Lalo na ang mapahanga sa babaeng nasa harapan namin.

"Cane, bakit hindi tayo humingi ng tulong sa Hydor?" narinig kong suhestyon ni Tenere na tahimik kong sinang-ayunan dahil ang Hydor ay may kalayuan man sa Dessertum ay iyon ang pinakamalapit sa natitirang mga Kaharian.

Nakita kong napabuntong hininga si Cane. Nasa kanyang silid kami at nagpa-plano ng hakbang ngunit sa tingin ko, hindi na kailangan dahil mukhang may naisip na siyang paraan.

"Anong koneksyon niyo sa batang Hari ng Hydor?" naguguluhang tanong ni Heneral Ruso.

Nagkibit-balikat lang si Cane at nakangusong umiling kay Tenere.

"Maraming pinagkakaabalahang problema si Visal, hindi na natin dapat pang bigyan siya ng panibagong suliranin. Isa pa, hindi ganoon kadaling magpapadala ng alyansa ang Hydor dahil hindi lang siya ang magde-desisyon no’n. Natitiyak kong maraming tututol at pag nagkataon, natatakot akong makwestyon siya. Bilang Hari marami siyang dapat isaalang-alang." napatango kami sa sinabi niya.

"Sa oras na gawin niya 'yon, ay para na rin niyang kinalaban ang Tamir." dagdag ni Cane.

Nakita namin siyang may kinuhang bato at may ginuhit na malaking bilog.

"Sa sampung Kaharian. Ang Tamir ang may pinakamalaking bilang na kawal, tama ba, Heneral Ruso?"

"T-Tama ka, binibini."

"Hm..." tango ni Cane.

"Kamusta ang natitirang bilang ng kawal sa Dessertum?" tanong ni Cane habang nakatingin sa bilog nang seryoso.

"Nang palihim na nagtungo ako roon ay nasa a-anim na libo na lamang ang natira at isan-daang libo ang dala ni Heneral Gori."

Nagkatinginan kami nina Taki at Tenere na tulad ko ay nagulat, maliban kay Simone na bagot nakikinig nang bigla siyang magsalita na kinagulat ulit namin.

"Great, mas madali para sa atin umatake at patayin sila."

Binatukan siya ni Cane.

"Aargh, w-what?" natawa kami nang makita ang panlalaki ng mata ni Simone habang sapo ang ulo.

"Pfft~" pigil tawa namin lalo na ng samaan siya ng tingin ni Cane. Umamo naman ang mukha ni Simone at napayuko.

"Wala silang kasalanan sa atin!" sambit ni Cane.

"Tss, paano kung mangyari nga?" Seryosong tanong ni Simone at biglang tumingin sa amin, lumingon din si Cane sa amin.

"Ako ng bahala ro’n." nakaiwas ng tingin na sagot ni Cane nang seryoso at muling bumuntong hininga "...alam mo naman ang batas ko." malamig na dagdag ni Cane.

"Anong batas, aking binibini?" naguguluhang tanong ni Taki.

"Na walang maaaring manakit sa mga nasa ilalim ng proteksyon niya dahil kamatayan ang parusa. Isa sa mga batas ng mga Hukom, batas para sa inyo..." seryosong sagot ni Simone.

"Hindi nila kailangang pumatay." mahinahong sambit ni Cane.

"You can't protect them anytime. Hindi sa lahat ng oras nandyan ka! Para saan pa ang mga tinuro natin? Kailangan nilang lumaban kung hindi, mapapahamak sila!"

"Pero hindi ito ang buhay na nakasanayan nila, hindi natin sila sinama para matutong pumatay." basag ang boses na sambit ni Cane. Namutla si Simone.

"Cane..." kinuha ko ang kamay ni Cane, nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Ayos lang, Cane. Desisyon namin ito at handa kami sa mga maaaring mangyari. Ito ang pinili namin kaya Cane sana hayaan mo kaming pumasok sa mundo mo." nakangiting sambit ko.

"Oo nga, Cane! Tama si Lihtan, hindi mo kailangang mag-alala pa sa amin, hahaha!" -Tenere

"Oo nga, aking binibini." -Taki

'Hayaan mong ikaw naman ang protektahan namin, Cane. Handa akong ibuwis at ialay ang buhay ko para sa’yo' sambit ko sa isipan ko na hindi ko na isinatinig dahil alam kong hindi niya 'yon magugustuhan.

"Then don't kill if unnecessary, huwag kayong papatay basta basta, okay?" tumango kami kay Cane.

Nakikita ko kay Cane ang importansya ng buhay para sa kanya. May prinsipyo at paniniwala sa kahalagahan ng lahat ng bagay.

"Naiintindihan namin, Cane."

"Killing assholes is not that bad." bulong ni Simone, umiling na lamang si Cane at binalik ang atensyon sa bilog na gawa niya.

"Ruso, kung hindi ako nagkakamali ay nasabi mong may lihim na daan na nakakonekta sa Kaharian. Maaari ko bang malaman kung gaano katagal hanggang makarating dito?" tumingin kami kay Ruso na nakatulala sa amin.

"A-Ah tama ka riyan, sampung minuto!"

"Sampung minuto, magaling. Sapat na ang tatlong oras upang mailikas ang mga naroon bago gumawa ng pangwakas na atake ang Heneral ng Tamir." kalmadong hinuha ni Cane at may maliit na ngiti sa labi.

"Sa tingin ko ay kulang ang tatlong oras, marami ang sugatan kung kaya't magiging mabagal ang lakad ng mga ito." -Heneral Ruso

"Wag kang mag-alala, sasamahan ka ng mga kaibigan namin." sagot ni Cane at nakangising tiningnan si Tenere.

"Tenere mukhang maaabala natin sila."

"Hahahaha! Sige, Cane ako ng bahala." nilabas ni Tenere ang kanyang bansi.

Tumugtog ng napakagandang musika si Tenere, makalipas ang ilang minuto ay nakarinig kami ng sigawan sa labas.

"Anong nangyayari?!" -Heneral Ruso

"Nandyan na ang mga kaibigan naming, hehehe." -Taki

"Ang mga onymus ba ang tinawag mo, Tenere?" masayang tanong ko at mabilis na lumabas.

"Anong mga nilalang 'yan?"

"Wag kayong matakot, hindi nila kayo sasaktan." lumapit kami sa mga onymus na umupo nang sabay sabay at yumuko nang makita kami.

Dumami sila lalo.

"Sila ang bubuhat at tutulong sa paglikas ng mga tao sa Dessertum. Maaasahan sila, Ruso."

"Habang nililikas niyo sila ay kami na ang bahala sa pagpigil sa mga kawal ng Tamir at upang mas mabigyan kayo ng oras na payapang mailikas ang mga mamamayan ng Dessertum."

"Isasama ni Heneral Gori ang kalahati ng bilang ng mga dala niyang kawal, kaya naman kayo ang pipigil sa limampung libong kawal na nakatago, Simone, Lihtan, Tenere at Taki."

"Kukunin ko ang atensyon ng kanilang Heneral, hihintayin ko kayo gaano man katagal."



Nakita namin ang pagputok sa kalangitan.

"A-Anong nangyayari?!" naguguluhang tanong ni Heneral Gori dahil walang lumabas na kawal mula sa pagkakatago.

"Wala na sila." sagot ko rito dahil mukhang walang may balak na sagutin siya.

"Anong ginawa niyo?"

"Nag-atrasan sila."

Napabuntong hininga ako dahil naguguluhan pa rin ako kung bakit ganoon.

Nagtatakang lumingon sa amin si Cane.

"ANO?!" gulat at hindi makapaniwalang sigaw ni Heneral Gori.

Di ko maiwasang mapasimangot sa lakas ng boses niya. Di ko siya pinansin at binalik ang tingin kay Cane.

Binaba ni Cane ang espada niya at humarap sa amin na takang taka.

"Di rin namin maintindihan kung bakit, Cane. Basta na lamang sila umatras nang malaman ang kakayahan namin at kilala nila tayo!" paliwanag ni Tenere.

"Great, we are wanted, sikat na sikat tayo." -Simone

"Binuhat ko yung puno, Cane." kwento ko.

"Sinipa ko sila, natakot siguro sa sobrang taas." -Tenere

"Nagulat yata sila, aking binibini na nasa likuran nila ako, hehehe." -Taki

"Huh? Weird." nakangusong komento ni Cane at napakamot sa kilay.

Binalik niya ang tingin sa Heneral na kalaban niya.

"Kilala mo kami?" tanong niya rito.

Napalingon kami sa Hari ng Dessertum, kay Haring Adams dahil sa paghalakhak nito.

"Ang binibining may pulang buhok, ang pumaslang sa malupit at sakim na Kapitan ng mga Hidalgo, ang nagligtas sa Prinsipe ng KIN Palacio, ang apat na halimaw na kasama nito na may pambihira at natatanging kapangyarihan. Ang nagligtas sa Mysterium, Hideus at Hydor. Ang misteryosong grupo na kinikilalang bayani at tagapagligtas. Ang grupong pinagkaka-interesan at gustong makita ng lahat. Sinong hindi makakakilala sa inyo?"

"Ang pumaslang kay Kapitan Hidalgo!"

"Ang 'Ang Anghel ng Kamatayan at ang apat nitong Halimaw!"

"Sila nga!"

"Ang ating tagapagligtas!"

Nagkatinginan kami nina Taki, Tenere at Simone. Nakita namin si Cane na seryosong nakatingin sa mga kawal, tulad kanina ay parang hindi nagulat nang lumuhod si Haring Adams sa kanya dahil parang sanay na sanay na siya sa ganitong senaryo, na binibigyang galang. Taas noo at hindi kumukurap na nakatingin ito sa lahat ng kawal na nagsiluhuran.

Ganito rin ba sa lugar na pinanggalingan mo, Cane?

"Binibining Cane..." hinihingal na dumating si Ruso at tumango sa amin, mukhang nailikas na nila ang lahat at nadala sa kuta.

"Ikaw na ang bahala sa kanila." kalmadong utos niya kay Ruso at tumingin sa Hari, Prinsipe at Prinsesa ng Dessertum.

"Bakit kailangan naming umalis? Hindi ba’t hindi na sila lulusob pa?" naguguluhang tanong ni Prinsesa Alissa na sakay ng onymus.

Napabuntong hininga si Cane.

"Makinig na lamang tayo sa kanya, Alissa. Tayo na." sambit ni Haring Adams.

"Binibini, Ama, nais kong manatili." sambit ni Prinsipe Rodolpo na hindi inaalis ang tingin kay Cane.

Nagtagal ang tingin ng Hari sa anak niya at tumango na parang may nalaman at ngumisi sa anak at tumango.

Nang makaalis ang mga ito ay muling humarap si Cane sa mga kawal.

"Hahahahahaha. Mga hangal! Sa tingin niyo ba'y bubuhayin kayo ng ating Hari oras na bumalik kayo?" -Heneral Gori


Heneral Gori’s Point of View

Nakita ko ang takot na bumalot sa mga kawal ko, napangisi ako ako dahilan para mapadaing ako sa sakit nang humigpit ang pagkakatapak ng taong nasa likuran ko.

Mariing tiningnan ko isa isa ang apat na kasama ng napakagandang binibini na nasa harapan ko. Nakatingin sila rito na parang naghihintay ng salita o kahit anong utos nito.

Muli ay nagkatinginan kami ng binibining may pulang buhok at tumabingi ang ulo na pinagmamasdan ako. Napalunok ako sa mapanuring mga mata nito na parang hinihigop na naman ako at malayang nababasa ang buong pagkatao ko, para akong kinukulong.

"Bakit mo ito ginagawa, Heneral Gori?" natigilan ako sa tanong nito, tila naputulan ako ng dila at hindi mahanap ang boses upang sumagot.

Bakit nga ba?

"Anong makukuha mo sa ginagawa mo? Gusto kong malaman, anong nangyari sa’yo, Heneral Gori?"

Nag-iwas ako ng tingin dahil sa kahangalan ng tanong na iyon.

"Gusto mo bang magkaroon ng kabuluhan ang buhay mo sa huling hininga mo?"

Mabilis na binalik kong muli ang tingin dito sa narinig kong tanong nito!

"Ano?!"

Natawa ito nang mahina, sinamaan ko ito ng tingin.

"Sinasabi mo bang wala akong kwenta?!"

"Kung iyon ang pagkakaintindi mo, wala na akong magagawa."

Nagtagis ang panga ko at mas lalo itong sinamaan ng tingin. Pinilit kong makawala sa taong hawak ang mga braso ko mula sa likuran.

"Tss. Di pa ba natin papatayin 'to?" -Simone

"Chill, Simone, magagamit pa natin 'yan, hehehe." -Cane

"Ano bang plano mo sa kanya, aking binibini?" -Taki

"Oo nga, Cane." -Lihtan

"Nag-iinit na 'yung mahal ko, hahaha." -Tenere

Bulungan nila na hindi naririnig ng mga kawal na hanggang ngayon ay nakamasid lang. Hindi ako makapaniwalang pinag-uusapan nila ng ganito ang buhay ko.

"Pahinga muna kayo riyan, nais naming makausap si Heneral Gori." nakangiti pang sambit nito sa mga kawal.

"Nginitian niya tayo."

"Ang ganda niya."

Hinila ako ng mga ito papasok sa isang silid.

"Maupo ka, Heneral Gori." wala sa sariling naupo ako.

"Iwan niyo muna kami, Simone, Lihtan, Tenere at Taki." baling niya sa mga kasama niya na seryosong nakatingin sa akin.

Nang makalabas na ang apat na kasama niya ay nakangiting humarap sa akin ang binibini.

"Ako si Cane." pakilala niya, kahit na nakangiti ito ay kinakabahan pa rin ako. Kinakaban ako sa mas bata sa akin. Sino ba talaga ang binibining ito?

Inikot niya patalikod ang upuan at umupo, tumapat ito sa akin habang nakapatong ang kaliwang palad sa pisngi at mariing tumitig sa akin.

"Totoo bang ikaw ang pumatay kay Kapitan Hidalgo, sa Hari ng mga Pirata?" di ko mapigilang tanong, tahimik na tumango ito.

Napalunok ako sa seryosong paninitig nito. Hindi ko mabasa ang iniisip nito ngunit nasisiguro kong nakakakilabot.

"P-Papatayin mo ba ako?"

Muli itong tumango. Ngumisi ako upang pagtakpan ang paggapang ng takot sa buong katawan ko.

"Malapit nang dumating ang iyong Hari, tama ba, Gori?"

"P-Paano mo nalaman?"

"Binigyan ka ng tatlong araw upang masakop ang Dessertum, at inaasahan nito ang tagumpay mo. Kaya lamang, hindi niya alam na nabigo ka."

"Ano pa bang kailangan mo sa akin? Bakit hindi mo na lang ako pata-"

"Maniwala ka, dapat gumugulong na ang ulo mo kanina pa, kaya lang may iba akong plano para sa’yo. Gagamitin kita laban sa kinikilala mong Hari." walang emosyong sambit nito. Sunod sunod akong napalunok at hindi makagalaw sa kinauupuan ko.

"Kaya kitang paglaruan sa lahat ng paraan na gusto ko, kaya kitang pasunurin nang walang kahirap-hirap na walang anumang pagtutol na nagmumula sa’yo." mahinang humalakhak ito at ngumisi, nakita ko ang pag-itim ng mga mata nito.

"Ano ba talaga ang k-kailangan mo?" kung nagawa nga nitong mapaslang si Kapitan Hidalgo nang walang kahirap-hirap at malabanan ako nang hindi nahihirapan ay napakadali lang para rito na paslangin ako.

Haring Arturo, sa mga oras na 'to ngayon lang ako natakot sa buong buhay ko. Mukhang may nabangga kang hindi mo nanaising kalabanin.

"Alinman sa pamimilian mo ay kamatayan pa rin ang naghihintay sa iyo."

Ngumisi ako, dahil may katotohanan ang sinabi ng binibining kaharap ko.

Wala akong mukhang maihaharap sa aming Hari, lalo na sa oras na malamang natalo ako ng isang babae.

Para akong kumakausap kay kamatayan, Kamahalan...

"Gusto mo bang gumanti sa taong gumawa nito sa’yo?" seryosong nag-angat ako ng tingin ditto.

"Sino nga ba naman ang hindi gustong mamuhay nang normal?" naikuyom ko ang mga kamao ko at tiim bagang itong tiningnan.

"Ilang buhay pa ba, Gori?" tumayo ito at naglakad sa likuran ko at tumapat sa tainga ko.

"Ilan pang inosenteng buhay ang babahid sa espada mong 'yan, Gori?" bulong niya sa tainga ko.


Hurricane’s Point of View

Masama ito, mabilis na lumabas ako sa silid.

"Kailangan na nating umalis." nababahalang sambit ko.

"Anong pinag-usapan niyo?" seryosong tanong ni Simone.

"Paparating na rito ang Hari ng Tamir at hindi lamang siya..."

"-isang malawakang pananakop ang magaganap."

Huminga ako nang malalim.

"Nanganganib ang Hydor, nanganganib si Visal." sabay sabay na sambit nina Lihtan, Tenere at Taki nang nababahala.

Napalingon sa pinto nang bumukas. Niluwa no’n si Heneral Gori.

"Gagawin ko ang lahat upang mapabagal ang paglusob ng mga Hari, upang magkaroon kayo ng oras na magkaroon ng himala na mailigtas ang Hydor at ang iba pang Kaharian." -Heneral Gori

Napangiti ako nang tipid.

"Salamat, Gori." ngumisi ito sa akin.

"Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may nagpasalamat sa akin. Hahaha." -Heneral Gori

Humahalakhak na tinalikuran kami nito at naglakad.

"Tayo na."

Mabilis na may sumalubong sa aming limang onymus, manghang napatingin ako sa kanila.

"Ayos ba?" may himig ng pagyayabang na sambit ni Tenere.

"Tamsap, hehehe." taas ko sa kamay ko at nag-tamsap. Napangisi sila nang sabay sabay.

Hinaplos ko ang malambot na balahibo ng onymus na sinasakyan ko na napakabilis ng takbo.

Makalipas ang higit dalawampung minuto ay nakarating kami sa Hydor. Nakasara ang matayog na pinto nito at agad na nagbigay pugay ang apat na bantay na manghang nakatingin sa amin.

"Ang binibining pula ang buhok!"

"Sila ba ang apat na halimaw?"

"Napakaganda at kisig!"

Bulungan ng mga mamamayan ng Hydor.

Hinihingal na binalingan ko ang mga kawal.

"Kailangan naming makausap ang inyong Hari." seryosong pahayag ko.

"Pagbuksan ang mahalagang panauhin!"

"Ang ating mga tagapagligtas ay narito!"

"Ano ang mga sinasakyan nila?"

"Nakakatakot."

Hinaplos ko ang ulo ng onymus para pakalmahin, hindi naman ako nabigo.

Nasa malawak at magarang silid kami habang hinihintay si Visal. Nasa pulong pa raw ito, marahil ay alam na nila ngayon ang nangyari sa Dessertum.

Tanaw ko sa teresa ang nasasakupan ng Hydor.

Nagtungo ako sa mesa ni Visal at kumuha ng tela at itim na tinta.

Ramdam ko ang pagsunod ng mga mata nila sa ginagawa ko. Nilagyan ko ng tinta ang manipis na gawa sa kahoy na panulat nila at nag-umpisang gumawa ng mensahe.

Pumito ako at agad na pumasok ang lumilipad na si Dino. Tinali ko ang tela na may mensahe kay Dino at tiningnan ito sa mga mata. Ramdam ko ang pagbabago ng mga mata ko at nakita ko na lang na lumipad na paalis si Dino.

Nakita ko ang gulat na reaksyon nila.

"Hindi nga ako nagkamali ng gabing 'yon, nagbago ang kulay ng iyong mga mata." nakangiting sambit ni Visal, ni Haring Visal.

Mabilis na sinugod ako nito ng yakap.

"Nag-iiba ang kulay ng mga mo, aking binibini." tumango ako nang paulit ulit kay Taki

"Namana ko sa aking Ina. May kakayahan akong maghipnotismo, ipinagbabawal sa amin." napapakamot na sambit ko.

"What do you mean?" nag-aalalang tanong ni Simone at hinuli ang magkabilang braso ko.

Ngumiti na lamang ako. Saka ko na haharapin ang parusa ko sa tamang panahon.

Isa itong kakayahan na sa oras na hindi makontrol ay napakadelikado.

"Ayos lang, Simone. Hindi naman mabigat ang parusa."

"And do you think na maniniwala ako?"

"Simone, wag ngayon."

"Ipinapahamak mo ang sarili mo! Walang parusang hindi mabigat!"

Galit na galit siya at pilit na pinapakalma ang sarili.

"Cane, anong ibig sabihin ni Simone?" nag-aalalang tanong ni Lihtan at nilapitan ako. Mula sa pagkakatingin ko kay Simone na ginugulo ang buhok ay napunta kay Lihtan na hawak ang magkabilang braso na tila ingat na ingat.

"Cane, anong sinasabi ni Simone!" salubong ang kilay na sigaw ni Tenere.

"Cane, anong parusa?" seryosong tanong ni Taki.

"Simone! Anong parusa?!" hila ni Tenere sa braso ni Simone.

"Tama na." mahinahong pakiusap ko at napabuntong hininga nang hindi pa rin sila tumitigil.

"Tama na! Tumigil na kayo! Wag kayong magtalo! Tama na!" sigaw ko na nakapagpatigil sa kanila. Napasapo ako sa aking noo.

"Hindi ito ang panahon para magkagulo kayo sa simpleng bagay-"

"Hindi iyon simple, Hurricane!" -Simone

Nanghihinang tiningnan ko si Simone at pagod na tiningnan sila. Para silang natigilan. Tuluyan na silang natahimik.

"Visal, kinakailangan niyo nang lumisan."

"Ha?" tila doon lang siya natauhan.

"Nasakop na nila ang Dessertum, wala silang ititirang buhay sa nasasakupan mo."

"S-Sandali lang, binibining Cane. Hindi ko maintindihan. Kaya naming labanan ang Tamir, lalaban kami."

"Hindi niyo kakayanin ang atake ng limang Hari, Visal."

Napaatras ng isang hakbang si Visal.

"Hindi nag-iisa si Haring Arturo, Visal."

"P-Papaanong... Hah, hindi..."

"Wala nang panahon." tinapik ko ang magkabilang balikat niya.

Bahagyang natigilan ako nang makita ang samu't saring emosyon na naglalaro sa mukha ni Visal. Nang ibalik ko ang tingin kay Simone, Lihtan, Tenere at Taki ay ganoon rin.

Napabuga ako ng hangin at pumikit nang mariin. Ano bang nagawa ko? Hindi ko namalayang nawala ako tamang isip at nasigawan pa sila. Naguguluhan sila, mabilis ang mga pangyayari pero heto ako at nagawa silang hindi intindihin.

"P-Pasensya na kayo, hindi ko sinasadyang masigawan kayo."

"Alam mo, Cane..." napatingin ako kay Lihtan dahil sa pagngiti niya "...ngayon ka lang namin nakitang nalito at tila hindi makapag-isip nang maayos, ngayon ka lang sumigaw ng ganoon." napakurap kurap ako sa sinabing 'yon ni Lihtan.

"Oo nga, aking binibini, parati kang kalmado at kalkulado ngunit ngayon para kang nawala sa sarili. Gusto ko pang makita ang iba pang emosyon mo na hindi pa namin nakikita." napanganga ano sa sinabi ni Taki.

"Marunong ka pala mataranta, Cane, hahaha." dagdag pa ni Tenere.

Napangiwi at sa huli ay napanguso ako. Nginisihan lang ako ni Simone, pero halata pa rin dito ang pagkabalisa. Totoong hindi biro ang parusa sa mga lumalabag sa amin. Haharapin ko 'yon, anuman iyon. Nag-iwas na lang ako ng tingin.

"Tama sila, binibining Cane." hinarap ko si Visal.

"Visal..."

"Gagawin ko ang lahat upang protektahan ang nasasakupan ko at Cane. Ibig kang makausap ng aking Ama."

Tumango ako.

"Salamat." nang mawala na si Visal sa harapan namin ay ang siyang pagpasok ni Haring Damon.

Seryoso ang mukha nito at nalipat ang tingin sa likuran ko.

"Hindi ko alam na apat pala ang halimaw." nakangising simula nito, habang nakatingin kay Simone na ngumisi rin.

"Ngayon alam mo na."

Pfft~!

Nagtatakhang tiningnan ako ni Haring Damon dahil sa hindi nakatakas na bungisngis ko.

"Bumubuga po siya ng apoy, ingat kayo." napaatras bigla si Haring Damon. Hahaha.

Huminga ako nang malalim at nagseryoso na.

"Nais niyo raw akong makausap."

"Ikaw ang anak ni Eros at Eve."

"Tama, ako nga."

"Bakit ka narito?"

"May misyon ako rito."

"Anong misyon?"

Napansin kong interesado rin ang mga nasa likod ko, maging si Simone. Napabuntong hininga ako at umiling.

"Nandito ka ba upang alamin 'yon? Sa tingin ko'y hindi, Haring Damon." seryosong sambit ko.

Ito naman ang hindi makasagot.

"Napaka-aliwalas ng iyong mukha, na para bang walang digmaang paparating...na kaunting oras na lang ay paparating na sina Haring Arturo. Ngayon, sabihin mo sa akin, anong pangako ang binigay nila sa’yo?" walang emosyong sambit ko na nakapag-awang sa labi nito.

Ngumisi ako rito.

"Tingnan natin kung gaano makatotohanan ang pangako nila sa’yo. Hindi ako narito para sa’yo, narito ako para sa mga inosenteng taong nasa ilalim ng bawat Haring tulad mo." nilampasan ko ito ngunit bago kami umalis ay nag-iwan ako ng impormasyon.

"Sina Haring Valdemore at Reyna Dalya." kita ko ang pagkaputla nito.

"...nabigo ka, Haring Damon. Masaya sila ngayon at kontento, matalino sila para hindi piliin ang maghiganti at bawiin ang dapat na kanila. Napakahusay ng iyong kapatid na si Haring Valdemore, hindi ba?" iniwan ko itong bumagsak sa kinatatayuan.

Paglabas namin ay nakita namin ang nagkakagulong nasasakupan ng Hydor.

"Ayan na sila!" sambit nila nang masilayan kami. Nakita ko si Visal na mabilis kaming nilapitan.

"Binibining Cane." -Haring Visal

"Anong nangyayari?" tanong ko.

"Ang iba sa kanila ay ayaw umalis." -Haring Visal

Hinawakan ko ang batok ko at minasahe, hahakbang na sana ako para humarap sa mamamayan ng Hydor nang may pumigil sa kanang braso ko.

"Taki..."

"Kami ng bahala, Cane." seryosong sambit ni Taki, natigilan ako dahil seryoso talaga siya, sila.

Iniwan nila ako sa tabi ni Visal na tulad ko ay nagulat.

Anong gagawin nila?

Natahimik ang lahat, sinuyod ko ang mga mata ko sa dagat ng mga tao at natigilan nang may mahagip ang mga mata ko.

"Anue Knight." sambit ko sa pangalan nito, nagsalubong ang mga mata namin, hahakbang na sana ako pero mabilis itong tumalikod matapos akong ngitian nang makahulugan.

Hindi siya mukhang bata, tulad ng una naming pagkikita. Hindi ako maaaring magkamali, kung ganoon, hindi siya umalis.

"Nasa gitna tayo ng digmaan. Isang digmaan na hindi matatakasan, isang digmaan na kikitil sa maraming buhay." narinig kong simula ni Taki sa seryoso at malalim na tinig.

Napalingon ako sa kanila at hindi ko mapigilan at maiwasang mamangha dahil heto ako ngayon nakatayo at nasasaksihan ang malaking pagbabago sa apat na lalaking malaki ang parte sa buhay ko.

Parang ngayon ko lang napansin at napagtanto iyon.

Malayong malayo na sila sa unang beses na matagpuan at makilala ko sila.

Anong nabago?

Ano nga ba, Hurricane?

Tinatak ko ang imahe nila sa isipan ko, silang apat na magkakatabing nakatayo sa harapan ng marami, hindi natitinag. Matatag ang tindig, may mataas na kompyansa. Kahit na ganoon, makikita at mararamdaman ang busilak nilang hangarin.

Para silang bagong salitang 'Pinuno' na dapat mong pakinggan.

Simone.

Lihtan.

Tenere.

Taki.

Nakahanda na ba kayo sa tatahakin nating landas? Na mas higit na madilim, higit pa sa inaakala ko...

"Lagi silang sumusunod sa’yo, ngunit ang totoo ay ang kagustuhan nila ang sinusunod mo. Napakapalad nila sa’yo, binibining Cane." sambit ni Visal sa tabi ko.

"Lagi ka nilang gusto protektahan, ngunit ikaw ang parating gumagabay sa kanila. Lagi mong iniisip ang makakabuti sa kanila."

"Habang nasa malayo sila, nakatingin ka sa kanila nang palihim, naniniguradong masaya at maayos sila nang hindi nila alam."

Sinulyapan ko si Visal na diretso ang tingin sa harapan habang nanatili akong tahimik na nakikinig.

"Iyon ang nakita at napagtanto ko nang makasama ko kayo. Sabihin mo sa akin," lumingon siya sa akin, diretso sa seryoso kong mukha.

"...bakit?" tanong niya.

Nanatili akong nakatingin sa kanya.

"Saan mo nakukuha ang tapang, paninindigan at prinsipyo mo? Sino ka ba talaga?"

"Alam ko ang pinaglalaban ko." simpleng sagot ko makalipas ang mahabang katahimikan at hindi ko pagsagot dito.

Binalik ko ang tingin sa harap ko at buong atensyong pinakinggan ang bawat makahulugang pinapahayag nilang apat na dapat bigyang atensyon.

"Maraming buhay na ang nasayang, daan daan at hindi na mabilang, sana ay matulungan niyo kaming hindi na madagdagan ang buhay na nasawi at mawakasan ang digmaang paparating." -Lihtan

Napangiti ako sa sinabi ni Lihtan. Sinong mag-aakala na ang sobrang tahimik, takot sa mundo at matakaw na ito ay isa nang kahanga-hangang tao.

"Hinihingi namin ang inyong kooperasyon na sumunod sa amin sa ligtas na lugar, malayo sa digmaang maaaring maganap anumang oras. Sana ay pagbigyan niyo kami." -Tenere

Bahagyang yumuko si Tenere.

Si Tenere na ba talaga ito?

Nalipat ang tingin ko sa huling magsasalita. Nakatingin siya sa akin nang diretso.

"Sa mga kawal, maaari kayong umalis kasama ng lahat, malaya kayong sumama sa mga pamilya niyo o mahal sa buhay at sa iba sa inyong mananatili at walang takot na ibubuwis ang buhay upang ipaglaban ang buong Hydor ay lubos namin kayong pasasalamatan." -Simone

Ang alam ko lang ay nakatayo ako at nakatingala sa kanilang apat habang dumadagundong ang nakakabinging sigawan sa buong Kaharian ng Hydor.

Ang buong paghanga nila sa apat na halimaw.

Nabago natin ang kwento, di ba?

Hindi na tulad ng noon ang kwento sa inyo.

Hindi isang sumpa, hindi isang malas. Isa na kayong kinikilalang mabuting tao.

Halimaw man ang tawag sa inyo ay mas nangingibabaw ang paghanga nila sa inyo bilang mabubuting tao.

Isang tagapagligtas ang tingin sa inyo. Masarap pakinggan pero mabigat na salita. Mabigat na suliranin, pero hayaan niyo, gagawin ko ang lahat upang gabayan kayo sa bawat hakbang na tatahakin niyo at sa lahat ng desisyon niyo.

Gaano man kadilim.

"Ang mga mananakop nandito na!! M-Malapit na sila!!!" balita ng humahangos ng mga kawal.

"Umalis na kayo, Kamahalan." marahang sambit ko kay Visal.

"Hindi ako aalis." narinig kong sambit ni Haring Daimon mula sa likuran ni Visal.

"Ama!!" galit na sigaw ni Visal dito, nakita ko si Prinsesa Feya na balisa sa tabi nito.

"Hindi ako aalis, h-hindi nila ako sasaktan!" -Haring Daimon

"Hanggang sa huli ay ang sariling ambisyon mo pa rin ba ang mahalaga sa’yo kaysa sa amin?" tanong ni Visal.

Hindi makasagot si Haring Daimon, hanggang sa tinalikuran na siya ni Visal habang hila ang kapatid na Prinsesa.

"Ahiya!! Ahiya!!"

"Cane? Nasaan si binibining Cane?"

Narinig kong pamilyar na malakas na boses sakay ng kabayo.

"Tasyo, Kasmar?" mabilis na lumapit sila sa akin, kasabay ng paglapit nina Simone, Lihtan Tenere at Taki.

"Anong ginagawa niyo rito?" naguguluhang tanong ko.

"Nang matanggap ng aming Reyna Yuka ang liham na pinadala mo ay mabilis niya kaming inutusan na magtungo rito upang protektahan ka. Naghahanda na ang Mysterium sa nalalapit na digmaan!" matapang na sambit ni Kasmar.

"Sabihin mo lang ang ipag-uutos mo, binibining Cane! Kahit ano ay susundin namin!" seryoso ring sambit ni Tasyo.

Tipid na tumango ako at seryosong hinarap sina Simone, Lihtan, Tenere at Taki.

"Mapagbibigyan niyo ba ako sa hiling ko ng hindi tumututol?" marahang sambit ko at ngumiti.

Hindi sila sumagot, seryoso lang silang nakatingin sa akin na parang alam ang gusto ko iparating.

"Maaasahan ko ba kayo? Maaari ba?" kalmadong tanong ko pa.

"Cane, di ka namin iiwan dito." unang tutol ni Lihtan at paulit ulit na umiling at hinuli ang magkabilang braso ko.

"Kailangan niyo silang protektahan, ang lahat dahil may tiwala ako sa inyo." dumausdos ang mga kamay ni Lihtan at pinigilang hindi lumabas ang luha na namumuo sa mga mata niya.

"Cane, wag ganito. Sabi mo, di mo kami iiwan?" seryosong sambit ni Taki na bumagsak ang luha.

Pinilit kong hindi magpakita ng emosyon.

"Hindi ko kayo iiwan dahil babalik ako sa inyo. Pangako 'yan, Taki."

"Wag mong gawin ito, Cane." tutol din ni Tenere na nag mamakaawa ring nakatingin sa akin.

"Nakasalalay sa inyo ang maraming inosenteng buhay ng KIN Palacio, Hideus, Mysterium, Hydor at Dessertum. Iligtas niyo sila para sa akin, maaari ba ninyong tanggapin ang hiling ko?"

Nalipat ang tingin ko kay Simone. Matalim ang matang nakatingin sa akin at suminghap.

"Wala talagang makakapigil sa’yo oras na magdesisyon ka na. Alam mong ang salita mo ang batas ko, bakit kailangan mo kaming saktan nang ganito? Paano kami?" malamig na tanong ni Simone at tinalikuran ako.

"Salamat, Simone, Lihtan, Tenere at Taki..." bulong ko habang labag sa loob nila na humakbang paalis.

Ngunit sabay sabay silang huminto at tumingin sa likuran ko kung saan nakatayo si Tasyo at Kasmar.

"Hihintayin ka namin, oras na mainip kami. Kahit na magalit ka, kami ang pupunta sa’yo, Cane!" sigaw ni Taki nang seryoso.

"Naiintindihan mo 'yon, Cane?" malakas na tanong ni Tenere.

Nanatiling tahimik sina Simone at Lihtan na nag-aabang din sa sagot ko.

"Naiintindihan ko! Mag-iingat kayo. Payting!" sigaw ko sa mga ito.

"PAYTING!"

Nasisiguro kong makikita at makakasama ko pa sila ngunit sa ngayon ay may kailangan akong gawin.

Nang tuluyan na silang makaalis para samahan at protektahan ang buong nasasakupan ng Hydor ay huminga ako nang malalim at hinarap si Kasmar at Tasyo.

"Bakit kailangan mo magpaiwan, binibini?" takang tanong ni Kasmar.

Huminga ako nang malalim at seryoso silang tiningnan.

"Kailangan mapabagal ang pag-atake upang magkaroon ng sapat na oras upang mailikas nang ligtas ang lahat." bahagyang napasulyap ako kay Haring Daimon na tumatakbo na para bang sasalubungin ang mga mananakop.

Tanging si Haring Arturo na Hari ng Tamir pa lamang ang kilala kong mananakop. Liban sa iba pang mananakop ay wala pa akong ideya at iyon ang gusto kong alamin ngayon. Isa sa mga dahilan ko na rin para magpaiwan at makita kung anong klaseng Hari ang mga ito.

"Paano mo magagawa 'yon? Aaminin kong malakas at magaling ka sa pakikipaglaban ngunit hindi mo kakayanin ang batalyong kawal na susugod ngayon! Umalis ka na lamang, kami ang bahala sa’yo." sambit pa ni Tasyo.

"Sarili niyong kaligtasan ang dapat niyo'ng isipin, Tasyo. Nakahanda ba talaga kayong sayangin ang buhay niyo?" walang emosyong tanong ko at nilagpasan sila at huminto nang makatatlong hakbang.

"...kung oo, ay hindi ko kayo pipigilan." patagilid na lumingon ako sa kanila.

"Hindi mo kailangang tanungin pa 'yan, binibini! Isang karangalang makasama ka sa laban na ito!" napangiti ako sa sinabi ni Kasmar, sunod kong tiningnan si Tasyo.

"Makakaasa ka, binibini." tumango ako sa kanila.

"Maaasahan mo rin kami, binibining Cane!" pugay ng mga nanatiling kawal.

"Magaling! Maraming salamat sa inyo." matapos kong sabihin 'yon ay bumukas ang higanteng pinto ng Hydor.

At nasilayan ng mga mata ko ang dahan dahang pagbukas ng higanteng pinto at ang libo-libong mga kawal, napakarami...hindi mabilang.

Hindi man magsalita ang mga nasa likuran ko ay ramdam ko ang nanginginig sa takot na paghinga nila. Itinaas ko ang kamay ko, tanda para huminto sila.

Humakbang ako, sa likuran ko ay nakasunod si Tasyo at Kasmar.

Ramdam ko ang lahat. Ang mabibigat na presensya ng mga Hari, ang kanilang mariin na tingin kasama ng mga Prinsipe na nasa likuran din nila. Huminto ako di kalayuan sa nagwawalang si Haring Daimon.

"A-Anong ibig sabihin nito?!" tanong ni Haring Daimon nang dakpin siya ng mga kawal.

Walang sumagot sa kanya dahil nanatili ang atensyon ng mga ito sa akin.

Dumaan ang hangin, nilagay ko ang magkabilang kamay ko sa aking likuran, diretsong tumayo at marahang pumikit habang sumasayaw sa paglipad ang mahaba kong buhok.

Gaano man ito kasariwa ay may masangsang na naiiwan na nagmumula sa libo-libo at hindi mabilang na mga kawal na nagmumula sa mga hawak nilang armas, ang mga dugo na tumutulo pa sa kanilang mga espada.

Sa pagdilat ko ay sinalubong ko ang seryoso nilang mga tingin suot ang walang emosyong kong mukha.

Sa wakas, nakita ko na ang mga natitirang Hari at nararamdaman kong ito na ang pinakamadilim na simula.

Nararamdaman ko. Nararamdaman ko.

Mafia Heiress Possession: Hurricane ThurstonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon