Pahina 4

39.3K 1.4K 39
                                    

Pahina 4
First Monster

Tinanggal niya ang suot na maskara at naghilamos sa sapa. Pinagmasdan niya ang repleksyon sa tubig.

Mabilis na nahuli ng kamay niya ang malaking isda. Ang isdang nahuli niya ang magiging tanghalian niya. Pumutol siya ng manipis na sanga at tinusok sa isda. Nagsimula siyang gumawa ng apoy sa isang kweba na pahingahan niya o pansamantalang tirahan.

Matyagang hinintay niyang maluto ang isda, habang nakatingin dito ay bumalik sa isip niya ang nangyari noong isang araw. Ang pagkapit ng batang babae sa kanya. Mabuti na lang ay hindi hinawakan ng batang 'yon ang kamay niya.

"Twit twit" huni ng alaga niyang itim na kalapati na kasama niya mula pa nang magkaisip siya.

"Dino." Tawag niya sa pangalan ng kalapati niya. Binigyan niya rin ito ng nahuli niyang isda at sabay na kumain.

"Ayos lang kaya siya?" Mahinang tanong niya sa sarili. Bumalik sa isip niya ang nangyari bago niya maharap ang mga bandido.

Tahimik siyang umiinom ng binili niyang alak ng biglang...

"Hoy, anong ginagawa ng tulad mong malas dito?" Hindi niya pinansin ang tanong ng lasing na lalaki at muling tumikim ng alak. Bago sa kanya ang lasa dahil unang beses niya itong matikman.

Parang umiikot ang tiyan niya at kahit na kakaiba ang lasa ay gusto niya pa ring uminom. Naging kuryoso siya dahil may narinig siyang nag-uusap tungkol sa 'alak' na nakakalimot daw ito ng problema at nagbibigay saya at ibang pakiramdam. Sinundan niya ng palihim ang nag-uusap na 'yon hanggang sa makita niyang pumasok ang mga ito sa kubo kaya sumunod siya hanggang sa ito na ang sitwasyon niya.

"Hoy! Tinatanong kita!" Nag-init ang ulo niya at parang nagdilim ang anyo ng makita ang pag-agaw ng lalaki sa alak niya. Takot na nanonood ang ibang nag-iinuman at lumayo.

Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib. Bakit hindi pa siya nasanay sa trato ng mga ito sakanya? Pinandidirian at kinatatakutan. ‘Yan ang laging tingin na ibinibigay sa kanya.

Hindi niya maintindihan dahil sa nakita niya ay mas lalong uminit ang ulo niya at hinawakan sa leeg ang gumugulo sa kanya at inihinagis. Nasira ang dingding ng kubo dahil sa lakas ng hagis niya. Dinampot niya ang bote ng alak at lumabas. Doon ay nakita niya paglayo ng mga mamamayan. Binuhos niya ang galit sa gumulo sa kanya at sinapak. Pag-angat niya ng tingin ay nahagip ng madilim niyang mga mata ang batang babae na may luha sa mga mata at ang mga matang 'yon ay sumisigaw ng 'tulong' sa kanya. Tila natauhan siya at nang makita niya ang kalagayan ng bata ay binato niya ang bandidong may hawak dito.

Nang mapabagsak na niya ang mga bandido ay umalis na siya.

Napatigil siya sa pagmumuni ng maramdaman niyang may nawawala sa kanya! Natatarantang nilibot niya ang tingin.

Hurricane’s Point of View

Pagmulat ko ng mga mata ko ay ako na lang ang mag-isa sa silid. Nasaan si Simone? Kinusot ko ang mga mata ko. Bumangon ako at napagtanto kong nasa pirate ship kami. Pumasok ako sa palikuran nila at naghilamos. Nakita ko sa hinigaan ni Simone ang pamalit kong damit. Napangiti ako dahil sinaunang-sinauna talaga ang estilo. Dirty-white ang kulay, hanggang sa pulso ang haba ng manggas, at ang pang-ibaba ay mahaba rin. Binigkis ko ang kulay itim na tela sa baywang ko at tinupi hanggang siko ang mahabang manggas. Sinuklay ko ang hanggang baywang kong buhok at hinayaang nakalugay.

Mafia Heiress Possession: Hurricane ThurstonWhere stories live. Discover now