Pahina 43

24.3K 1.2K 327
                                    

Pahina 43: Unveil
Part One


Hurricane’s Point of View

Binuksan ko ang mga mata ko nang makarinig ng sunod sunod na singhap.

"Sino ka? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Sasaktan mo ang aking binibini?!" walang emosyong sambit ni Taki. Si Taki...ayon na naman ang mga mata niyang singtingkad ng dugo ang kulay ng mga mata at ang bagsik ng mga mata niya.

"Magsalita kayo!" mariing bulong ni Taki. Nalipat ang tingin ko sa mga hawak nila sa leeg na nanginginig sa takot.

"Inutusan ba kayo ng Hari upang patayin ako?" tanong ko habang tinatanggal ang kumot ko at tumayo nang diretso.

Nagkatinginan ang mga ito at hindi sumagot.

"What the-?" tiim-bagang na sambit ni Simone nang isa isang bumagsak ang mga bihag nila at nawalan ng buhay.

"N-Nagpakamatay sila?" di makapaniwalang tinig ni Lihtan.

Lumabas ang dugo sa mga bibig ng mga nasa lapag. Nagpakamatay sila sa pamamagitan ng pagkagat sa sarili nila at pagpapatigil ng sarili sa paghinga. Hindi na bago sa akin ang nakikita kong ito at kay Simone maliban na lang kay Lihtan, Tenere at Taki na hindi pa rin makapaniwala sa nasaksihan.

"Nagsisimula na silang kumilos." tumango ako sa sinabi ni Tenere na mukhang naunang natauhan.

"Ganoon na nga. Inaasahan ko na rin ito. Sa pagsapit ng liwanag ay magsisimula na silang umatake at hindi nila magagawa nang matagumpay iyon kung nakikita nilang isa akong hadlang." seryosong sambit ko habang nakatingin sa mga walang buhay na nasa lapag.

"Those fvckers, I'll kill them."

"Simone, ganito talaga ang mangyayari sa simula pa lang. Mula nang ipanganak ako, lagi namang ganito." buntong hininga ko at sumulyap sa maliit na bintanang bukas at tipid na ngumiti.

"Maraming hindi matatahimik hangga't humihinga ako."

"At hindi 'yon mangyayari hangga't narito kami, Cane." seryosong kawakasang pahayag ni Lihtan. Humarap ako sa kanilang apat.

"Oras na lumabas tayo sa silid na ito, isang madilim at madugong daan ang tatahakin natin. Hindi lang isa, dalawa kundi walang katapusang kamatayan ang mga nakaabang. Gusto kong ihanda niyo ang mga sarili niyo. Hindi man tayo magkakasama, magpakatatag kayo dahil sa dulo ng lahat ng ito, magkakasama tayo." naramdaman ko ang paghangin nang malakas nang sambitin ko ang mga salitang pinahayag ko sa mga ito.

"H'wag kang mag-alala, Cane. Magiging maayos din ang lahat. Matatapos din ito." sinserong ngiti ni Tenere.

Tumango ako at sinuklian ang ngiting binibigay nila.

"Pingke-twer."

"Pingke-twer!"

Sunod sunod na pagsabog ang narinig namin.

Mukhang hindi na namin kailangan pang buksan ang pinto dahil sila na ang gumawa ng paraan.

"Binibining Cane." nakangiting bati ni Haring Esteban, nasa likuran niya ang ibang Hari.

"Hindi mo nasabing may mga bisita ka." tukoy niya sa nasa likuran ko.

"Hindi ka nagtanong." simpleng sagot ko. Gumuhit ang inis sa mukha nito.

"Hah! Sila ba ang mga halimaw mo?" nasisiyahang tanong ni Haring Arturo. Kumunot ang noo ko sa tingin na ibinibigay nito. Tinaliman ko ito ng tingin.

"H'wag mong ibuka ang bibig mo. Umiinit ang ulo ko." inis na sambit ko.

"Lapastangan!" nanlalaki ang mga matang sigaw nito na hindi makapaniwala sa narinig.

"Heh." ngisi ko, nawalan ng emosyon ang mga mata ko. Di ko talaga gusto ang mga tingin na binibigay nila sa mga nasa likuran ko.

"Di niyo ba narinig ang sinabi ko? Wag niyong tingnan ang mga kasama ko." mariing banta ko at mariing hinawakan ang espada ko.

"Nasaan na ang pagiging kalmado mo, binibini?" halakhak ni Haring Esteban.

"Ang dami mong tanong." bagot na sagot ko.

"Ano?!"

Nginisihan ko ito. Ang bilis naman inisin, walang thrill.

"HESTER! TAPUSIN MO ANG PANGAHAS NA BINIBINI!" nag-uumapaw sa galit na utos ni Haring Esteban.

"Masusunod!" -Haring Hester

Hahakbang na sana ako nang...

"Lihtan?" gulat na sambit ko dahil nilagpasan ako nito at tumapat kay Haring Hester

"Ako ang haharap sa kanya, Cane. Maaari ba?" tanong ni Lihtan.

"Lihtan..." bahagyang ginilid niya ang ulo niya.

"Maaari ko bang pakawalan ang kakayahan ko, Cane?" humihingi ng permisong tanong ni Lihtan. Napalunok ako at sumagot

"Lihtan, hinahayaan kitang ilabas ang kakayahan mo nang walang pagpipigil."

Nakita ko ang pagkislap ng seryosong mga mata ni Lihtan.

"Masusunod, Cane." tipid na ngisi ni Lihtan...

Ngisi? Ngumisi si Lihtan? Namamalikmata ba ako?

"Gusto ko sanang tumabi kayo, Cane." sambit ni Lihtan nang seryoso.

Ha? Bago pa ako maka-react ay naramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni Simone sa baywang ko at paglapag namin sa labas ng palasyo. Nanlaki ang mga mata ko nang gumuho ang parte ng silid na tinutuluyan ko.

"Mukhang desidido si Lihtan ah?" nguso ni Taki.

Natulala ako nang tuluyang mahati sa dalawa ang palasyo.

Si Lihtan...ang may gawa no’n?

Unti-unting nawala ang makapal na hangin na humahalo sa gumuhong palasyo at doon ay nakita namin si Lihtan na nakatayo. Sa harapan ni Lihtan ay nanatiling nakatayo ang limang Hari.

"Talaga namang kahanga-hanga ang mga tulad mo. Mas malakas ka kaysa sa mga kauri mo." ngisi ni Haring Esteban.

Kauri?

Nakita kong nanigas sa kinatatayuan si Lihtan.

"Anong ibig mong sabihin?" seryosong tanong ni Lihtan at kumuyom ang mga kamao.

"Hanga talaga ako kay Dino, nagawa ka niyang itago sa mahabang panahon. Tulad mo, kahanga-hanga ang lakas ng iyong ama." halakhak ni Haring Esteban.

Naestatwa ako sa narinig ko.

"Shit. That asshole." gigil na singhap ni Simone na hindi rin makapaniwala.

"Ang tinatawag ni Lihtan na Dino ay..." tulalang sambit ni Tenere na hindi malaman kung paano dudugtungan ang sasabihin.

"Lihtan..." sambit ni Taki na hindi rin makapaniwala.

Nakayuko si Lihtan at ramdam namin ang mabigat na pwersang nakapalibot dito.

"Anong ginawa mo?" seryosong tanong ni Lihtan.

"Hahahahaha. Malaki ang pakinabang ng iyong ama sa amin."

"Anong ginawa mo sa kanya!" sumugod si Lihtan na mabilis na hinarangan ni Haring Hester.

"Wag mo kalimutang ako ang kalaban mo."

"Haa!" lumipad sa malayo si Haring Hester sa lakas ng pagtama ng kamao ni Lihtan sa mukha nito

Hindi kapani-paniwalang nakabangon pa si Haring Hester sa katawan nitong lasog lasog at nasaksihan namin ang pagbalik sa normal ng katawan nito na parang hindi naapektuhan sa atakeng ginawa ni Lihtan.

May mga naglabasang kawal at pumalibot sa amin. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa bilang ng mga kawal na nakapaikot sa amin.

"Tama ang nasa isip mo, binibini. Naroon na sila upang pabagsakin ang mga Kahariang pino-protektahan niyo..." nakangising sambit ni Haring Arturo.

"Hahahahahaha! Uubusin namin silang lahat! Nabigla ka ba? Hindi kita masisisi, akala mo ba'y dahil sa’yo kaya kami umatras at pumayag? Isa kang hangal!" halakhak ni Haring Arturo.

"Hindi ka makapagsalita? Akala mo ba'y mauuto mo kami dahil sa angkin mong ganda at kakayahan?" pang-uuyam pa nito.

"Hindi ka pa tapos?" bagot na tanong ko.

"A-Ano?" namumula na ito sa galit dahil sa pagngisi ko.

Pinitik ko sa ere ang dalawang daliri ko at naglabasan ang maraming bilang ng aming Assassins, Reapers at Ninjas.

"Young Goddess!" pagbibigay pugay ng mga ito na naglabasan sa iba't ibang direksyon.

Natigilan ang mga Hari at umawang mga bibig.

"I order you under the name of your Young Goddess, Hurricane Henderson-Thurston. ELIMINATE THE ENEMY BEFORE YOU!" walang emosyong pahayag ko.

"We hear and obey, Young Goddess!"

Pinanood ko ang pagbagsak ng mga kawal ni Haring Esteban na natigilan.

"P-Paanong?" bulasbas na singhap ni Haring Arturo.

Nang maubos ang mga kawal...

"I want you all to go and secure that place." sambit ko nang hindi pinuputol ang tingin kay Haring Esteban na tiim-bagang.

"As you wish, Young Goddess!"

Mabilis naglaho ang mga ito.

"Kung ganoon ay pinadala mo ang mga alagad niyo sa aming teritoryo?" -Haring Arturo

"..." hindi ako sumagot at ngumisi lang.

"Isang deklarasyon ito na kinakalaban ng inyong bansa ang aming teritoryo." seryosong sambit ni Haring Esteban.

"Ang laban na ito ay sa pagitan natin lamang, sino ka para mag-desisyon?"

"Dahil ako ang Hari ng lahat! Ako ang panginoon ng lahat ng naririto! At kayo ay mga pangahas!" -Haring Esteban

"Hari ng lahat? Aaah. Iyan ba ang tawag mo sa sarili mo? Marunong ka pala magbiro, magaling. Hindi ako natawa, pangit ng joke mo ah." palakpak ko pa na siyang kinadilim ng mukha nito.

Narinig ko ang hagikhik sa likuran ko.

Sinulyapan ko si Lihtan na nakayuko pa rin.

"Lihtan..." parang wala ito sa sarili at hindi ako narinig.

"LIHTAN!" sigaw ko na siyang nakapagpabalik sa diwa nito, nag-angat ng tingin si Lihtan sa direksyon namin.

"C-Cane..."

Sumalubong sa mga mata ko ang maraming emosyon na naglalaro sa mga niya.

Gulat, pagkalito, galit, lungkot at hindi malaman ang gagawin.

Dumapo ang mga mata niya kina Simone, Tenere at Taki at muling bumalik sa akin.

"Pasensya na, pinag-alala ko kayo." seryosong sambit ni Lihtan at muling hinarap si Haring Hester.

Nakita namin ang pagsugod ni Haring Hester.

"Anong ginawa mo kay Haring Hester?" malamig na tanong ko kay Haring Esteban at Haring Arturo.

"Nasa ilalim sila ng aking mahika! Hahahahahaha! Susundin nila ang lahat ng gusto ko! Dahil sa pagtutol ng tatlong Haring ito ay ganyan ang nangyari sa kanila!" -Haring Esteban

"Hindi sana iyan mangyayari kung hindi sila tumutol sa huli, dahil sa’yo? Anong karapatan mong maging dahilan upang hadlangan nila kami sa kagustuhan namin?" -Haring Arturo

"Aaaaah!" nakita namin ang pagwawala sa sakit ni Haring Hester at pagsabunot sa sariling buhok.

"Lihtan!" mabilis na hinawakan ni Lihtan ang magkabilang braso ni Haring Hester. Lumapag ako sa kinaroroonan ni Lihtan at tiningnan nang mariin sa mga mata si Haring Hester.

"Cane!" -Simone/Tenere/Taki

"Haring Hester..." ramdam ko ang pagpapalit ng kulay ng mga mata ko. Napakalakas ng pagkulong ni Haring Esteban sa isip ni Haring Hester. Ngayon lang ako nahirapan nang ganito.

Nalasahan ko ang sarili kong dugo na lumabas sa labi ko.

"Haring Hester..." hingal na tawag ko.

"B-Binibining Cane?" nakahinga ako nang maluwag nang magtagumpay akong mabalik ang wastong pag-iisip ni Haring Hester. Hingal na pinunasan ko ang dugo sa labi ko.

Pumintig sa sakit ang ulo ko.

"P-Paanong?! Anong ginawa mo!" hindi makapaniwalang sambit ni Haring Esteban.

"Ayos ka lang, Cane?" alalang tanong ni Lihtan.

"Ayos lang." mahinang sagot ko.

"Patayin mo ako, nagmamakaawa ako sa’yo, binibini. Pslangin mo ako ngayon, h-hangga't hindi pa ako nawawala sa sarili." -Haring Hester

"A-Ano?" naguguluhang tanong ko.

Naramdaman ko ang pagtabi nila Simone sa akin.

"N-Naputol mo m-man ang pagkontrol nito s-sa isip ko ay h-hawak pa rin n-nito ang k-katawan ko..." nahihirapang saad ni Haring Hester.

"Hahahahahaha! Tama! Bakit hindi natin subukan?" halakhak muli ni Haring Esteban.

Napakabilis ng pangyayari. Nakita na lang namin ang paghugot ni Haring Hester sa espeda ko at pagsaksak sa sariling puso!

"Haring Hester!"

"B-Binibini, p-patawad. Iligtas mo ang aking Reyna at Prinsesa. S-salamat d-dahil ginising mo kami sa t-tama mong paninindigan. I-ito na lang ang magagawa namin. W-wag kayong mag-alala. A-ayos lang kami. I-ito r-rin ang gusto nila."

Bukas ang mga matang nawalan ng buhay si Haring Hester. Gamit ang palad ko ay pinikit ang mga mata nitong bakas ang luha.

"Tulad ng mga bituin, Haring Hester ay napakaganda rin ng iyong pagkatao. Nababagay sa’yo ang pangalan mo." mahinang bulong ko at marahang ngumiti.

"Hanggang sa huli ay pangahas ka pa rin, Haring Hester!" nagtatagis ang ngipin na sambit ni Haring Esteban.

"Lihtan!"

Nakita namin ang paghagis ni Lihtan kay Haring Esteban at Haring Arturo, gumuho ang pader at nabagsakan ang mga naglalakihang bato ang katawan ng mga ito ngunit parang wala lang na bumangon ang dalawang Hari.

"Taki!"

Mabilis na nahila ni Taki si Lihtan nang buhatin ni Haring Arturo ang higanteng bato sa direksyon ni Lihtan.

"What the fvck is this?" -Simone

"Yun lang ba ang kaya niyo?" nasaksihan namin ang pagbabago ng anyo ng dalawang Hari.

Ang mapupulang mga mata nito tulad ni Taki, ang mga paa at kamay ng mga ito na tulad din ng kay Lihtan at Tenere.

"Walang silbi ang mga kaya niyong gawin! Mamamatay kayo sa aming harapan! HAHAHAHAHAHA!" parang nasisiraan at wala sa katinuang halakhak ni Haring Arturo.

Mas nabigla kami sa sunod na ginawa ng mga ito. Bumaon ang tag-isang kamao ng mga ito kay Haring Nix at Haring Han. Bumagsak ang dalawang walang buhay na katawan ng dalawang Hari, hindi makilala ang mga itsura dahil sa tuyo at agnas na katawan.

"Haring Arturo, pakitaan mo sila." nakangising litanya ni Haring Esteban.

"Hah! Sa wakas, h'wag kayong mag-alala kahit na wala na kayong mga buhay ay mapapakinabangan pa rin namin ang mga katawan niyo sa aming mga eksperimento!" -Haring Arturo

Eks...pe..rimen...to..?

"Sinasabi niyo bang ang kapangyarihan at kakayahang taglay niyo ngayon ay mula sa pinagmulan ng mga tulad ng mga kasama ko?" mahina at nakayukong tanong ko.

"Sinasabi niyo bang ginamit niyo sila sa mga eksperimento niyo?" mas mariin ko nang tanong at matalim na nag-angat ng tingin sa mga ito na tumigil na sa paghalakhak.

"Tangina niyo'ng mga animal kayo hanggang dito ba naman?" nagtatagis ang ngiping bulong ko sa sarili.

"C-Cane?" rinig kong gulat na tawag nila sa akin.

Nilagutok ko ang leeg ko. Bad words ang salitang may kinalaman sa eksperimento para sa akin. Ilang beses kong naranasan 'yon at nangako ako sa mga nakasama kong pababagsakin ko ang lahat ng mga demonyong nagsasagawa ng mga ganitong bagay.

Nawawala ako sa sarili at gusto kong gilitan sa leeg ang lahat ng mga walang konsensyang gumagawa nito alang alang sa kaalaman? Kapangyarihan? Buhay na walang hanggan?

Pagod na pagod na ang tainga ko sa mga ganyan, noon pa man.

Ang gamitin ang hindi mabilang na katawan para isailalim sa maraming proseso ng eksperimento? Ang tingnan na para bang isang bagay na masusing pinag-aaralan? Nasisiyahang mga scientists sa mga natutuklasan nila? Na ang mahalaga lang ay ang matutuklasan nila kaysa sa mga buhay na sinasayang nila? Kahit na labag sa sariling kagustuhan ng mga ginagamit nila wala silang pakialam! Wala. Silang. Pakialam.

"Ibalato niyo muna sa akin ang animal na 'to." walang emosyon na sambit ko sa mga kasama ko at hindi na sila hinintay na makabawi.

Hinugot ko ang isang espada ko na nag-iisa na lang dahil sa paghugot ni Haring Hester na ginamit kanina upang kitilin ang sariling buhay.

"What the hell?" dahil sa narinig ko kay Simone ay nabalik ang tingin ko sa kinaroroonan nila.

Ang mga walang buhay na kawal. Ang walang buhay na katawan nina Haring Hester, Haring Nix at Haring Han ay bumangon.

Napaatras ako sa matigas na bagay na tumama sa sikmura ko na mula sa kamao ni Haring Arturo.

"CANE!!"

"Shit." singhal ko at sapo ang sikmura ko.

"Nasa harapan ang kalaban mo." ngisi ni Haring Arturo.

"Tapos ka na?"

"Ano?"

"Ako naman!" binigyan ko ito ng solid na sipa sa sikmura na parang hindi naman tinablan.

Narinig ko na naman ang nakakairitang halakhak nito kaya naman mabilis kong sinundan ang sipa ko ng panibagong sipa sa panga niya, hehe, mas solid pa kanina.

"ARRRGH!!" daing nito na kinangisi ko.

"Tawa pa! Gigil mo ko."

"Pfft~!" rinig kong pigil tawa sa di kalayuan kahit di ko na tingnan, alam ko si Simone 'yon. Hihihi. Sa kanya lang naman nagrereact ang puso ko, supportive baby ko.

Napangiwi ako nang makita na parang na-dislocate yung panga ni Haring Arturo.

"Hala! Di na ba 'yan mababalik sa dati?"

"Aaah! Papyin kia!" (Aaah! Papatayin kita!)

"Ngiek! Ano sabi mo?"

Mas lalong tumindi ang asar ni Haring Arturo at hinabol ako. Patungo ako kay Haring Esteban at bago pa man ako maabutan ni Haring Arturo ay mabilis akong tumalon at tumapak sa ulo ni Haring Esteban kung kaya't ang suntok ni Haring Arturo ay tumama sa panga ni Haring Esteban.

"AR.TU.RO!!!" -Haring Esteban

"H-Hindi ko sinasadya!" -Haring Arturo

"Walaaaa! Alam kong sinadya mo 'yon! Hindi ba’t matagal mo nang plano na paslangin si Haring Esteban? Gusto mong makipagtulungan sa akin?" namilog ang mga mata ni Haring Arturo. Pinigil ko ang ngisi ko nang dumilim ang mukha ni Haring Esteban.

"Ano? Tatraydurin mo rin ako?" -Haring Esteban

"Tama, ilang beses ko nang tinanggihan ang gusto niya dahil mabuti ang pakikitungo mo sa akin Haring Esteban." seryosong dagdag ko pa sa larong ginagawa ko.

"S-Sinungaling! Hindi 'yan totoo!" -Haring Arturo

"Ikaw ang sinungaling! Haring Esteban, nasa sa’yo kung paniniwalaan mo ang sinasabi ko ngunit hindi naman lingid sa iyo ang pagiging tuso at ganid ni Haring Arturo. Hahayaan mo pa bang dumating sa punto na siya ang papatay sa’yo patalikod?" nakangising panlilinlang ko.

"Papatayin kita! Sinungaling! Ginugulo mo ang mga isip namin! Pinaiikot niya tayo, Esteban! Hindi mo ba nakikita?!" -Haring Arturo

"Haring Arturo, patayin mo man ako ay hindi ko itatago ang katotohanan. Lalabas pa rin ang totoo kahit anong pagtatago mo sa mga plano mo!" gusto ko nang humalakhak pero hindi muna. Kailangan ko muna silang makitang magpatayan.

Ang sarili nilang kasakiman ang kikitil sa mga buhay nila.

"Manahimik ka, Arturo! Matapos ang lahat ng binigay ko sa’yo at pagtulong! Ito ang igaganti mo?!" -Haring Esteban

"Esteban! Makinig ka! Nililinlang ka ng binibining 'yan!" -Haring Arturo

"Bago mo pa ako patayin, tatapusin na kita!" -Haring Esteban

Bumaon ang kamao ni Haring Esteban sa puso ni Haring Arturo at hindi pa nakuntento. Nagawa pa nitong tapakan ang ulo hanggang sa mapisa.

"At isusunod kita binibini at ang mga halimaw mo. Hahahahahahaha!" baling nito sa akin habang nakangisi.

Tumalon ako palayo at nakarating sa tabi ni Simone, Lihtan, Tenere at Taki na natapos nang pabagsakin ang mga tila 'zombie' kanina.

"Kinailangan naming patamaan ang mga ulo nila." impora nila sa akin.

"Ayos lang kayo?" tanong ko habang ginagawang normal ang paghinga.

"Ha?"

"Sila ang mga walang puso, hindi kayo masasama dahil nakakaramdam kayo." seryosong sambit ko.

Wala akong narinig na sagot kaya sinulyapan ko sila na nakatitig sa akin

"B-Bakit?"

"Ibang klase talaga ang aking binibini." seryosong sambit ni Taki. Walang bahid ng ngiti at dumiretso ng tingin sa harap.

Biglang nahati ang kamay ni Haring Esteban.

"S-Simone?" -Lihtan

"Oh... heck?" -Simone

Hindi ako namamalikmata. Talagang tumubong muli ang nahiwang kamay ni Haring Esteban!

Sunod na nilabas ni Simone ang baong baril na hindi ko alam na may bitbit pala siya.

Muli, hindi tinablan ng bala si Haring Esteban.

Bumaon man sa balat nito ay mabilis na bumabagsak at naghihilum ang mga sugat.

"Simone, subukan mo nga patamaan sa ulo kung matibay din ang bungo niya, hehe." suhestyon ni Taki na kinangiwi ko.

"Geh, subukan natin." ngisi at mabilis na payag ni Simone.

Hindi rin tinatablan ng bala.

"Hahaha m-matibay nga, mahal." -Tenere

"Makapal siguro balat niya?" -Lihtan

"O baka yung mukha niya, hehehe." sambit ko rin.

"WAAAAAH! ANO GAGAWIN NATIN?" -Taki

"Sugod ka saka kami susugod." -Simone

"Bakit ako?" -Taki

"Di ka mabilis mamamatay, mabilis ka tumakbo eh." -Simone

"Haaaa?!" -Taki

"Hahahahaham 'yun naman pala eh!" -Tenere

"Kaya mo 'yan, Taki." -Lihtan

Napatingin sa akin ang bagsak na mukha ni Taki.

"S-Sige na nga!" -Taki

Kawawang Taki. Naisahan na naman ni Simone. Bakit ba takot na takot itong tatlong ito kay Simone?

Tulad ng sinabi ni Simone. Sumugod si Taki gamit ang dalawang espada na mabilis na nasalo ni Haring Esteban na kanina pang wala sa sarili at kinain na ng sariling pwersa. Isang kapangyarihan o kakayahang hindi niya makontrol ay napakadelikado.

Tumalsik si Taki sa lakas ng sipa nito, sunod na sumugod si Tenere at sinipa ang sikmura ni Haring Esteban na hindi man lang tinablan, kasunod si Lihtan na parang wala ring epekto. Hanggang sa makita ko ang nagliliparang pana na nag-aapoy patungo sa direksyon ni Haring Esteban. Kung kanina ay hindi ito tinatablan, ngayon ay nag-iwan na ng pinsala sa katawan.

"AAAAAH!"

"NAGAWA MO SIMONE!" -Lihtan/Tenere/Taki

Apoy?

Hmm.

"Mahal, saan ka kumuha ng apoy?" -Tenere

"Ginawa ko." ngising sagot ni Simone.

Bumaba ang mga mata ko sa dumudugong kamay ni Simone na mabilis niyang tinago nang mapansing nakatingin ako.

"Huh? Paano?" -Taki

Napabuntong hininga ako.

Napabaling ako sa kinaroroonan ni Haring Esteban na papasugod na naman.

Mabilis kaming tumalon paatras sa iba't ibang direksyon. Ang semento na sinuntok at tinalunan ni Haring Esteban ay nabiyak.

"Grrr...grrr...grrr..."

Isang malakas na suntok mula kay Lihtan ang nakapagpaatras kay Haring Esteban at isa pang sipa ni Tenere sa sikmura ni Haring Esteban, kasunod ng mabilis na pagbaon ng punyal sa dibdib at ulo na nagawang isentro ni Taki at sa panghuling atake ang dumudugong kamay at daliri ni Simone ay nakabaon sa dalawang mata ni Haring Esteban at sa mabilis na pagtalon nila paalis ng sabay sabay ay ang pagliyab ng katawan ni Haring Esteban.

Di ko namalayang nakatulala na pala ako.

A-Ang galing!

Naputol ang pagkamangha ko nang makarinig ng yapak.

Nakita ko ang paninigas ni Simone sa kinatatayuan niya habang nakatingin sa likuran ko, maging sina Lihtan, Tenere at Taki na nakatingin din sa likuran ko.

Parang bumagal ang oras at paggalaw ng lahat sa paligid ko nang makita ang tatlong naglalakad patungo sa amin.

Ang mga kapatid ko. Ang tatlong Kuya ko. Si Thunder, Storm at Rain.

O-OH?

"Seems like you're really having fun, huh?" nakapamulsang tanong ni Storm na nakapagpatunganga sa akin.

"Young Masters!" pagbibigay galang ni Simone at yumukod.

"Sino sila Simone?" bulong ni Lihtan.

Nalipat ang tingin nila kanila Lihtan.

"What's your name?" mahinahong tanong ni Thunder habang tinitingnan ng mabuti si Lihtan na inosente at tila maraming question marks sa uluhan.

"Huh?" -Lihtan

Napakurap kurap ako at isa isang pinagpipisil ang mga pisngi ng mga nasa harapan namin.

"It hurts, baby sis." simangot ni Rain.

Isa isa nila akong hinila ng yakap.

"At last, we found you." Ginhawang sambit nila.

"Waaaah! Aking binibini, sino sila?" -Taki

"Oo nga, Cane. S-sino sila?" -Tenere

Nakatingin silang lahat sa akin at naghihintay ng sasabihin ko.

"Hehehe, Lihtan, Tenere, Taki...ang mga kapatid ko. Sina Thunder, Storm at si Rain, hehehe." napapakamot na pagpapakilala ko

"Waaaaah! Ang mga Kuya ng aking binibini. WAAAH! MAGANDANG BUHAY! AKO SI TAKI! TAKI! TAKI! TAKI ANG PANGALAN KO." isa isang kinamayan ni Taki si Thunder, Storm at Rain na naaaliw na nakatingin dito.

"Ang pangalan ko na binigay ni Cane sa akin ay Lihtan."

"Kinagagalak namin kayo makilala! Ako si Tenere ang mahal ni Simone."

Kita ko ang ngiwi ni Simone. Hinila ko patungo sa tabi ko si Simone na kinagulat nito.

"Simone..." seryoso at malamig na sambit ni Thunder.

"Y-Yes, Young Master." -Simone

"Balita ko may mga girlfriend na kayo." makahulugang ngisi ko.

Sumeryoso ang mga mukha nila nang marinig ang sinabi ko. Alam ko ang iniisip ng mga kapatid kong ito kaya uunahan ko na sila.

"Eloise, Glendale, Lashnea, right?" ngiti ko pa na mas lalo nilang kinasimangot.

"Fine, we are not going to do anything with your boyfriend but we have to talk to him." bagot na sambit ni Storm.

"I will." seryosong sagot ni Simone.

"Good." walang emosyong sambit ni Rain.

Sabay sabay silang tumingin kina Lihtan, Tenere at Taki. Ngumiti sila sa mga ito na kanina pang nakatulala at nagniningning ang mga mata na nakatingin sa kanila.

"Cute..." nakita kong naaaliw na pina-pat nila ang mga ulo nina Lihtan, Tenere at Taki.

"Waaaah! Sabi ng aking binibini, kyot nga ako." -Taki

"Tama, sabi ni Cane kyot ako." -Lihtan

"Ako rin magandang lalaki at kyot." -Tenere

Napahawak ako sa noo ko. No way, kilala ko ang mga kapatid ko, kung may pagkakatulad kami ay mahilig kami sa 'cute'.

"They are mine." seryosong pahayag ko, nginisihan lang ako ng mga kapatid ko.

"Yeah, too bad." sambit ni Rain na tuwang tuwa pa rin sa pag-pat sa mga ulo nila Lihtan.

Napabuntong hininga ako at napanguso.

"You're lucky, sis." nakatingin sa aking mata na sambit ni Storm na kinangiti ko.

"Yes, I am." nakangiting sagot ko.

"Bakit nandito kayo?" napatigil sila sa tanong ko.

"First, let's get out of here." sambit ni Thunder at sinilip ang relo sa palapulsuhan.

"We have 5 seconds before this whole place collapses." balewalang dagdag pa nito na kinangiwi ko.

"Kuya Thunder naman! Bat ngayon mo lang sinabi?"

"Sorry, baby sis."

"Ano 'yon, Cane?" -Lihtan

"Sasabog daw ang buong lugar na 'to."

"Aaah~ sasa-SASABOG?" -Tenere

"WAAAAAAAH!!!" -Taki

Mabilis na nagsitakbuhan kami at nagpagulong-gulong. Naramdaman ko ang pagbalot ng yakap ni Simone sa akin.

"You okay?" tanong niya.

"Ayos lang."

Inalalayan ako ni Simone na makatayo. Nakita kong nakatingin ang mga mata nila Thunder, Storm at Rain sa kamay ni Simone na nakahawak sa baywang ko na kinangisi ko.

"Ayos lang kayo, Cane?" tanong nila Lihtan.

"Hehehe, ayos lang."

"Hurricane." tawag ng mga kapatid ko sa akin.

Humarap ako sa kanila.

Pinagmasdan nila ako nang maigi at tipid na ngumiti.

"You’ve really grown. You changed so much." malumanay na sambit ni Thunder at napahinga nang malalim.

"No longer our baby angel, you are now a beautiful lady and you got a...man." sambit din ni Storm na parang hindi pa rin sanay paniwalaan.

"Yeah, and we're here to see you and to talk to you personally." sambit ni Rain.

"Hm, tungkol saan?"

Mukhang napaka-importante para personal na puntahan nila ako at payagan ni Mom at Dad kahit pa...

"This whole place is no longer safe." seryosong sambit ni Thunder.

"Alam ko, Thunder." seryoso ko ring sagot.

"Oo, alam mo." buntong hininga nito at mariing tiningnan ako.

"At hindi ka aalis ditto." nasisigurong sambit ni Storm.

"Tama, hindi ako aalis dito, Storm."

"Nakita namin ang ginawa mo kanina. Alam mong delikado para sa’yo." kalmado ngunit puno ng kaseryosohang sambit ni Rain.

Alam ko ang tinutukoy nila, ang pag-itim ng mata ko ay delikado. Mas delikado sa nagagawa ni Mom. Kung si Mom, nagagawa niyang kontrolin, samantalang ako sa tuwing gagawin ko para akong mawawala sa sarili kaya noon, kailangan kong magkulong sa basement na hindi rin ordinaryo para hindi makapanakit.

Isa 'yon sa mga parte ng madidilim kong nakaraan na tanging ang pamilya ko lang ang nakakaalam. Hindi rin alam ni Simone. Wala siyang ideya dahil ayokong makita niya akong nasa ganoong kalagayan.

"Nakokontrol ko naman na."

Halatang hindi sila kumbinsido at hindi na nagkomento sa bagay na 'yon. Sa aming magkakapatid ako lang ang tanging nagmana sa ganitong kakayahan. Hindi naging masaya si Mom nang malaman 'yon at humingi ng tawad kahit di niya naman kasalanan na nakuha ko sa kanya ang katangiang ito.

"Mysterium?" tanong ni Rain habang nakatingin sa mga mata ko at tumango ako.

Sa isang iglap may walong onymus nang nakaharap sa amin.

Kahit na sa gitna ng digmaan at hindi inaasahang pagkikita muli namin, masaya ako. Alam ko namang hindi sila magtatagal dito dahil nararamdaman kong marami silang kailangang harapin sa mga pinamumunuan nila.

"Nasaaan ang mga tao sa 'Tamir'?" tanong ko habang sakay ng onymus. Di naman ako nabigong makatanggap ng sagot.

"Safe, someone saved them." sagot ni Rain.

"Huh?"

"P-parang ibang daan ang dinadaanan natin, Kuya Storm?" napapantiskuhang nalingon ko si Taki na nasa gilid lang nito.

Kuya?

Pfft~!

Tiningnan ko ang reaksyon ni Storm. Mukhang ayos lang naman sa kanya.

"Mas ligtas dito, kami bahala." ngisi ni Storm.

"Ah! Tapos kami kawawa? Ganyan si Simone!" kunot noo na sambit ni Lihtan.

"What the-" -Simone

"Hahaha payting, Lihtan!" halakhak ko.

"PAYTING!" -Lihtan

"Waaah ako rin, aking binibini!" -Taki

"Hahaha payting, Taki!"

"PAYTING!" -Taki

"How about you, Simone?" nagpipigil ng ngiti na sambit ni Thunder. Nilingon nila si Simone na nakasimangot at namumula.

"Payting, Simone." lingon ko.

Nakita ko na inaabangan ni Thunder, Storm at Rain ang gagawin ni Simone.

"P-Payting!" -Simone

"Pfft~! Damn." -Thunder

"Oh, hell, Simone." -Storm

"Shit, good job, Simone." -Rain

"Wahahahahaha. Namumula si mahal!" -Tenere

"May mas ipupula pa 'yan." -Lihtan

"OO NGA! HAHAHAHAHAHA!" -Taki

"Serenghey, Simone." lingon ko kay Simone

"SERENGHEY, SIMONE! SERENGHEY, SIMONE! SERENGHEY, SIMONE!!!" Lihtan/Tenere/Taki

"T-Tss." -Simone

Humagalpak sa katatawa sina Thunder, Storm at Rain. Mga bully. Natigil ang halakhak nila nang marinig ang sunod na sinabi ni Simone.

"I love you too, Hurricane Thurston."

"Ano sabi mo, Simone?" -Lihtan

"Mahal din kita, Hurricane Thurston." walang pag-aalinlangan na pagsasalin niya sa Tagalog na kinangiti ko.

"Hala! Paano si Tenere?" -Taki

Pfft~!

"What?!" -Simone

"Oo nga, mahal! Parang wala tayong pinagsaluha-" -Tenere

"Isa pang buka ng bunganga mong baliw ka ihahagis na kita." -Simone

"Not bad." nakangising bulong ng mga kapatid ko na sinuklian ko rin ng mayabang na ngisi na nagpasimangot sa mga mukha nila.

HEHEHEHEHE.

Mafia Heiress Possession: Hurricane ThurstonWhere stories live. Discover now