Pahina 37

29.2K 1K 133
                                    

Pahina 37
Deaths


Hurricane’s Point of View

Sa palihim na pagbisita namin sa silid ay nadatnan namin ang hindi na makilalang si Haring Agnol.

"B-Binibini..." nanghihinang sambit ni Haring Agnol at ngumiti.

Sa gilid niya ay nakaupo si Prinsesa Shea at Prinsipe Hasil na may masakit na ekspresyon sa mga mukha.

"Salamat sa pagpunta, binibining Cane." tumango ako sa sinabing 'yon ni Prinsipe Hasil.

Walang imik na tumayo si Prinsesa Shea, nang magkatinginan kami nito ay kita ko ang hinagpis sa mga mata nito at nagbigay daan upang makalapit ako sa kanyang ama.

Mahinahong inabot ko ang kamay ni Haring Agnol na nakaawang upang maabot ang kamay ko.

"Isang karangalan ang makilala ka." umubo ito at may kaunting dugo ang lumabas "Ipahatid mo nawa ang walang hanggang pasasalamat ko kay Lord Eros at High Goddess Eve." saad nito habang pinagmamasdan ako.

Marahang tumango ako. Muli ay ngumiti ito...

"Salamat, maraming salamat." nakangiting sambit nito.

"Wala akong nagawa." buntong hiningang sambit ko nang hindi inaalis ang tingin sa mga mata nito.

"Marami, alam ko..." nag-iwas ako ng tingin saglit at muling tumingin dito.

Tama ito. Noong humingi ng tulong si Prinsesa Shea ay nag-suhestyon si Tenere na dinggin ang hiling ni Prinsesa Shea sa kabila ng mga kasamaang pinagdaanan ni Tenere ay natuto siyang magpatawad at dahil doon ay labis akong humahanga sa kanya.

Wala nang paraan upang maligtas si Haring Agnol, kahit pa iluwas namin siya patungo sa Pilipinas, sa pinanggalingan ko. Wala nang pag-asa.

"Hinihintay na ako ni Matilda." unti unting nanghina ang paghinga ni Haring Agnol hanggang sa dumausdos ang mga kamay nito na nakahawak sa aking kamay.

Yumuko ako sa pumanaw na Hari ng Hideus. Ang tanging naririnig lamang namin ay ang pagtangis ni Prinsesa Shea. Bumaba ang tingin ko sa kamay ko na hinawakan ni Haring Agnol. Nadagdagan na naman ang bilang ng mga taong namatay sa kamay na ito.

"Nakikiramay kami. Paumanhin, wala kaming nagawa sa kondisyon ni Haring Agnol." mahinang sambit ko at yumuko sa harap ni Prinsipe Hasil at Prinsesa Shea.

Tulad ko ay yumuko rin sina Simone, Lihtan, Tenere at Taki.

Nag-angat ako ng tingin nang maramdaman ang kamay na pumatong sa aking balikat.

"Wala kang kasalanan." sambit ni Prinsipe Hasil at huminga nang malalim. Namumula ang mata nito dahil sa pag-iyak.

Nakakubli kami sa hindi kalayuan habang pinagmamasdan ang libingan ni Haring Agnol. Sa Hideus.

Napabuntong hininga ako at tumingala sa kalangitan na nagbabadya sa pag-ulan. Napagpasyahan naming bisitahin sina Lola Dalya at Lolo Val sa Mysterium gamit ang sekreto nilang lagusan.

"Apo..."

Agad na kinabig ako ng yakap ni Lola Dalya at ni Lolo Val. Ganoon din sina Simone, Lihtan, Tenere at Taki na sinalubong din nila ng yakap.

"Ate Ganda!" nakita namin si Tanyo na nakikipaglaro sa mga kaedad niya.

"Tanyo, kamusta ka rito?"

"Ayos lang po, masaya dito ate ganda."

"Mabuti naman kung ganoon. Sige maglaro ka na ulit. Hehehe."

Sunod sunod na tumango ito hanggang sa maiwan kami kasama sina Lola Dalya at Lolo Val.

"Nabalitaan namin ang nangyari sa Hari ng Hideus." malumanay na sambit ni Lola Dalya at hinila ako paupo sa tabi niya, sa gilid niya ay seryosong nakaupo si Lolo Val.

"Naging malupit man siya'y marami pa rin siyang naiambag na kabutihan." seryosong sambit ni Lolo Val at tumingin sa akin.

Tahimik na tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Kamusta ang batang Prinsipe?" tanong ni Lola Dalya.

"Kasalukuyang nag-iimbestiga sa nangyari kay Haring Agnol." tumango ang mag-asawa nang hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Mag-iingat kayo parati. Nararamdaman ko ang mga mas matitinding hirap at pagsubok na haharapin niyo." sambit ni Lola Dalya.

"Naiintindihan ko po." tiningnan ko sila Simone at nginitian nang marahan "Hindi namin pababayan ang mga sarili naming."

Napabaling kami sa marahas na pagbukas ng silid nila Lola Dalya at base sa itsura nito ay nababatid ko na...


Prinsesa Shea’s Point of View

Alahas. Posisyon. Kayamanan. Kapangyarihan. Mga bagay na nasa akin na nang ako'y isilang. Nakatakda para sa akin.

Nakukuha ko ang lahat. Lahat lahat.

Nanghihinang bumagsak ako sa lupa, tuloy tuloy sa pagbagsak ang aking luha habang tumatatak sa isip ko ang nakikita ng mga mata ko ngayon.

"A-Ama..." walang tigil sa pag-alpas ang luha ko habang nakatingin sa labi nitong lumulutang sa dagat at nasusunog.

"Ama..." paulit ulit na tawag ko habang walang tigil sa pagbagsak ang luha ko.

M-Marami pa akong gustong sabihin sa’yo. Marami akong gustong itanong sa’yo. Marami akong pinagsisisihan. Gusto ko pang makasama ka. Gusto ko pang maramdaman na mahal mo ako. Nagbago na ako di ba? Bakit kung kailan naging malapit na tayo sa isa't isa ay bigla ka na lang mawawala? B-Bakit? Ang sakit. Hindi ako makahinga sa sobrang sakit.

"Prinsesa Shea..." -Prinsipe Lucien

"Gusto kong mapag-isa."

Lumuhod ako at hindi sila pinansin. Mag-isa na lang ako. Wala ang anino ni Hasil at alam kong sa mga panahong ito'y nasa kamay na niya ang nasa likod ng pagkamatay ng aming Ama. At sa isiping 'yon, mas lalo akong naluha. Napahagulhol.

"Aaaaah! Aaaaah!" nanginginig na sigaw ko, bumuhos ang ulan at tanging ako na lamang ang natira.

Umiyak ako nang umiyak.

Ito na marahil ang kabayaran sa lahat ng masamang nagawa ko.

Pumailanlang sa paligid ang isang musika. Hilam ang mga matang nag-angat ako ng tingin sa tumutugtog gamit ang bansi nito. Seryoso siyang nakaupo sa sanga habang tumutugtog.

Tenere...

Mas lalo akong napahagulhol habang naririnig ang malamyos at tila nakikiramay na musika niya.

B-Bakit?

May dumaang kirot at pait sa aking lalamunan.

Ganito ba ang naramdaman niya noon? O mas doble pa sa sakit na nararamdaman ko?

Walang tigil sa pagbagsak ang luha ko.

Siya na pinagkaitan ko ng Ina. Siya na pinahirapan ko nang husto. Siya na biktima sa karahasan ko noong bata pa ako. Siya na nagawa pa ring tugunin ang paghingi ko ng tulong.

Napakasama ko.

Dahil sa takot kong mas pahalagahan sila ng aking Ama ay nagawa kong...

Pinilit kong huminga...

"B-Bakit kahit na may pagkakataon kang makaganti ay tinulungan mo pa rin ako?" mahinang tanong ko at hindi ko alam kung maririnig niya sa lakas ng ulan.

Tumigil ang musika niya...

"Hindi kita tinulungan." malamig na sambit nito, nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Kung sasaktan ko ang taong 'yon, parang sinaktan ko na rin si Matilda. Hindi ko kayang saktan ang taong mahal niya."

Matilda...

Unti unti akong tumayo at handa na sanang tumalon sa dagat nang may pumigil na malaking braso sa katawan ko.

"Bitiwan mo a-ako." pagpupumiglas ko.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" mariing tanong niya.

Malapit ang mukha namin sa isa't isa habang nakakulong ang matipuno niyang braso sa baywang ko. Bumilis ang pintig at kabog ng puso ko sa gulat. Natulala ako at nanghihinang nasalo niya ang bigat ko.

"Hindi ka maaaring mamatay nang ganito lang, Shea." matapos niyang sabihin 'yon ay iniwan niya ako.

Napangisi ako nang masakit. Mukhang nagkamali ako, gusto niya akong mabuhay. Mabuhay nang nabububay sa pagsisisi, at gusto niyang masaksihan ko ang isa pang bangungot na naghihintay sa akin.

Isang ganti na dadalhin at pasan habang ako ay humihinga...

Nanginginig ang mga tuhod na naglakad ako at maduduwal na sana kung walang kamay na umagap sa braso ko.

Sumalubong sa akin ang luntian niyang mga mata na walang emosyong nakatingin sa akin.

Ang babaeng 'to...

Walang salitang inalalayan niya ako. Mabigat ang hakbang ko habang patungo sa kinaroroonan ng taong may kagagawan sa pagkamatay ng aking Ama.

"Ikaw ay tinatanggal sa pagiging Reyna ng Kaharian ng Hideus at napatunayang nagkasala sa salang paglason sa Hari ng Hideus!" malinaw na narinig ko pagkarating pa lamang namin.

"Shea, Hasil! Hindi niyo maaaring gawin 'to. Ako...ako ang inyong Reyna!"

Ipinikit ko ang mga mata ko at sa pagdilat ko ay nakita ko si Hasil na humarang sa harapan ko.

"Bilang parusa ay tatanggapin mo ang iyong kapalaran. Ang kamatayan, iinumin mo ang lason na nakahanda para sa’yo." narinig kong hatol.

"Hindi! Hindi! Mga anak, Shea! Shea! Hasil!"

"Paano mo 'yon nagawa?" malamig na tanong ni Hasil. Bumagsak ang mahapdi kong mata sa likod ni Hasil.

Ilang saglit na katahimikan ay humalakhak ang aking Ina.

"Oo! Ako nga ang pumaslang sa inyong Ama! At ako rin ang pumaslang sa lahat ng babaeng hadlang na mapasakin siya! Ginawa ko ang lahat para sa kanya! Binigay ko lahat! Ngunit kahit kailan...k-kahit kailan hindi niya ako pinahalagahan! Hindi niya ako binigyan ng atensyon! Nasa akin na ang lahat! Bakit puro kalungkutan at sakit ang dulot niya sa akin? Kaya naman...kaya naman...hahahahaha! Hindi ko siya hahayaang sumaya!"

"Ako ang pumaslang sa iyong Ina, Hasil! Hahahahahaha! Natatandaan ko pa kung paano siya magmakaawa! Kung tinatak niya sa sarili niya ang katayuan niya at kung hanggang saan lang siya ay-"

Mabilis na nawala sa harapan ko si Hasil at nakita kong sakal sakal niya ang aking Ina.

"Papatayin kita!"

May mga pumigil kay Hasil sa pagwawala. Pumailanlang ang halakhak ng aking Ina.

Humakbang ako hanggang sa huminto sa kopita na hawak ng isang alipin na naglalaman ng malinaw na lason.

Kinuha ko ang maliit na kopita.

Nabalot ng katahimikan ang lahat.

Naglakad ako patungo sa aking Ina. Tumahimik ito nang makita ako at nang iabot ko sa kanya ang lason. Mabilis na nangilid ang luhang pinipigilan ko.

Sinalubong ko ng tingin ang seryosong mukha ng aking Ina. Pareho kaming lumuluha. Ang mga mata niyang puno ng galit, sakit at pagkabigo ay sumasalamin sa mga mata ko.

Nakangising inabot niya ang kopitang hawak ko at diretsong ininom.

Tumalikod ako matapos niyang inumin ang lason.

Naglakad ako palayo sa lahat.

Nanlabo ang talukap ng mga mata ko at natumba. Naaninag ko ang sumalo sa akin.

Bakit siya nag-aalala? Hindi ba ito ang gusto niya? Kaya pinigilan niya akong kitilin ang sarili kong buhay...

"Ikaw na ang bahala, Tenere." nakita ko ang pagtango niya sa apat na anino...sa apat na kasama niya.

Tuluyan na akong nilamon ng kadiliman ngunit bago 'yon ay naramdaman ko ang paglipad namin sa himpapawid na saglit na nagbigay ginhawa sa aking pakiramdam.

Nagising ako na nakasandal sa puno, sa harap ko ay tila paraiso sa ganda ang tanawin. Maraming bulaklak at may mga paru-parong lumilipad, may talon na nakakaakit languyan.

Napalingon ako sa yabag na papalapit sa akin.

"Ito lamang ang pagkain na nakita ko." sambit niya at bahagyang ginugulo ang buhok niya. Tila nahihiya at hindi makatingin sa akin.

Napalunok ako at tinanggap ang hawak niyang saging. Mabilis na binalik ko ang tingin ko sa paraisong nasa harapan namin at ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko.

Tumabi siya sa akin nang tahimik.

"Kung nalulungkot at nasasaktan ka, umiyak ka. Iiyak mo lang. Kung masaya ka, ngumiti at tumawa ka." mahinang sambit niya. Napatingin ako sa kanya na payapang nakatingin sa harap.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko.

Nagtatakang tumingin din siya sa akin. Mabilis na nag-iwas ako ng tingin dahil di ko kayang salubungin ang kayumanggi niyang mga mata.

"Ha?"

"Bakit mo 'ko dinala rito? Bakit mo 'to ginagawa?" nakayukong tanong ko dahil naguguluhan ako sa kinikilos niya. Hindi siya dapat ganito, hindi ba?

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Hindi ko rin alam." nakangising sagot niya, mas lalong kumabog ang pintig ng puso ko nang masulyapan ang pagngisi niya.

"Bakit ka nandito..." tumingin siya sa akin.

"Gusto kitang samahan. Alam ko ang pakiramdam na nag-iisa." nagkibit-balikat siya matapos sabihin 'yon nang hindi naaalis ang ngisi.

Pumulot siya ng maliit na bato, at hinagis sa talon.

"Bagay na hindi mo na dapat ginawa." salubong ang kilay na sambit ko.

"At hayaan kang magpakalunod sa dilim?" atake niyang tanong. Natigilan ako nang makita ang seryoso niyang mukha.

"Hindi ba’t 'yon ang gusto mo? Magiging masaya ka-"

"Hindi kailanman na sumagi sa isip ko 'yan! Makaganti? Sira."

S-Sira?

"Ikaw ang sira! Hindi ako naniniwala sa’yo!" nangilid ang luha ko. Nakita kong lumambot ang mukha nito at ginulo ang buhok niya na parang hindi malaman ang gagawin at sasabihin sa akin.

Bakit...natutuwa akong makita siyang ganoon? Nasisiraan na nga siguro ako.

"Noon, gusto kong gumanti! Ngayon, hindi na. Matagal ko nang kinalimutan ang nakaraan. Bata ka pa noon, hindi alam ang tama at mali. At isa pa, ayokong mabuhay sa lungkot, sakit at paghihiganti! Tss. Sayang ang gandang lalaki ko."

Napaawang ang labi ko sa narinig kong pahayag nito.

Tumingin siya sa akin at mayabang na ngumisi.

"Hindi mo pinatay si Matilda. Hindi ko alam kung bakit inaako mo ang kasalanang hindi mo ginawa."

Napalunok ako.

"Isa ako sa nagpahirap sa i-inyo..."

"Pinatawad na kita, sana tulad ko ay palayain mo ang sarili mo sa nakaraan. Magpatuloy ka sa buhay, tulad ng hiling ng iyong Ama sa’yo." Tumayo siya at inabot ang kamay sa akin.

Unti unti kong inabot ang kamay niya. Di ko mapigilang mapahanga sa kanya at sa di ko malamang dahilan ay gumaan ang bigat ng puso ko. Nakakakalma ang mga mata niya at ngiti.

"Paano mo nasasabi at nagagawa 'yan?" di ko mapigilang tanong.

Ngumiti siya.

"Dahil sa taong 'yon. Dahil kay Cane, dahil sa kanya ito na ako ngayon. Dahil sa mga kaibigan ko, marami akong natuklasang saya ng buhay. Natuto akong pahalagahan ang buhay ko dahil sa kanila."

"Masaya ka." mahinang sambit ko na tinugon niya ng malawak na ngiti. Tumatak ang imahe niya sa isip ko. Ang paghangin ng buhok niya, ang kumikinang na kayumanggi niyang mga mata, ang matangos niyang ilong at ang malapad niyang ngiti.

"Prinsesa Shea..." napatingin ako kay...

"Haring Hasil." bati ko.

Tipid na ngumiti siya at tumabi sa akin. Nasa Kaharian na ako ngayon, at nakatingala sa mga kumikinang na bituin sa kalangitan.

"Mabuti naman at maayos ka." bakas ang ginhawa at pag-aalalang sambit ni Hasil.

"Ipapahanap na kita sana sa mga kawal ngunit pinigilan ako ni binibining Cane."

"Ayos lang ako." sagot ko.

"Nakikita ko nga." may ngising sambit ni Hasil.

"Nag-aalala rin sa’yo si Prinsipe Lucien." tipid na tumango ako.

"Mukhang nakaahon ka na sa pagkahumaling mo kay Lucien. Dahil ba sa kanya?" nang-uuyam na tanong ni Hasil.


"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Tss, hindi kita pipigilan kung siya ang nagpapasaya sa’yo at ang dahilan ng pagpawi ng lungkot mo sa mga nangyari ngunit ingatan mo ang sarili mo." seryosong sambit ni Hasil at iniwan akong naguguluhan.

Hindi ko nga ba maintindihan o tinatanggi ko ang pag-usbong ng nararamdaman ko? Alinman ay alam ko ang patutunguhan. Ngunit kahit anuman ang mangyari ay alam kong kahit masaktan pa ako ay gusto ko pa rin ipagpatuloy.


Hurricane’s Point of View

Nakahalumbaba kami nina Simone, Lihtan at Taki habang nakatingin kay Tenere na napapagitnaan nina Prinsesa Shea at Prinsesa Feya.

Nasa Hideus kami ngayon at hinihintay namin ang paparating na pagkain. Nang malapag na ang mga pagkain sa amin ay umayos kami ng upo.

Nagkatinginan kami nina Simone, Lihtan at Taki lalo na nang nag-uunahang ipaghain at kuhaan ng pagkain si Tenere ng dalawang Prinsesa.

"Ah... Hahaham s-salamat."-Tenere

Pfft~

Naaaliw na pinanonood namin sila. Kinagat ko ibabang labi ko para pigilan ang bungisngis ko ngunit hindi ko na napigilan.

"Hahahahahahahaha." halakhak ko na sinabayan ni Taki. Mahinang tumawa rin sina Lihtan at Simone.

"Mas makamandag ka pa kay Taki, Tenere." nakangiting sambit ni Lihtan. Nakita kong naguluhan ito.

"Ha?"

Di na kami sumagot at kumain nang kumain. Hehehe.

"Mananatili ba tayo rito, aking binibini?" tanong ni Taki na malawak ang ngiting sumasabay ng lakad sa akin habang nakalagay ang mga kamay sa batok.

Nagkibit balikat ako at ngumuso.

"Di ko alam, hehehe."

Sabay sabay silang napakamot sa ulo. Hehehe.

"Anong balita sa Hydor?" tanong ko.

"Nakakulong na ngayon si Prinsipe Rael, at opisyal nang susunod na Hari si Visal. Usap usapang kamatayan ang hatol dito." sagot ni Tenere.

"Hindi pa rin ako makapaniwalang magagawa 'yon ni Reyna Sheena." -Taki

"H'wag mong maliitin ang nagagawa ng galit ng isang babae, komplikado silang mag isip." -Simone

"Oo nga, nakakatakot." -Lihtan

"Mas komplikado pa rin mag-isip si Cane." -Tenere

Sabay sabay silang tumango at sumang-ayon sa isiping 'yon. Napanguso ako.

"Walang duda." -Taki

Dahil sa pakikipagtulungan ni Prinsipe Rael kay Reyna Sheena sa panglalason kay Haring Agnol at sa ilang ulit na tangka nitong paslangin si Visal ay nakulong ito, kasama ng mga kasabwat niyang mga taksil na kawal.

Ang lason na pumatay nang paunti-unti kay Haring Agnol ay ang mga hinahain sa kanyang pagkain dito sa 'Hideus' at pinagplanuhang maigi na eepekto sa oras na nasa 'Hydor' na si Haring Agnol upang lumabas na isa sa mga makapangyarihang panauhin doon ang nasa likod ng pagkamatay nito.

Isa sa mga hindi dumalo ang Reyna ng Hideus. Kaya naman malayong maturo siyang salarin. Habang nagkakagulo ang lahat sa 'Hydor' ay nagtungo kami sa 'Hideus' at doon ay nalaman namin ang katotohanan.

Kasabay no’n ay ang pagsabog ng kataksilan ni Prinsipe Rael. Ang mga nahuli naming mga taksil na kawal ay ipinagkalulo siya at lumabas ang mga ebidensya na nakaturo sa kanya. Idagdag pa ang tangka niyang pagpaslang kay Prinsipe Visal.

Inalis ko sa mga kamay ko ang hatol, dahil nararapat na sila ang gumawa no’n. Ang mahalaga sa akin ay ligtas sila Simone, hehehe. Tama na 'yong paglalaro namin, nasiyahan sila sa paghuli ng mga taksil na kawal. Ang nanalo ay si Lihtan, hehehe.

At dahil nanalo siya, may tatlo siyang kahilingan na kapalit. Pursigido talaga siyang manalo at nalaman namin ang tunay na motibo ni Lihtan. Hahahahaha!






Tawa ako nang tawa habang nanonood sa paulit ulit na pagtalon ni Tenere habang naka-angkas si Lihtan. Masaya ang mukha ni Lihtan, habang nakabusangot si Tenere. Bwahahahaha!

"Humanda ka sa aking bata ka! Sa susunod hindi ka na makakaulit." bubulong bulong na sambit ni Tenere at tumalon ulit.

Halata sa mukha nina Simone at Taki na gusto ring umangkas.

"Pfft~"

Nang magsawa sa loob ng tatlong oras sa pag-angkas si Lihtan ay kay Taki naman siya umangkas. Hahahahaha!

"Ang bigat mo, Lihtan." -Taki

Nang magsawa siya sa tatlong oras na pag-angkas kay Taki ay pagsapit ng gabi ay...

"Masahiin mo ko, Simone." sambit ni Lihtan.

"Tss..." sumunod naman si Simone.

Parehas na nakasimangot sina Tenere at Taki na pagod na pagod habang masama ang tingin kay Lihtan na relax na relax at nakangiti.

PFFFT~!

"Pakiramdam ko, nabaklas ang buto sa sobrang kalusugan mo, Lihtan!" -Tenere

"Oo nga, huhuhu. Dapat sa’yo di na pakainin! Ang bigat mo, Lihtan!" -Taki

Nginitian lang sila ni Lihtan nang matamis na mas lalong nagpasimangot sa kanila. Hahaha!



Muli akong natawa nang maalala 'yon. Nahuli ko ang nagtatakang tingin nila sa akin.

"Ahiya! Ahiya!!" mabilis na hinila ni Simone ang baywang ko dahil sa nagmamadaling mga sakay ng kabayo. Nakita ko ang bandila ng Dessertum.

"You okay?" alalang tanong ni Simone at sinamaan ng tingin ang mga dumaraan sa aming harapan.

Nakita kong nakasimangot din sina Lihtan, Tenere at Taki habang tanaw ang mga dumaang kawal.

"Mukha silang nagmamadali at namumutla." sambit ko.

Nagdesisyon kaming kumain. Hehehe.

"Magtatagal ba tayo rito, Cane?" -Lihtan

"Si Tenere ang tanungin natin. Hehehe." malokong suhestyon ko.

Ngumisi kami nang sabay sabay habang namimilog ang mga mata ni Tenere.

"B-Bakit ako?!" -Tenere

"Gusto mo pa bang magtagal dito, Tenere?" -Taki

"Tsk. Tsk. Tsk." -Simone

Uminom ako ng tubig habang naghihintay sa desisyon ni Tenere.

"Cane?" nagtatakang tanong ni Tenere.

Mahinang tumawa ako at umiiling na sumandal sa upuan habang nakatingin kay Tenere.

"H'wag ka nang magkunwari sa amin, hehehe, sus!" kantyaw ko pa.

"Habang maaga pa, Tenere, kumilos ka na." nakahalumbaba na sambit ni Taki na hindi nakangiti at diretso lang ang mukha.

Nakita namin ang paglunok ni Tenere. Tumatangong ngumuso ako. Tama si Taki.

"Bakit ganito?" tila bigo at hindi malamang tanong sa sarili ni Tenere.

"Alam mo ang nararamdaman sa’yo ni Prinsesa Shea at Prinsesa Feya, Tenere." dagdag ni Lihtan na palihim na binabawasan ang pagkain ni Tenere. Pfft~

"Oo at alam ko rin ang krimen na ginagawa mo sugapang halimaw!" binatukan ni Tenere si Lihtan. Hahaha.

"Damut." nguso ni Lihtan habang nakahawak sa ulo na niya. Hahaha.

"At ikaw! Kanina pa ako naaasar sa ngisi mo, Simone!" nakasimangot na sambit ni Tenere kay Simone na nasa tabi ko at malawak ang ngisi.

"Masaya ako dahil miserable ka." walang abog na sagot ni Simone. Napangiwi ako at mahinang kinurot ang tagiliran niya.

"Nahihirapan ako dahil ikaw ang mahal ko." nakangising sambit ni Tenere.

Napawi ang ngisi ni Simone at parang handa nang sakalin si Tenere.

"Hahahahahaha. Tama na 'yan." saway ko.

"Cane naman..." simangot ni Tenere.

"Tama sila Tenere, habang maaga pa linawin mo na at siguradong maiintindihan ka nila"

Bumuntong hininga si Tenere at tumango.

"Ipaalam mo sa amin kung maayos mo na silang nakausap, anuman ang desisyon mo. Susuportahan ka namin."

"Salamat. K-kausapin ko sila mamaya at aalis? Aalis na tayo, pagkatapos ko sila kausapin?" -Tenere

"Kung 'yon ang plano mo, kung ano gusto niyo doon din ako. Hehehe." napangiti sila sa sinabi ko. Hehehe.

-


Taki’s Point of View

Naiwan sa ere ang aking paghikab at nanatiling nakanganga nang maabutan ko si Cane na nag-eensayo. Seryoso ang maganda at maamo niyang mukha habang winawasiwas ang hawak na dalawang espada. Ang bilis at istilo ng atake ng kanyang mga paa ay nasisiguro kong makakapagpatumba isang tama pa lang. Para siyang sumasayaw sa hangin ngunit diretso ang tindig, marahan ang pag-angat at pagbagsak na para bang kahit hindi man siya tumingin ay kalkulado niya ang lahat.

Ang galing ng aking binibini! Hehehehe!

Nagulat ako nang may nagliparang patalim sa direksyon ni Cane! At walang kahirap hirap na iniwasan ni Cane nang hindi lumilingon!

Sinamaan ko ng tingin si Simone!

"Bakit mo ginawa 'yon, Simone?! Paano kung- waaah!" pinagbabato niya rin ako ng patalim!

"Hahahaha. Tama na 'yan, Simone." -Cane

Tumigil si Simone ngunit nakangisi pa rin.

"Ang galing mo Cane." doon ko lang napansin si Lihtan na nasa taas ng puno at nakaupo sa puno katabi si Tenere.

Ang daya bat sila lang nandoon?

Tumalon ako at tumabi sa kanila. Hehehe. Napasimangot ako nang bumaba sila kung kailan nakaupo na ako.

"Taki..." mabilis na tumalon ako at nakangiting lumapit sa aking binibini nang tawagin niya ako. Hehehe.

Parang namamanghang nakatingin naman ito sa akin, hehehe. Wala pang segundo nang makalapit ako, hehehe.

"Nakwento mong nakapunta ka na sa Dessertum, hindi ba?" nakangiting tanong ng aking binibini, hehehe

"Nakapunta na si Taki doon, aking binibini!!"

"Gusto ko sanang magtungo tayo doo-whoaaa!" mabilis na binuhat ko siya.

"Si Taki ang bahala sa’yo, aking binibini!" sambit ko at tinakbo siya.

"Caneeeee! Samaaaaa!" -Lihtan

"Taki! Hintayin mo kami!" -Tenere

"Damn! Yari ka sa aking baliw ka!" -Simone

Akala niyo ah! HEHEHEHE!

"Pfft~" nangingiting pigil ng tawa ng aking binibini. Mas lalo akong ginanahan tumakbo, hihihihi! Balakayodiyan!

Nanlaki ang mata ko nang biglang bumagsak sa harapan namin si Tenere na hirap na hirap dahil sa dalawang dambuhalang nakasabit sa kanya

"WAAAAAAH!!" tumakbo muli ako nang matulin. Mas mabilis kanina dahil sa takot na maabutan!

Nakakatakot si Simone! Ayoko sa kanya! Uwaaaaah!

"Hahahahahahahahahaha." bahagyang kumalma ako nang marinig ang tawa ng aking binibini, hehehe

"Damn this crazy kid!" -Simone

"Ang sakit na ng likod ko! Ayoko na, Lihtan!" -Tenere

"Pasakaaaaay." -Lihtan

"Taki! Tigil!" nagulat ako sa sigaw ng aking binibini!

Huli na nang matanto kong bangin pala ang naapakan ko na hindi halata dahil napapaligiran ng mga dahon!

Nakita ko na lang ang sarili ko na hila ni Cane ang dalawang kamay ko.

At hinila niya ako pataas nang walang kahirap hirap!

Binuhat ako ng aking binibini? B-Binuhat ako!

"Hey, ayos lang kayo?" agad na tanong nina Simone, Lihtan at Tenere.

Wala sa sariling tumango ako ngunit gulat na gulat pa rin.

"Kakaibang patibong ito." sambit ni Cane habang nakaluhod.

"W-Wala naman 'yan noon! Patawad aking binibini, huhuhuhu!" nguso ko.

"Pfft~ Ayos lang naman tayo, hehehe, mag-iingat na lang tayo sa susunod."

Tumango ako nang paulit ulit,

"Paano tayo makakatawid?" tanong ni Tenere.

Sabay sabay namin siyang tiningnan. Namumutlang napaatras si Tenere, hehehe.

"Nasa pangangalaga mo kami." -Simone

"Tenere..." -Lihtan

"Hehehehe." -Ako

"Tenere, maaari mo-" -Cane

"Walang problema, Cane." mabilis na sagot ni Tenere at nakangising binuhat si Cane at tinalon.

Ang sarap talagang sumakay kay Tenere.

"A-Ang bigat niyo." -Tenere

"Pasensya ka na Tenere." malungkot na sambit ni Cane.

"A-Ayos lang. Aww C-Cane." pilit na ngiti ni Tenere.

"Nahihirapan kang idiretso ang likod mo?" nag-aalalang tanong ni Cane at may kung anong ginawa sa likod ni Tenere.

"Damn it, Cane!" nagtaka kami nang hilain ni Simone si Cane

"A-Anong ginawa mo, Cane?" naguguluhang tanong ni Tenere na diretso na ang tayo.

"Wala na bang masakit sa’yo?" tanong ni Cane kay Tenere.

"W-Wala na. Magaan na ang pakiramdam ko" sagot ni Tenere.

"Mabuti naman, hehehe. Sa susunod h'wag mong sasagarin ang sarili mo." sambit ni Cane at nagsimula nang lumakad.

"Simone?" kunot noong lingon namin kay Simone.

Napabuntong hininga si Simone.

"Ang ginawa niya kanina ay 'conviare technique' isang pamamaraan na kung saan malilipat ang pisikal na sakit o pilay ng katawan sa taong gumamit."

I-Ibig sabihin?

"Ayos lang ba si Cane, Simone?" tanong ni Lihtan.

Sabay sabay naming binalikan ng tingin si Cane na kumakaway hindi kalayuan.

"Tayo na!" masayang sigaw ni Cane at tumatalon talon pa.

"I think...she is." mahinang bulong ni Simone at nang makita naming kumalma si Simone ay nakahinga kami nang maluwag. Hehehe.

"Hindi ko alam..." mahinang bulong ni Tenere.

"Kahit hindi kayo magsalita, malalaman niya pa rin at gagawin iyon sa kahit sino sa atin." seryosong sambit ni Simone na kinatango namin.

Sa ugali nga ni Cane, talagang gagawin niya 'yon nang hindi nagdadalawang isip. Mas lagi niyang iniisip ang kapakanan ng iba. Muling pinagmasdan ko ito at napabuntong hininga at kinuyom ang aking kamay.

"Cane? Anong gagawin natin sa Dessertum?" maya maya'y tanong ni Lihtan.



Hurricane’s Point of View

Bahagyang nilingon ko sila at nginitian at muling binalik ang tingin sa daanan.

"May narinig akong haka-haka." nakangusong sambit ko.

"Haka-haka? Tungkol saan?" tanong nila.

Marahang huminga ako nang malalim at tumango.

"Napag-alaman kong sagana sa halamang gamot ang Dessertum. Nagbabaka-sakali lang ako kung may makakatulong na panlunas at isa pa, may narinig akong haka haka na may nilalang na naninirahan doon na kayang magpagaling ng kahit anumang uri ng lason at sakit."

Huminto ako at binalingan si Taki. Naguguluhang tumingin siya sa akin. Ang dugo ni Taki ay napakadelikado, isa pa ring misteryo sa akin ang dugong dumadaloy sa kanya.

"May gusto akong alamin." nilabas ko ang balisong na nasa baywang ko at tinutok ang tulis nito sa hinlalaki ko at pinatak sa lantang dahon.

"Kailangan ko ng kaunting patak ng dugo mo, Taki." mabilis na inabot niya sa akin ang kamay niya. At tinutok ang tulis sa hinlalaki niya, at nang pumatak sa lantang dahon at humalo ang dugo niya sa akin ay...

"What the..." -Simone

Nakita namin ang pagkabuhay ng kulay ng dahon.

"Ang lahat ng uri ng lason ay may panlunas. Ngunit hindi lahat ng lason ay delikado." hinarap ko si Taki at ginulo ang buhok. Hehehe.

"But why? Kayang magpagaling ang dugo ng isang baliw?" manghang tanong ni Simone na kinangiwi ko. Pffft~

"Grabe ka, Simone." -Taki

"Ang galing ng dugo niyo Cane at Taki." -Lihtan

"Kung ganoon, nakakapagpagaling ang dugo niyo kung pagsasamahin?" -Tenere

"Hindi ko pa alam ang magiging resulta kung ihahalo ito sa normal na dugo ng tao." sagot ko sa tanong ni Tenere.

Napag-isip isip ko ang bagay na ito kahapon. Kumuha ako ng patak ng dugo ni Haring Agnol nang pumanaw at hindi iyon lunas kahit na gawin namin 'yon ni Taki. Naguguluhan ako at aalamin ko ito kahit anong mangyari.

"Bakit hindi mo subukan sa dugo ni Simone?" suhestyong tanong ni Taki.

"Wala kang mapapala." makahulugang sagot ni Simone. Nagsalubong ang kilay nila at naguluhan.

Nag-iwas ng tingin si Simone sa akin.

Nagpatuloy kami sa aming paglalakbay.

"May malapit na ilog." sambit ni Taki.

"Magtungo muna tayo doon para makapag-imbak ng tubig." sambit ko.

Sabay sabay silang tumango. Napahinto kami nang makarinig ng mabibigat na paghinga, bumungad sa amin ang isang matandang ginoo na sumusuka ng dugo?

Hindi pa man kami nakakalapit ay may mga espada nang nakatutok sa mga leeg namin.

"Sino kayo?" malamig na tanong ng isa sa kanila.

Itinaas ko ang kanang kamay ko, dahil sa nararamdaman kong planong paglaban nina Simone, Lihtan, Tenere at Taki.

"Anong nangyari sa kanila?" tanong ko.

Tumalim ang mga mata nito na nakatingin sa akin, at ilang saglit pa'y ibinaba na nila ang mga espada nila. Nang wala akong makuhang sagot ay lumuhod ako sa ginoong walang malay.

Binuksan ko nang dahan dahan ang nakapikit nitong mata. Mataas ang lagnat, nanginginig, pinagpapawisan, pagsusuka, nanghihinang katawan...

"Nakararanas din ba sila ng kawalang gana kumain?" marahang tanong ko at kinuha ang pulso ng ginoo.

"Tama ka, isa ka bang mang gagamot?" parang nabubuhayang tanong ng sumagot sa akin.

Umiling ako.

"Hindi." Sagot ko at tumayo.

Tipid na nginitian ko sila.

"Hindi ako isang mang-gagamot, ngunit sapat ang kaalaman ko sa epidemyang kumakalat dito. Sa isang kondisyon."

Nagkatinginan ang mga ito.

"Magsalita ka." malamig na utos ng nasa pinakagitna.

"Naglalakbay kami at walang matutuluyan, hehehe. Kung maaari sana'y isama niyo kami sa kuta niyo." sambit ko at bahagyang tumingala sa kalangitan dahil aabutin kami ng dilim. Delikadong magpahinga kami sa kagubatan lalo pa't sa mga sinapit ng mga nabiktima ng...

"Cane, ayos lang bang sumama tayo sa kanila?" narinig kong bulong na tanong ni Lihtan.

Huminga ako nang malalim.

"Hindi nila tayo sasaktan dahil may kailangan sila." mahinahong sagot ko at ngumiti.

At may kailangan ako at nararamdaman kong may nalalaman ang mga ito...

Mafia Heiress Possession: Hurricane ThurstonWhere stories live. Discover now