Chapter 24

36.7K 1K 156
                                    

FINA

Hindi nakasagot si Fina.

Napaisip pa siya kung nagbibiro lang ba si Pierre o ano. Pero mukha namang seryoso talaga ito dahil hindi man lang nito binawi ang sinabi.

"Nagulat ba kita?" He then said tapos binitiwan na ang kamay niya at binalik ang atensyon nito sa daan. "Sorry. Mukhang kahit na anong paraan ko sabihin 'yon, magugulat at magugulat ka pa rin. Pero seryoso talaga 'ko."

Naguluhan siya. Hindi niya tuloy maalis ang tingin niya kay Pierre. "B-bakit mo 'yan sinasabi sa 'kin? Ba't mo 'ko liligawan? Magka-ibigan tayo."

"Higit pa sa kaibigan tingin ko sa 'yo, Fina. 'Di mo ba talaga naramdaman? Na gusto kita?" Saglit itong natahimik. He looks very serious now. "First year, second sem. Do'n ako nag-umpisang mahulog sa 'yo. 'Di lang ako makatuloy-tuloy kasi may isang beses nu'ng nasa library tayo, tandang-tanda ko, nabanggit mo na ayaw mong mag-boyfriend hangga't 'di ka pa nakaka-graduate. Napaatras ako no'n. Syempre ayoko namang sirain plano mo. Sobrang sipag mo pa namang mag-aral. Kaya 'di muna 'ko tumuloy. Medyo nakuntento muna 'ko sa friend zone." Tumawa ito, marahil para pagaanin ang pag-uusap.

Siya naman, hindi niya magawang ngumiti. Nagulat siya e.

Oo, sweet at maalaga sa kanya si Pierre noon pa man. Kaya nga sila madalas tinutukso ni Ellie. Pero hindi niya inaasahan na may gusto pala talaga ito sa kanya. Ang akala niya kasi sinasakyan lang ni Pierre ang mga biro ng best friend niya. Tsaka akala niya mabait lang talaga ito sa kanya kasi isa siya sa mga una nitong naging kaibigan no'ng first year.

Umiwas na siya ng tingin kay Pierre. Nilipat niya ang atensyon niya sa bintana.

'Di niya alam kung matutuwa siya o malulungkot sa pagtatapat ni Pierre. Masaya, kasi gusto siya nito - may gusto sa kanya ang kaibigan niya at ang sikat na varsity player ng university. Malungkot, kasi feeling niya ang wrong timing. Bakit ba ngayon pa ito umamin kung kelang hindi siya buo?

More than that, there's a part of her na nagi-guilty dahil hindi pa rin nga nito alam ang nangyari sa kanila ni Jett.

"Fina..." tawag nito. "...'yung sinabi ko kanina na ba't hindi na lang maging tayo, ayos lang kung 'di mo muna sagutin. Alam kong nagulat ka e. Pero sana hayaan mo 'kong ituloy 'tong ginagawa ko sa 'yo ngayon. Sana walang magbago. Gusto kitang pasayahin. 'Di ko alam kung anong nangyayari sa 'yo. Pansin ko lang na sobrang lungkot mo nitong mga nakaraang araw. 'Di ako sanay na ganyan ka. Na hindi ka ngumingiti. Kilala kita na masayahing babae e. Siguro nga may problema ka talaga. Hindi mo naman kinikwento sa 'kin. 'Di ko tuloy malaman."

Bumuntong hininga ito. Natagalan bago uli ito nakapagsalita. "Dapat talaga hihintayin ko muna graduation natin bago 'ko mag-tapat sa 'yo. Kaso 'di ko na kayang pigilan. Gusto kitang alagaan, Fina. 'Yung pag-aalaga na hindi lang bilang kaibigan."

'Di siya nakasagot. Hindi talaga siya makasagot! Namamanhid ang mga kamay niya sa sobrang tensyon.

Si Pierre na nga lang uli itong nagsalita. "Fina. Tahimik ka naman." Hinawakan uli nito ang kamay niya habang nagda-drive. Inamoy nito saglit nang malambing tapos marahang hinalikan. "'Di mo ba 'ko type? Hindi ba 'ko pogi? Sorry ah, gan'tong kagwapuhan lang nakayanan ko e."

Natawa na siya. Binawi niya ang kamay niya sabay palo sa braso nito. "Baliw ka talaga. Kaya ako nahihirapang malaman kung kelan ka seryoso kasi ang galing mong mag-biro e."

Natawa na rin ito. "Pinapatawa lang kita kasi 'di ka na naka-imik diyan. Pero lahat ng sinabi ko kanina, seryoso talaga 'yun. Gusto kita, at gusto kong maging tayo."

Bumuntong hininga ito, tapos bigla na lang niliko ang kotse papasok sa gasoline station na may maliit na convenience store. "Ice cream tayo. Libre kita. Mukha kasing napasama ko lalo pakiramdam mo."

Mending Fina [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon