Chapter 29

37.2K 1K 285
                                    

FINA

Napapikit nang madiin si Fina. As they kissed, she felt something again. Parang biglang bumalik sa kanya lahat ng nararamdaman niya para kay Jett na pilit niyang kinalilimutan.

Humigpit pa ang pagkaka-kapit ni Jett sa mukha niya and his kiss deepened, pero agad na siyang umiwas.

Kailangan niyang gawin 'yon kasi kung hindi, tuluyan na naman siyang bibigay. Naluha na lang uli siya pagkatapos. Ramdam niya ang lakas ng tibok ng puso niya. Ba't gano'n? Akala niya okay na siya, eh. Akala niya buo na siya, hindi pa pala. 'Di pala gano'n kabilis kalimutan ang feelings para sa isang tao lalo na kung malalim ito.

"Mahal mo pa 'ko?" Jett then asked with his eyes glued to her.

Hindi siya sumagot.

"Fina? Mahal mo pa 'ko, 'di ba?"

Tiningnan lang niya ito, tapos umiling. "H-hindi na kita mahal."

She lied.

Alam niya sa sarili niya na mahal niya pa rin ito, na hindi pa siya maayos, na hindi pa sapat ang pagka-gusto niya kay Pierre para tuluyang makalimutan si Jett.

Tila nanghina naman si Jett. Bumalik ito sa pagkakasandal sa upuan at pumikit.

"S-sorry," she continued. "Itigil mo na 'to. May masasaktan na naman tayo dahil sa mga maling ginagawa natin eh. Si Pierre."

Yumuko ito. "Dati, si Cielo problema natin. Ngayon naman si Pierre. Sana hindi ka na muna agad tumingin sa iba para nagkaro'n pa ng pagkakataon na maging tayo uli. Ang daya mo."

Mas lalo siyang naiyak. "Jett, 'wag ka namang ganyan. Alam ko namang nanghihinayang ka sa 'tin. Sorry. Sorry kung hiniwalayan kita at nakahanap agad ako ng iba. Pero sana maintindihan mo na ginawa ko lang naman kung ano ang tama tsaka kung anong makakabuti sa 'kin eh...

...sobrang mali na 'ko na nagka-gusto ako sa 'yo at pumayag ako sa setup. Ayoko nang dagdagan ang katangahan ko. Tigil ka na, please. Kalimutan mo na 'ko. 'Wag mo na 'kong tatawagan tsaka 'wag ka na ring magpapakita sa 'kin ulit. Mas magiging madali 'yon para sa 'ting dalawa." Pinahid na niya ang basa niyang mga pisngi. "Ibalik mo na 'ko sa school. Kung ayaw mo naman, dito na lang ako bababa." Inayos niya ang bag niya at lalabas na sana ng kotse pero hinawakan agad siya ni Jett.

Hindi naman muna ito nagsalita.

Bumuntong hininga ito at tila kinalma ang sarili. Tapos pinunasan na nito ang luha sa mga mata tsaka binuhay ang makina ng kotse. "Ihahatid na kita pabalik."

Sakto naman no'n ay biglang nag-ring ang phone niya. Sinilip niya. Tumatawag na naman si Pierre.

She shut her eyes tight. 'Di niya alam kung anong sasabihin niya rito. Hinayaan niya na lang na mag-vibrate nang mag-vibrate ang phone. Tumitigil saglit. Pero muli na namang nag-ring.

Ah, bahala na! Sinagot na niya ang tawag. "H-hello?"

"Fina, nasa'n ka na?"

"P-pauwi na."

"Kanina mo pa sinabi sa 'kin 'yan e. Nasa'n ka na nga? Nandito 'ko sa bahay niyo."

Pinanglakihan siya ng mga mata. "B-ba't ka nandyan?"

"Naghihintay sa 'yo. Sa'n ka na ba banda? 'Yung eksaktong lugar. Baka 'di ka pa naman talaga pauwi. Dumilim na o. Sunduin na lang kaya kita?"

"Hindi na, 'wag na. Pauwi na talaga 'ko. Sorry. N-nagkita pa kasi kami ni Ellie e."

Bigla itong natahimik sa kabilang linya. Lalo tuloy siyang kinabahan, baka hindi ito naniwala sa palusot niya. "Hello? Pierre?"

Bumuntong hininga lang ito. Parang sumeryoso. "Fina. Nandito na sa bahay Mama mo."

Mending Fina [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon