Chapter 20

48K 1.5K 250
                                    

FINA

Taranta silang napatayo ni Jett mula sa kama!

Hinawakan niya agad nang mahigpit ang mga kamay nito. "Jett, s-si Cielo! Si Cielo!"

Halata niya namang natataranta din si Jett. Hindi ito mapakali, ni hindi nga nito alam kung saan titingin.

"A-akala ko ba wala siya?" Naiiyak na siya.

Hindi naman siya nagawang sagutin ni Jett. Inis lang itong napasuklay sa buhok nito.

"Ano nang gagawin natin?" tanong niya ulit. "Kinakabahan ako, Jett!"

Dumoble pa ang pagkataranta niya nang muling kumalabog ang pinto. "Babe! Ang tagal mong buksan!"

Na-blanko na siya! Hindi niya na alam kung anong gagawin! Si Jett, bigla na nitong inabot ang bag niya na nasa sahig, tapos dali-dali siya nitong hinila sa siko at inalalayan siya papasok sa loob ng C.R.

Taranta nitong inabot sa kanya ang bag niya. "Stay here, okay? Kahit na anong mangyari, 'wag kang lalabas."

Isasara na dapat nito ang pinto pero pinigilan niya at hinawakan niya agad ang mga kamay nito. Nangilid na ang luha sa mga mata niya. "Jett, n-natatakot ako. 'Wag mo 'kong iwan dito."

Mabilis siya nitong hinalikan sa pisngi. "It's okay, baby, it's okay. 'Wag kang gagawa ng ingay. Babalikan kita. I promise. Hindi kita pababayaan."

Magsasalita pa sana ulit siya pero bigla na nitong isinara ang pinto.

Napasandal na lang siya sa malamig na dingding ng C.R. Rinig na rinig niya ang lakas ng tibok ng puso niya. Parang anytime aatakihin siya! Pa'no 'pag biglang pumasok ng banyo si Cielo? God! Hindi pa siya handa. Hindi pa siya handang mabuko!

Nanginginig ang mga kamay niya sa sobrang kaba. Hindi na rin siya mapakali!

Narinig niya na ulit ang boses ni Cielo. Mukhang nakapasok na ito sa loob ng unit. Galit ito dahil rinig na rinig niya ang mga sigaw nito kay Jett.

Tinapat niya ang tenga niya sa pinto. Sinubukan niyang pakinggan ang mga pinag-uusapan sa labas, pero hindi siya makuntento. Gusto niyang makita ang mga 'to. Dahan-dahan niyang binuksan nang bahagya ang pintuan. Mula sa maliit na siwang ay naaninag niya na sila Cielo at Jett. At mas kumlaro rin ang rinig niya sa pag-uusap ng dalawa.

"Halika na," sabi ni Jett habang hinihila sa braso si Cielo. "'Wag ka nang pumasok, ihahatid na kita pauwi."

Inis namang tumanggi si Cielo. Base sa hitsura nito, para itong naka-inom. "No! I'm staying here! You're hurting me too much, Jett! Hindi ko na kayang manahimik! Tumawag sa 'kin si Mama. Bakit mo sinabing makikipag-hiwalay ka na sa 'kin? How could you tell that to them?!"

"Tumigil ka na nga. Ikaw 'tong unang gumawa ng kalokohan! Sinabi mo pang magpapakasal na tayo. Sa'n mo naman nakuha 'yon? Alam mo sa sarili mong patapon na 'tong relasyon natin kaya tumigil ka sa kakagawa mo ng kwento!"

Hinampas ito ni Cielo sa dibdib!

Do'n na siya naiyak. Rinig na rinig niya ang lakas ng pagtama ng palad ni Cielo sa dibdib ni Jett. Parang siya 'yung nasaktan! At wala man lang talagang ginawa si Jett.

Hinila lang uli nito si Cielo sa braso. "Tsaka na tayo mag-usap. Ihahatid na kita. Lasing ka."

"No, I'm not!"

"Yes, Cielo. Tingnan mo nga 'yang itsura mo. Pulang-pula na 'yang mukha mo! 'Di ba pinagsabihan na kitang 'wag kang iinom."

"Kasalanan mo naman kasi, e! I'm faithful to you, Jett! Pero ikaw! Bakit pakiramdam ko ang dami-dami kong kahati sa 'yo? I know you're not faithful to me! Nararamdaman ko, pero pinipigilan kong hindi mang-away. Totoo talagang nilalandi ka ng Fina na 'yon, 'no? That b*tch! She's a sl*t!"

Mending Fina [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon