Chapter 26

33.4K 1K 185
                                    

FINA

"Ellie!" Agad na tawag ni Fina nang maabutan ang kanyang best friend sa classroom pagkapasok niya.

Buti na lang nandito ito. She badly needs her help dahil hindi na talaga siya napakali mula no'ng nag-text kagabi si Jett.

"'Lika muna sa labas." Hinila niya ito patayo mula sa silya. "Wala pa naman si ma'am. May sasabihin lang ako sa 'yo."

Walang angal namang sumama si Ellie. Pagkalabas nila ng silid, tsaka lang ito nagtanong. "Ang aga naman ng chika mo. Ano 'yan?"

Bumuntong hininga siya sabay hinigpitan ang pagkaka-kapit sa dala niyang paper bag. "May problema ako. Nagtext kagabi si Jett. Nakikipag-kita siya kasi gusto niyang kunin 'tong jacket niya na nasa 'kin." Inangat niya ang bitbit niyang paper bag. "Ellie, 'di ko pa siya kayang makita at maka-usap ulit."

"E 'di 'wag mong ibalik 'yang jacket. Ba't mo pino-problema masyado."

Napayuko siya. "Nahihiya ako. Baka kailangan niya e."

"Hindi niya kailangan 'yan. Style niya kamo bulok ah. Naghahanap lang 'yun ng paraan para makausap ka."

"Alam ko. Pero feeling ko dapat ko pa ring ibalik kasi kanya 'to. Nakakahiya kung 'di ko isasaoli sa kanya."

"Ok. So anong gusto mong gawin? 'Wag mo sabihing ako ang pakikiusapan mong mag-balik niyang jacket na 'yan sa kanya."

Natahimik siya.

Bumagsak naman ang mga balikat ni Ellie. "H-hindi nga? Ako talaga uutusan mong magbalik?"

Agad niyang hinawakan ang kamay ng kaibigan. "Sige na, Ellie. Tulungan mo naman ako."

"Hay nako, ayoko! Nahihiya rin ako, 'no."

"Please? Saglit lang 'yun. Iaabot mo lang sa kanya tapos alis ka na."

"Ayoko. Ayoko ring makaharap 'yung Jett na 'yon baka matadyakan ko lang 'yun eh. 'Wag mo nang ibalik 'yan. Pabayaan mo siya." Tinalikuran na siya nito at bumalik na sa classroom.

Tsk, napapikit na lang siya nang madiin.

Mali siya ng akala. Hindi pala papayag si Ellie sa pakiusap niya. Pa'no na 'to, hindi pa talaga siya ready na makita uli si Jett!

'Di niya nga 'yon nagawang replyan kagabi eh. Nagtext na lang uli ito sa kanya kaninang umaga para sabihin kung sa'n sila magkikita. Sa gilid uli ng gym. Mas lalo tuloy niyang ayaw pumunta. Mage-ensayo kasi si Pierre ngayon do'n. Mamaya niyan mahuli na sila nito eh.

Bumuntong hininga na lang uli siya at pumasok na rin sa classroom.

Pagka-upo niya sa silya na katabi ni Ellie, napangalumbaba siya. Heto na naman siya sa problema niya kay Jett. Kung alam niya lang na 'yung jacket na 'yon ang gagawin nitong daan para makipagkita, sana pala binalik niya na 'yon dati pa. Or better, sana pala hindi niya na lang kinuha.

Bigla naman siyang tinapik ni Ellie sa balikat. "Uy."

Sinilip lang niya ito. "Uy."

Ellie took a deep sigh tapos nangalumbaba rin. "Sige na. Ako na magbabalik niyang jacket kay Jett."

Ang bilis niyang napatuwid ng upo. "T-talaga?"

"Oo. Ayokong mamroblema ka na naman nang ganyan eh. Partners in crime tayo, remember? Akin na nga." Kinuha na nito ang paper bag. "Sa'n ba siya nakikipag-kita para kunin 'to?"

"Sa gilid ng gym. Mamayang alas-kwatro." Bigla niyang niyakap si Ellie sa sobrang tuwa niya! "Thank you, Ell! Thank you talaga!"

**

Mending Fina [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon