Chapter 23

52.5K 1.8K 389
                                    

FINA

Kararating lang ni Fina sa school galing sa pinag-duty-hang ospital.

Hindi na muna siya dumiretso ng uwi kasi may kailangan pa siyang i-research sa library. Tsaka gusto niya rin kasing manood ng practice ni Pierre mamaya. Bayad niya lang dahil sinundo siya nito kaninang umaga sa bahay at hinatid sa duty. Sobrang caring nito.

Kahit papa'no naman ay gumanda na ang pakiramdam niya. Hindi na katulad kagabi na hirap na hirap siyang gumalaw. Akala niya tuloy 'di siya makakapasok. Ngayon, nanghihina pa rin siya pero kaya naman.

Thankful siya dahil naka-alalay lang sa kanya si Pierre. Hindi niya naman ito sinabihan na manatili sa tabi niya, pero ginagawa pa rin nito. Napaka-thoughtful. Bukod kay Pierre, naka-alalay din sa kanya si Ellie. Kanina nga nagulat siya kasi iisang ospital lang pala ang pagdu-dutyhan nila. Surprise sa kanya ng best friend niya. Namiss raw kasi siya nito eh. Tuwang-tuwa siya. Mabuti't hindi na ito galit at nagkabati na silang dalawa. Kahit papa'no nawawala ang lungkot niya dahil kina Ellie at Pierre.

Kinamusta din agad siya ni Ellie kanina at binigyan pa ng sandwich. Natuwa rin ito nang malamang inaalagaan siya ni Pierre. Kaya nga kampante 'yung best friend niyang 'yon na babalik siya mag-isa sa school ngayon. Alam nitong safe siya.

***

Papasok na sana siya sa main library ngayon nang mapansin niya ang babaeng nakaupo sa bench na katapat lang ng entrance. Umiiyak kasi ito.

Natigilan tuloy siya sabay tingin sa paligid. 'Yung iyak kasi ng babae parang wala itong pakialam sa mga pwedeng makakita. E ang dami kayang mga studyanteng napapatingin sa pwesto nito.

Laking gulat niya na lang naman nang bigla itong mapasilip sa kanya.

Do'n siya kinabahan! Si Cielo pala! Hindi niya agad nakikala dahil wala man lang itong kaayos-ayos sa mukha.

Tinaasan siya nito ng isang kilay. Galit ang tingin nito sa kanya, para itong nanggi-gigil at anytime ay manunugod na naman!

Duwag na kung duwag, pero natakot talaga siya.

Hindi na siya tumuloy sa pagpasok sa library. Tumalikod agad siya at dapat maglalakad na nang mabilis palayo pero saktong may nakabunggo siyang lalaki.

"Oy, Fina."

Nag-angat siya ng tingin. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib nang makitang si Pierre pala ang nakabunggo niya. Diyos ko, gusto niyang mag-thank nang bongga you rito! Niligtas na naman siya nito nang hindi nito nalalaman.

"Ba't namumutla ka?" tanong nito sa kanya.

Hindi naman agad siya nakasagot. Sumilip muna siya kay Cielo na ngayo'y nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni Pierre.

"Okay ka lang?" Tanong na naman nito.

"K-kain tayo," sabi niya na lang sabay hila na sa manggas ng uniform nito.

Takang-taka si Pierre. "Anong nangyari? Nagmamadali ka bigla."

"Wala. Pupunta dapat ako sa library, kaso nagbago isip ko. Nagugutom pala 'ko."

"Ah, sakto pala 'ko, 'no? Kanina pa kaya kita sinusundan. Hindi mo napansin? Galing ko?"

Napahinto siya sa paglalakad. "Kanina pa? E ba't 'di ka na lang nagpakita sa 'kin agad?"

Ngumiti ito sa kanya. "Wala lang. Ang cute mo kasing pagmasdan habang naglalakad ka. Para kang nananaginip nang gising. Nakakabuo ng araw."

Sinimangutan niya ito. "'Wag mo nang uulitin 'yon, ah? Samahan mo na lang ako palagi, mas gusto ko 'yon."

Mending Fina [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon