Chapter 28

33.3K 997 233
                                    

FINA

Umpisa na ng sembreak. Hindi na namalayan ni Fina ang bilis ng araw dahil masyado siyang naging masaya sa piling ni Pierre.

Hindi niya pa rin naman ito sinasagot. Pero malapit na. Nahulog na siya eh. Mas lalong naging sweet at caring si Pierre nitong mga nakaraang buwan kaya hindi niya na napigilan ang sarili na mas lalo itong magustuhan. Kung tatanungin, masaya na siya at okay na siya ngayon.

Si Jett nga lang 'tong mukhang hindi pa okay.

Panay pa rin ang text at tawag nito sa kanya the past several weeks. Gusto pa nga nitong makipag-kita. Hindi niya na lang pinapansin. 'Di na talaga niya alam kung ba't ba hanggang ngayon hindi pa rin nito matanggap na ayaw na niya eh. Ano bang gusto nitong makuha at pilit pa rin itong nakikipag-kita sa kanya? Second chance? Closure? Ah, ewan. There's this one time na hindi na yata nakatiis si Jett at pinuntahan na talaga siya nito sa bahay.

Hindi naman siya lumabas. Sinabihan niya lang si ate Martha na pauwiin na ito at 'wag na uling pababalikin. Nalaman na tuloy ng ate niya kung anong nangyari sa kanila ni Jett. Kinwento niya na lang lahat. Tutal, tapos na rin naman eh. Kahit papano'y naka-move on na siya sa isa sa mga pinaka-mahirap na phases ng college life niya. Alam na rin ni ate Martha at ng Mama niya na nanliligaw na sa kanya si Pierre. Tanggap naman ng mga ito dahil 'yun nga, hindi na iba si Pierre sa pamilya niya.

Ngayon, pauwi na siya galing sa school. Last day na ng make-up duty niya para sa mga araw na hindi niya napasukan no'ng nagkasakit siya. Bakasyon na rin siya, sa wakas!

Dumaan lang siya saglit sa office ng department nila para mag-inquire tungkol sa mga units niya for next sem. Kailangan na kasi niyang mag-enroll. Kasalukuyan na siyang naglalakad sa hallway palabas ng university nang biglang mag-ring ang cellphone niya.

Si Pierre na naman 'to. Kanina pa 'to nangungulit eh. Parang gusto palaging naririnig ang boses niya.

Sinagot niya na agad. "Hello."

"Hi, baby."

Natawa siya sabay umiling-iling. "Anong baby. Umayos ka nga."

"'To naman, sinusubukan lang e. Nasa'n ka na? Nakabalik ka na sa school galing duty?"

"Oo. Naglalakad na nga 'ko sa hallway palabas. Nakapag-inquire na rin ako. Ang mahal ng tuition ko, grabe! Ang daming dagdag dahil graduating. Buti na lang talaga last sem na 'to. Makakapag-pahinga na si Mama sa gastos sa 'kin. Uy oo nga pala, susunduin natin si Mama sa airport, ha? Sa susunod na araw na dating niya. Baka makalimutan mo."

"Ba't ko naman makakalimutan. Oo, susunduin natin si tita. Sa'n ka na ngayon?"

Kumunot noo niya. "Ha? Naglalakad nga. Ba't ka paulit-ulit?"

Natawa ito. "Wala lang. Diretso uwi ka na ba sa inyo?"

"Hmm, baka nga magkita pa kami saglit ni Ellie e. Ite-text ko pa siya. Sabi niya kasi ready na 'yung invitations natin para sa kasal ng kuya niya."

"'Wag ka nang makipag-kita kay Ellie. Baka busy 'yon. Umuwi ka na agad. Ngayon na, uwi ka na ngayon."

Nagtataka siya na natatawa. "Bakit ba?"

"Syempre. Aabutan ka ng dilim pag 'di ka pa umuwi ngayon. Mag-a-ala-sais na kaya."

"Sus! Ikaw ah, may surprise ka na naman sa 'kin, 'no? Kaninang umaga mo pa 'ko kinukulit tapos tanong ka pa nang tanong kung nasa'n na 'ko eh."

"Wala ah. Ba't naman ako magkakaro'n ng suprise. Birthday mo ba?"

"Hindi. Kaya nga 'ko nagtataka kung ba't ganyan ka eh."

Mending Fina [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon