JeDean LV

12K 207 0
                                    

" Pong, Please tulungan mo naman ako oh " sabi ni Deanna

" Malabo yan Dean, yung pakikiharapan ko si Tito pa ehhh ang strict kaya yun nakakatakot pa " tanggi ni Ponggay

Nandito sila ngayon sa Living Room at nakatambay ang ibang Lady Eagles dahil wala namang training hanggang next week dahil focus sila ngayon sa a ademics nila

" babalik din naman ako next day ehhh kelangan ko lang tlaga e meet yung Papa ni Margarett sa laguna " pagdahilan ni Deanna

"bakit Dean nabuntis mo nba? " tanong ni Kat

" ang tanong may mabubuo ba? " singit naman ni Jules

" please tigilan nyo nga muna yan nag iisip ako ng dapat kong gawin pag pumunta parents ko dito " namomoblemang sabi ni Deanna

" ehh bat d mo na lang kasi sabihin na punta ka ng Laguna " suggest ni Maddie

" hindi pwede, malalaman ni Daddy yun. pag nagkataon ayokong ipamahamak Girlfriend ko " nag aalalang sabi ni Deanna

" so anong gusto mo gawin namin aber? " tanong naman ni Kim

" magdahilan kayo na may group project, training sa ibang lugar, oh kahit ano pa yan " sabi na lang ni Deanna

" ginawa mo pa kaming sinungaling kay Tito " naiiling na sabi ni Ponggay

" ngayon lang naman ehhh babalik ako the day after, promsie yun sa inyo " pagmamakaawa ni Deanna

" Deanna ikaw tlaga bat pati kami nadadamay yan sa lovelife mo wala naman kaming mapapala dyan " sabi naman Bea

Correction Captain may mapapala tayo, pag nagkatuluyan sila syempre  sa kasalan tuloy niyan natural pag may kasalan may Foods dba " sabay kislap ng mata ni Ponggay

" ang takaw mo tlaga Pongs pagdating tlaga sa  pagkain tlaga d ka pahuhuli no? " naiiling na sabi ni Deanna

" naman " proud na sabi ni Ponggay

" so guys okay na? " tanong pa ni Deanna

" Speaking of Food,  papayag kami pero sa isang kondisyon " nakangising sabi ni Bea

" anong kondisyon? "

" libre mo kami for 1 week breakfast.. lunch.. dinner " at tumawa ng malakas

" yan magandang idea yan Captain " natutuwang sabi ni Ponggay

" No! " sigaw ni Deanna

" okay sige dinner for 1 week. "

" Ayoko masakit pa rin sa wallet yun, ehh ang sisiba nyo kaya kumain lalo natong si Ponggay " parang batang sabi ni Deanna

" ayaw mo? ehh d ikaw humarap sa parents mo " sabay tayo ni Bea

" Captain naman " pagpigil ni Deanna

" yun ang kondisyon namin ehh, ano papayag kba o hindi ? " naka cross arm na sabi ni,Bea

" aish! oo na basta ako pipili ng place kung saan kakain " inis na wika ni Deanna

" walang problema " nakangiting sabi ni Bea

" start na ako mag gym mamaya para ready na ako next week sa libre ni Deanna " masayang sabi ni Ponggay

" hindi ba pwedeng gumawa kayo ng walang kondisyon? " tanong ni Deanna

" wala ng libre sa panahon ngayon Deanna " paalala pa ni Maddie

" Okay fine! basta make sure maayos yung pakikipag usap nyo sa parents ko pag dumating sila dito " sabi pa ni Deanna

" kami pa ba, Best actress yata kami ni Ponggay " sabi pa ni Maddie

" Correct! " at nag apir pa sng dalawa

naiiling na lang si Deanna sa mga kasamahan niya, pero thankful pa rin ito dahil nandyan sila para tumulong sa kanya

---

Laguna

Kararating lang nila sa bahay nina Jema, at sinalubong ito ng Mama niya at ng kapatid nito

" kamusta ang byahe anak? "

" Okay lang po Mama " sabay halik sa ina nito

" ikaw naman iha kamusta byahe "

" Okay naman po " nakangiting sabi ni Deanna

" San po si Papa ma? "

" Nasa school yun alam mo naman pag sabado andun yun, at tsaka nga pala pinapaunta kayo ng Papa mo Jema dun"

" Sige po Ma, mamaya na lang. bisitahin ko muna si Ate "

" Sige "

Pumasok sila sa kwarto ni Jema

" Bib lagay mo na bag mo dyan sa tabi, at kung gusto mo magpahinga pwede naman " sabi ni Jema at nag ayos ng sarili

" Bakit san ka pupunta? "

" Bibisitahin ko lang yung kapatid ko " sabi ni Jema

" Sama ako "

" Bib baka pagod ka sa byahe " concern na sabi ni Jema

" Bib ano kba gusto ko ring makilala yung kapatid mo andito na rin lang naman ako lubos lubusin ko na " sabi naman ni Deanna

Kaya wala ng nagawa si Jema kundi pumayag

Dumaan muna sila sa palengke at bumili ng bulaklak at kandila, nagtataka naman si Deanna kung bakit kailangan nilang bumili ng ganun, pero hindi nito magawang magtanong  tahimik lang itong sumusunod kay Jema

Hanggang sa nakarating sila sa Sementeryo

Nanunuod si Deanna sa ginagawa ni Jema, naglagay ito ng bulaklak at nagsindi ng kandila sa isang puntod at nabasa niya ang pangalan kaparehas ng apelyido ni Jema kaya napatingin siya dito, nakita niyang nagpupunas ng luha ang kasintahan

" si Ate namatay siya sa heart attack nung 2015. alam mo ba na sya ang pinaka close sa kapatid ko? sya nasasabihan ko pag may problema ako, siya rin madalas nag aadvice sakin, kaya  nung nawala siya malaking parte ng buhay ko din ang nawala " naluluhang sabi ni Jema

Malungkot siyang tiningnan ni Deanna, nasasaktan siyang nakikita itong umiiyak

Humarap siya sa puntod ng kapatid ni Jema, pumikit siya at  nag offer ng prayers, nakatingin naman sa kanya si Jema nang bigla niyang minulat ang mga mata niya

"Hello po Ate, ako nga pala Si Deanna Wong Girlfriend ni Jema Galanza, ng kapatid nyo po, wag po kayong mag alala aalagaan ko po ang kapatid niyo hinding hindi ko po siya pababayaan, bago pa lang po kami at alam kong marami pa kaming pagdadaanang pagsubok pero promise ko po na hindi ko po bibitawan ang kapatid nyo, kung nasan man po kayo Ate alam ko lagi nyo siyang binabantayan, at gusto ko po sana na sabihin sa harapan nyo po na" inabot niya ang kamay Ni Jema at kinulong sa palad niya

Napangiti namang napatingin si Jema sa kasintahan

" Mahal na Mahal ko po ang kapatid nyo  " sabay tingin kay Jema

Nagstay pa sila ng 15 mins. bago nila maisipang umalis para  puntahan sa school ang Papa ng kanyang girlfriend

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon