JeDean XLVII

11.8K 252 10
                                    

Sinundan ni Jema ng tingin ang tinitingnan ni Deanna, at nakita niya sa tv ang team nila na naglalaro

Binalik niya ang tingin kay Deanna na takang nakatingin sa kanya

"malamang hindi ka nanuod ng game namin, replay yan at syempre nanalo kami sa game " sabi ni Jema

" Hindi ako nagtatanong " bored na wika ni Deanna

" hindi mo ba babatiin ang Girlfriend mo? alam mo bang player of the game ako? " nakangiting tanong ni Jema

" Oh tapos? ano gusto mong gawin ko mag pa party? " tanong ni Deanna in a serious tone

" pwede rin " sakay ni Jema sa sinabi ni Deanna

" psh! wala akong budget para dyan " kaswal na sabi niya

Natawa naman si Jema, habang napairap naman si Deanna

" Hindi mo man lang ba itatanong sakin kung sino naging inspirasyon ko kung bakit naging player of the game ako kanina? " dagdag na tanong pa ni Jema

" Hindi. ako. interesado "

" Ikaw" Salitang nagpatahimik kay Deanna

Lumapit si Jema kinatatayuan nito

" alam mo bang may kasalanan kpa sakin? akala ko ba mag uusap tayo? bat mko iniiwasan? " tanong ni Jema

" hindi kita iniiwasan, busy ako sa training at ikaw busy ka rin sa game mo"

Nang magtama ang tingin nila ay naunang umiwas ng tingin si Deanna

" alis na ako " sabay talikod

Pero bago pa nakalayo si Deanna ay hinila na siya ni Jema pabalik sa sobrang lakas ng pagkahila ni Jema ay napasobsob si Deanna sa katawan ni Jema dahilan para mayakap sya nito

" T-Teka lang.. m-maraming T-Tao " nauutal na protesta ni Deanna, bigla siyang kinabahan ng dumikit ang katawan niya sa katawan ni Jema, pinipilit niyang kumawala pero mas lalong hinigpitan ng babae ang pagkakayakap sa kanya

" 2 mins lang please " bulong ni Jema sa tenga ni Deanna

Hindi na umalma si Deanna at hinayaan na lang siyang yakapin ng babae

Malungkot na napangiti si Jema nang hindi na ito nag protesta

" Na miss kita alam mo ba yun? Sorry na kung may nagawa man ako na nakasakit sayo, alam mo bang hinintay kita?, tiniis kong hindi ka e message kasi sabi mo mag uusap tayo pagbalik mo, ilang araw kna dito sa manila pero kahit isang message wala akong natanggap sayo, talaga bang wala ka ng pakialam sakin? Sa pagkakaalam ko Girlfriend mo ako dba? Nag away tayo Oo, pero hindi naman tayo naghiwalay. Niligawan mo ako, at sinagot kita. dba Dapat masaya tayo ngayon? pero bakit parang hindi naman. " emosyonal na wika ni Jema

Bigla na lang may naramdamang mainit na likido sa balikat nya si Deanna

Nang kumalas na sa pagkakayakap si Jema ay nakita ni Deanna na pinunasan nito ang kanyang pisngi

Nagawa pang ngumiti sa kanya ni Jema, sa kabila ng namumulang mata nito

" Thank you sa 2 mins. hug.. bawing bawi sa pagod ko kanina sa game, ingat ka sa pag uwi B " at naglakad na palayo si Jema

Sinundan ni Deanna ng tingin si Jema, hanggang sa mawala ito sa paningin niya

then Deanna asked herself

" am I a Bad Person? for letting my Girlfriend cry? "

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon