JeDean LIII

11.3K 234 6
                                    

Sa bilis ng pangyayari hindi naka react si Deanna, nandito sila ngayon sa kusina, kung saan nakikipag usap ang Ama ni Jema sa Uncle niya habang katabi naman nila ang Mama ni Jema na inaasikaso si Cy

" Pa, " sabay halik sa pisngi ng papa niya pero hindi pa rin binibitawan ang kamay ni Deanna

" Mama " at hinila rin ito palayo kay Cy pinagtabi nito Mama niya at Papa niya

Samantalng siya naman pmwesto sa tabi ni Deanna habang hawak pa rin ang kamay ng babae

" Si Deanna po " sabay tingin sa katabi

" siya po yung taong Mahal ko at siya po ang Girlfriend ko " masayang sabi ni Jema

Gulat na napatingin si Deanna sa kanya

Nagkatinginan naman ang mga magulang ni Jema, bago binalik ang tingin sa dalawa

" Kagandang bata naman nito " ang Mama na ni Jema ang unang bumati kay Deanna sabay yakap sa kanya

" Ang bango pa Papa, ang kinis pa ng balat anak mayaman ka ba iha? " tanong pa ng Mama ni Jema

Hindi nakakibo si Deanna, kasi kinakabahan siya sa mga tingin ng Papa ni Jema

" Pa wag nyo namang takutin ang Girlfriend ko " lambing ni Jema sa papa niya

" mahalin mo lang at alagaan ang anak ko wala tayong magiging roblema Dina " seryosong sabi ng Papa ni Jema

" Pa Deanna hindi Dina " pagtatama ni Jema

" Parehas lang yun " sagot naman ng ama niya

" Si Papa tlaga " naiiling na wika ni Jema

" Halika dito, Kumain ka sabayan mo na si Cy " akay ng Mama ni Jema kay Deanna

Pinagsisilbihan ng Mama ni Jema si Cy, habang pinagsisilbihan naman ni Jema si Deanna

"Dina umiinom kba? " biglang tanong ng Ama ni Jema

" Po?" gulat na tanong ni Deanna

"Pa Deanna nga ho. Deanna ang kulit.. " maktol ni Jema

" tsaka wag nyong painumin yan Papa, low tolerance yan pagdating sa inom ehh " dagdag pa ni Jema sabay bigay ng tubig kay Deanna

" Pano yan, yung gusto ko kasing mamanugangin ko yung kaya akong sabayan sa pag inom ko " wika naman ng Papa ni Jema

" Papa " pag pigil niya sa Ama

" Wala hong problema Sir, " kampanteng sabi ni Deanna

" Bib " inis na binalingan niya ang kasintahan

Hindi pinansin ni Deanna si Jema at sumunod sa Papa ng Girlfriend niya

Naglatag sila ng mesa sa labas ng apartment, kasama nila ang uncle at dalawang pinsan ni Jema

Una nilang tinagayan si Deanna

" Ano po tong klaseng alak Sir? " magalang na tanong niya sa matanda

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon