JeDean IX

16.3K 320 22
                                    

Masayang binati ni Deanna ang guard nila sa Dorm at pakanta kanta pa ito habang papasok ng building

Pagkasara nya ng pinto ay bumungad sa kanya ang teammates niyang nakatambay sa sala

" it's a miracle kumpleto kayo ngayon, ano meron? " ngingiting tanong ni Deanna

" san ka galing? maghapon kang wala " seryosong tanong ni Maddie

" may binisita lang na kaibigan" sagot  ni Deanna

" then can you explain this " pinakita ni Maddie ang text ni Jia

Napapikit si Deanna matapos mabasa ang text

" girls, pwede wag nyo naman ako tingnan ng ganyan? " pa cute niyang sabi

" so anong reason mo bakit hind tuloy yung libre ni Ate Jia?" tanong ni Jho

Gustong matawa ni Deanna dahil sa inaasal ng ka teammates niya dahil lang sa libre parang papatay na sila ng tao

" subukan mo lang tumawa Deanna, makakatikim sa sakin bukas " banta ni Maddie sa kanya

" okay, okay... sorry.." saka tinaas ang dalawang kamay bilang pagsuko at tinikom ang bibig

" don't tell me na sinolo mo yung libre ni Ate Jia Deanna? masasakal tlaga kita " banta pa ni Ponggay sa kanya

" Girls seriously?.... oo malakas ako kumain pero hindi naman ako ganun kasiba " pagtanggol ni Deanna sa sarili

" So what happen nga?" tanong naman ni Bea

Hindi pa rin nagsasalita si Deanna

"what punishment do you want? run laps? sit up? push up? name it you can have it  " seryosong tanong ni Maddie

" Captain naman " pag papaawa ni Deanna

" 10 laps  "

" Ate Maddie sasabhin ko naman sa iyo promise pero wag muna ngayon "

" 15 sit ups  "

" Captain wag naman ganito ohhh.. " sabay hawak kay Maddie pero d naman ito pinansin ng isa

" 20 push ups"

"Deanna Wong we're waiting " sita naman ni Kat

Umupo ito sa sofa at tiningnan ang mga kasama bago magsalita

" humingi ako ng favor kay Ate Jia " mahinang sabi ni Deanna

" 25 laps"

" Ito na nga magkkwento na nga  ako Captain " 

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita ulit

" hiningi ko ang number ni Margarett sa kanya "

" who's Margarett? " takang tanong ni Maddie

" Jessica Margarett Galanza, Jema for short "

" Okay 30 sit ups  " pagpapatuloy ni Maddie

" Captain naman sinabi ko na nga sayo " parang naiiyak na wika ni Deanna

" 35 push ups  "

" Ouch! sakit sa katawan niyan hahaha.. ang dami  " singit naman ni Ponggay

" Okay.... okay.... heto na, may isang favor pa ako na hiningi kay Ate Jia, yun ang makasama ko si Margarett ngayon, in exchange ng panlilibre niya sana satin " tuloy tuloy na sabi ni Deanna

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon