JeDean I

22.5K 350 11
                                    

Restaurant

"Sana hindi mo na pinatulan" panenermon ni Deanna kay Ponggay

" at ano? hayaan ko siya na lait laitin tayo? lalo na ikaw?" taas kilay na tanong naman ng kaibigan

" it's my fault, i probably hit her friend " mahinang sagot ni Deanna

" you didn't mean that. the one with her was probably stupid " pagtataray ni Ponggay

" Pongs! Stop that, let's eat na " pagpapatigil ni Maddie sa kasama

"Anyway Dean, the falcons challenged us " balewalang sabi ni Maddie habang kumakain

Kasalukuyang umiinom si Deanna ng tubig ng biglang masamid ito dahil sa sinabi ng kanilang team captain

"Deanna manners naman" natatawang saad ni Ponggay at binigyan sya ng tissue

"Sorry, Sorry, " hingi ng paumanhin ni Deanna at kinuha ang tissue na inabot ng kaibigan pagkatapos pinunasan ang bibig niya

"What do you mean Captain?" tanong ni Deanna at umayos ng upo, tsaka itinuon ang tingin kay Maddie

" Their setter na well d ko naman kilala yung name, she made a deal na pag nanalo yung team nila next game mag so sorry ka dun sa kasama nila, in Public and pag tayo naman nanalo quits na daw tayo" kwento ni Maddie

Tumango tango lang si Deanna

"Alam ko naman na hindi ka pumapatol sa mga ganyan captain" nakangiting wika ni Deanna at nagsimulang sumubo ulit

" Dyan ka nagkakamali my Dear Deanna " sabad ni Ponggay

Ngumunguya si Deanna, at nagtatakang tiningnan ang kasama, hinintay na may magsalita

" Good news!Pumayag si Captain " masayang wika ni Bea at pumalakpak

"What?!!!" biglang napasigaw si Deanna diretsong napatayo pa ito

Nakatingin tuloy sa kanila ang ibang kumakain sa restaurant na nagulat sa inasta ni Deanna

"calm down!" utos ni Maddie sabay paupo dito

" Captain please, sabhin mo joke lang to " Deanna

" ano tingin mo kay captain? clown? " seryosong sabi ni Jho

"Captain, bakit ka pumayag? " parang batang tanong ni Deanna

" We're not coward Dean, ano magpapatalo ba tayo sa kanila? " sagot ni Maddie

Laglag ang balikat ni Deanna habang nakatingin sa pagkain niya

" mananalo naman tayo dba?" pabulong na tanong ni Deanna at pinaglaruan ang pagkain na nakalagay sa plato niya

" I'm not sure, " pilit pinipigilan ni Maddie na tumawa kasi nakabusangot mukha ni Deanna na

"Seryoso???" gulat na tanong ni Deanna sabay tingin sa nagsalita

"Kidding, we have the best team sa tingin mo magpapatalo tayo?" confident na tanong ni Ponggay

"Of course not! Lady Eagles tayo ehhh.. Heartstrong! " sabay taas ng kanang kamay ni Bea

"Heartsrong" sabi naman ni Jo at hinawakan ang kamay ni Bea na ikinatingin naman ng isa

"Heartstrong" sabi naman ni Ponggay at humawak sa kamay nina Bea at Jo

"Heartstrong" nakangiting sabi ni Maddie at nakisali na rin sa paghawak kamay nung tatlo, hinintay nila si Deanna na sumama sa kanila pero parang problemado itong isang teammate nila

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon