JeDean XXIV

14.6K 299 3
                                    

Pagkatapos sabihin ang dapat nyang sabihin ay tumayo na si Luigi at naglakad palabas ng Videoke room, nang makasalubong niya si Jema

" please take care of her " at inilahad ang kamay nito sa kaharap na babae

Naguguluhan man ay tinanggap ni Jema ang kamay ni Luigi.

Nakipagkamay siya dito

" I will, Thank you.. Luigi " pagpapasalamat ni Jema

Ngumiti naman ang binata, at naglakad na patungo sa cashier para bayaran ang bill

Nang makapasok si Jema sa loob ay nakita niyang nakapikit na ang mga mata ni Deanna. Dumaan ito sa tabi ng babae, at umupo sa dating pwesto nito. Kinuha niya ang naiwanan niyang Beer at iinom na sana pero wala na itong laman, nang tingnan ni Jema ang babaeng kasama nya sa loob ng kwarto ay nakasandal na ito sa inuupuan nila. Napansin niya na parang ang pula na ng mukha ni Deanna, kaya umupo sya tabi nito at  mahinang tinapik ito sa balikat

" hey " tawag ni Jema

" Hey, okay ka lang? " mahina nyang tapik sa balikat nito, pero hindi man lang natinag si Deanna. At dahil hindi pa rin ito gumagalaw inayos nya ang pagkakasandal ng ulo nito sa upuan

Nang biglang minulat ni Deanna ang mga mata niya, na ikinatigil naman ng isa. Ngumiti si Deanna ng malawak at ilalapit na sana niya ang mukha nya kay Jema nang bigla itong nawalan ng malay

Napunta ang ulo ni Deanna sa balikat ni Jema, dahilan para madikit ang lips nito sa leeg ni Jema

" Deanna, gising uyyy.. "

Nang biglang pumasok ang waiter

"Ma'am pinabibigay ho ng kasama nyong lalake? " sabay abot ng puting papel kay Jema

" Nasan siya? " tanong ni Jema na ngayon ay nakahawak na sa katawan ni Deanna

" Umuwi na ho, after niyang bayaran ang bill lumabas na po siya " sagot ng waiter

Nasapo ni Jema ang ulo noo nito

" Okay, Salamat " sabi ni Jema

Pagkalabas ng waiter ay inayos niya sa pagkakaupo ang katawan ni Deanna na nakadikit sa katawan nya kanina, sinandal niya ang ulo nito sa upuan. Nang makita niyang ayos na si Deanna ay tsaka niya binasa yung sulat na binigay sa kanya ng waiter

Some people have a low tolerance for alcohol....... and that includes her :)

P.S. don't send her home wasted. Maddie will kill you.

Goodluck!

-Luigi

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon