JeDean XXII

14.4K 277 1
                                    

Bored na umupo si Deanna sa loob ng nirentahang Videoke Room ni Luigi, umupo naman si Jema sa kanan nito samantalang sa kaliwa naman pmwesto si Luigi kaya napapagitnaan sya ng dalawa.

Nang pumasok na ang waiter at binigay ang menu sa lalake

"Girls what do you want to order? " tanong ni Luigi habang nagbabasa ng Menu

" Burger with Fries and Chocolate Cream " walang ganang sagot ni Deanna

Tumingin naman si Luigi kay Jema

"Beer " tipid na sagot nito dahilan para mapatingin si Deanna kay Jema nang biglang umiwas naman ng tingin ang huli nang magtama ang mga mata nila

" So yun, make 2 orders of Burger w/ Fries, 1 chocolate cream, make 3 bottles of beer, and a chips " wika ni Luigi at binalik ang menu sa waiter.

Nakaalis na ang waiter at naiwan silang tatlo na tahimik na naman. Kaya para mabasag ang katahimikan sa loob ng kwarto, hinarap na lang ni Luigi ang song book at nag start ng maghanap ng kanta, at nang makapili siya ay agad niyang pinindot ang numero ng kantang gusto niya

Akin ka na lang
Itchyroom

wag kang maniwala d'yan. 'di ka n'ya mahal talaga
Sayang lang ang buhay mo kung mapupunta ka lang sa kanya
Iiwanan ka lang n'yan, mag-ingat ka
Dagdag ka lamang sa milyun-milyong babae n'ya

Habang kumakanta ay tumingin ito kay Deanna, na ang tingin naman ay nasa monitor

Akin ka na lang (akin ka na lang)
Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Wala nang hihigit pa sa 'yo

Nakatingin si Jema sa kumakantang si Luigi nang bigla nyang sulyapan ang katabing si Deanna

'di naman ako bolero katulad ng ibang tao
Ang totoo'y pag nandyan ka medyo nabubulol pa nga ako
Malangis lang ang dila n'yan, 'wag kang madala
Dahan-dahan ka lang, baka pati ika'y mabiktima
('wag naman sana)

Akin ka na lang (akin ka na lang)
Iingatan ko ang puso mo

Akin ka na lang (akin ka na lang)
Wala nang hihigit pa sa 'yo

Naka glue ang mga mata ni Luigi kay Deanna habang kumakanta, at dahil ganun pa rin ang reaksyon ng mukha ng kaibigan na parang walang, he decided na na tumingin na lang sa monitor. Pero dahil si Deanna Wong nga kaibigan nya, hindi nya maiwasan na tingnan ulit ito.

'di naman sa sinisiraan ko ang pangit na 'yan
'wag ka dapat sa'kin magduda
Hinding-hindi kita pababayaan!

Akin ka na lang (akin ka na lang)
Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Wala nang hihigit pa sa 'yo

Napapansin ni Jema ang pag sulyap sulyap ng tingin ni Luigi sa kaibigang nitong Deanna habang kumakanta ito, kaya umiwas na lang ng tingin si Jema at hinarap ang hawak na song book at naghanap ng kanta

Akin ka na lang
Liligaya ka sa pag-ibig ko
Akin ka na lang
Wala nang hihigit pa sa 'yo
Wala nang hihigit pa sa 'yo
(akin ka na lang)

Natapos ng kumanta si Luigi, umupo ito sa tabi ni Deanna at pinatong ang hawak na microphone sa table na nasa harapan nila, sakto namang dumating ang waiter at sinerve ang inorder nila.

Tahimik na kumakain si Deanna habang si Luigi naman ay nakatuon ang tingin sa hawak nitong cellphone.
Samantalang si Jema naman ay umiinom ng Beer sa gilid.

Makalipas ng ilang minuto ay tumayo si Jema at nagpindot ng numerong kakantahin niya tsaka kinuha ang microphone sa table.Pero bago magsimulang kumanta bumalik muna siya sa upuan niya at inubos ang natitirang laman ng Beer sa bote.

Pagkalapag niya ng walang lamang bote ng beer sa table ay sinulyapan niya ang babaeng katabi, nagulat naman si Jema nang makita si Bata na parang nakatulalang nakatingin sa kanya. Nang magtama ang kanilang paningin ay naunang umiwas si Deanna at nag focus na lang sa pagkain, tumayo naman ulit si Jema at naghanda na para kumanta.

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon