JeDean XXI

14.8K 284 4
                                    

Mag iisang oras na silang nakatayo sa labas ng gym, pero wala pa ring planong umalis si Deanna

" May dala akong kotse, bakit hindi pa tayo umalis? " tanong ni Jema

Hindi naman siya kinibo ni Deanna, at nakafocus lang ang tingin sa dumadaang sasakyan

Nang biglang may humintong kotse sa harapan nila at bumaba ang kanina pang hinihintay ni Deanna

" I'm sorry na late ako, traffic ehh.. " hingin paumanhin ni Luigi sa naghihintay na kaibigan

Hindi na nag abala si Deanna na sumagot at binuksan ang pintuan ng passenger ng kotse, nang may naramdaman syang kamay na biglang humawak sa balikat niya

" mag uusap pa tayo dba ? " boses ni Jema

" Isang oras na tayong nakatayo sa labas kanina, if you want to talk to me san kanina mo pa ginawa " walang gana sagot ni Deanna

" Please Deanna, gusto lang kitang makausap " pagpigil ni Jema

Tinanggal ni Deanna ang kamay ni Jema sa balikat niya

" Okay, sumunod ka na lang samin ni Luigi " agad itong sumakay sa passenger seat ng kotse

Nagkatinginan sandali sina Jema at Luigi, bago magdesisyon ang binata na pumasok sa sariling kotse nito

Napabuga naman ng hangin si Jema na sinundan ng tingin ang papalayong kotse kung saan nakasakay si Deanna bago nagdesisyon maglakad papunta sa kotse niyang nka park.

" Kalma lang Jema, kalma.. " kausap nito sa sarili

---

Kalalapag lang ng waiter sa inorder ni Jema na Ramen, nandito sila favorite restaurant ni Deanna at ito ang pinili niyang lugar para sana makapag usap silang dalawa

Walang gustong magsalita sa kanilang tatlo, si Jema nakatingin lang kay Deanna habang si Deanna naman ay nasa labas ang tingin samantalang si Luigi ay palipat lipat ang tingin sa dalawang babaeng kasama niya

"wow , Butao!!!!! dba favourite mo to Dean? " basag ni Luigi sa katahimikang bumabalot sa kanilang tatlo

Tiningnan lang siya ni Deanna at tinaasan ng kilay ang binata, bago binalingan ng tingin si Jema

" I invited Luigi, d naman siguro masamang magsama ako ng KAIBIGAN,  don't worry he will pay for his own food " nababagot na wika ni Deanna

Napakagat naman ng kanyang pang ibabang labi si Jema

" And may sasabihin ka dba? " bored nyang tanong sa tahimik na babae

May pag alinlangang tiningnan ni Jema si Luigi bago binalik ang tingin kay Deanna

" Luigi's my bestfriend, so kung may sasabihin ka sabihin mo na sa harapin naming dalawa " walang emosyon na sabi pa nya

Uminom muna si Jema ng tubig bago magsalita

" Gusto ko lng mag sorry, sorry sa ginawa ko kahapon. sa mga nasabi ko " pag uumpisa ni Jema

Hindi nagsalita si Deanna, hinintay kiya kung may sasabihin pa si Jema pero wala na

" yun lang ba sasbhin mo? sana sinabi mo pa kanina nung nasa gym pa tayo, gumastos ka pa " bored na sabi nito kay Jema

" Deanna please.. hindi ko naman kasi sinasadya, nainis lang ako kahapon kasi akala ko kinalimutan mo ako after ng nangyari dun sa apartment, hindi ko alam na nagkasakit ka pala, I'm really Sorry " at hinawakan ang kamay ni Deanna

Maang napatingin si Luigi kay Deanna, kumunot naman ang noo ni Deanna sa makahulugang tingin ni Luigi sa kanya

" It's not what you think Luna " depensa ni Deanna sa sarili

Binawi naman ni Deanna ang kamay niya na hinawakan ni Jema tsaka kinuha ang wallet sa loob ng bag at kumuha ng pera

" I'll pay, including Luigi's food " pagkalapag ng pera sa table ay tumayo na ito

"Let's go Luigi " at naglakad na

Nakita ni Luigi ang luhang dumaloy sa pisngi ni Jema dahil sa inakto ng kaibigan

" Deanna wait! " pagpigil ni Luigi

It's too early pa para umuwi. bakit hindi muna tayo gumala? " suggest niya sa kaibigan

" Luigi I'm tired. next time na lang " walang ganang sagot ni Deanna

" Videoke na lang tayo, let's get one room. You won't get tired naman if you just sit" engganyo nya pa sa kaibigan

" Luigi i don't sing, okay? " naiinis na sagot ni Deanna

" i will sing, na mimiss ko na kasing kumang. sige na Dean please " pagmamakaawa Luigi

" Bahala ka " pabalang na sagot ni Deanna at nauna ng lumabas

Ngiting tagumpay si Luigi at nang balingan nya ang nakaupong si Jema

" Let's go Jem " may ngiti nyang sabi bago sinundan palabas ng restaurant si Deanna

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon