JeDean XLII

13.4K 251 0
                                    

" B, uuwi ako nextmonth sa Cebu. darating yung Tita namin ayun reunion daw " kwento ni Deanna

" eh d mabuti walang mangungulit sakin " kaswal na sabi ni Jema

" Grabe ka naman B, hindi moko ma mi miss? " napa labing tanong ni Deanna

" ang O.A mo eh babalik ka rin naman " pagtataray nito sa kausap

" Basta behave ka dto B ha? " malambing na wika ni Deanna dito 

" ako pa tlaga ang sinabihan mo niyan B? " nakataas na kilay na tanong ni Jema

" Naman.. ang ganda kaya ng Babae ko malay ko may umaaligid aligid na iba dyan lalo na alam nila na special friend mo lang ako " nakasimangot na saad ni Deanna

Naalala ni Jema na nung ininterview sya at tinanong kung ano si Deanna Wong sa buhay niya, sinagot niyang Special si Deanna sa kanya

Napa buntong hininga si Jema nang maalala niya yun at biglang niyakap ang Girlfriend

" alam mo B kung ako lang ang masusunod gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na girlfriend kita,
alam ko naman B na hangang ngayon hindi ka pa open sa family mo dba? inaalala lang kita, kasi pag sinabi ko yung totoo baka magbago tingin sayo ng tao at fans mo ayokong mangyari yun "  pag explain nito kay Deanna

" Naintindhan naman kita ehh, kaso yun lang hindi maisawan na sumama ang loob ko " malungkot na sagot niya kay Jema

" Dapat nga ako yung sasama ang loob sayo, kasi ako nakaka post ng pic ko sa instagram na kasama ka, pero ikaw d mo nagagawa " at bigla bumitaw sa pagkakayakap si Jema at nag cross arm

" Nagagawa ko naman ahh, tina tag nga kita sa my story ko, naka highlights pa yung mga flowers na binibigay mo sakin, kahit sa facebook, tinatag kita. kahit sa twitter yes no tag but my post still about you " pag explain naman ni Deanna ng side niya

" pero iba pa rin na may picture tayong dalawa sa Instagram mo, mas mabuti pa yung bestfriend mo meron " nagtatampong sabi ni Jema

" may picture nga siya sa Instagram ko na magkasama kami, pero hindi naman siya ang mahal ko. tsaka B hindi naman importante kung may picture tayo na magkasama sa IG ko, importante naman tayong dalawa, alam natin pareho yung nararamdaman ko sayo " at siya naman ngayon ang yumakap sa nag e-emote na girlfriend

" Kahit na... nakakaselos kaya yun " wika ni Jema sabay iwas ng tingin

" Asus yung Babae ko marunong ng magselos " at sinundot pa ang tagiliran ni Jema

" tigilan mo ako B tatamaan ka sakin " banta niya kay Deanna dahilan para umayos naman ang isa

" B,  pagpasesnyahan mo muna ako ngayon ha, kung d ko pa magawang ibida ka sa ibang tao, kahit nga sa pamilya ko, pero pangako ko sayo pag okay tayo sa parents ko at sa family ko araw araw mong makikita pagmumukha mo sa Instagram, twitter at facebook ko "

" Eiiiiii... umayos ka nga puro ka kalokohan " nakasimangot na reklamo ni Jema

" Seryoso ako B gagawin ko tlaga yun, pupunuin ko yung mga news feed nila ng mukha mo, ng pictures nating dalawa, para malaman ng lahat na akin ka, Girfriend kita... syempre ibibida kita dba" proud na sabi pa ni Deanna

" Puro ka kalokohan umuwi ka na nga "  taboy niya dito

" Sino may sabing uuwi ako? Dito ako matutulog, sasamahan kita. tsaka ilang weeks din ako mawawala ma mi-miss kitang katabi kaya pagbigyan mo na ako dito matulog " sabay higa sa kama

" Parang may choice pa ako ehh kahit ayaw ko naman ipagpipilitan mo yang gusto mo " masungit na sabi ni Jema

" alam mo B kahit ang sungit sungit mo palagi... Alabyow pa rin, pakiss nga " bumangon si Deanna tsaka hinalikan si Jema sa pisngi at sinobsob ang mukha sa leeg ng kasintahan

" Umandar naman yang kamanyakan mo, Pag nagsanib pwersa talaga yang kakulitan at kamanyakan mo nawawala ka tlaga sa katinuan no " natatawang sabi ni Jema

" gusto mo naman ehh... ano tara gawin na natin ngayon? sakto tayong dalawa lang dito walang makakarinig sa moan mo" nakangising sabi ni Deanna tsaka mabilis lumayo kay Jema sabay hawak sa dulo ng suot niyang damit para hubarin ito

Pero bago pa tuluyang mahubad ni Deanna ang damit niya ay may tumama ng unan sa mukha niya

Sapol!

" MANYAK! " sigaw ni Jema at gigil na kumuha ng isa pang unan at yun ang ginawang pang hampas sa kasintahan

Tawang tawa naman si Deanna habang iniiwas ang mukha nito na patuloy tinatamaan ng unan na ginawang panghampas ni Jema

The Queen meets The Setter - Book I ( Jema Galanza, Deanna Wong )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon