CHAPTER 37: Hearts and Flowers

1.5K 40 2
                                    

CHAPTER 37: Hearts and Flowers

 

PATRICE’S POV

 

November 22. Friday. 10 AM.

“Patrice, si Tyrone ay nasa baba na, hinihintay ka.” Nakadungaw si Nanay Lisa nung pinaalam niya sa akin na meron akong bisita. Hehe, yung espesyal kong bisita. ;)

“Okay po. I’ll be down in a moment.” Sabi ko kay Nanay Lisa. Ngumiti lang naman sya at saka sinabing ipapaalam niya iyon kay Tyrone.

Hehe! Tumayo ako mula sa study table ko kung saan abala ako sa mga documents na inaayos ko. Pumunta muna ako sa bathroom para mag-wash at mag-brush.

Last Sunday mula nung magkabalikan kami ni Tyrone. Ang saya lang kasi kahit na-confine ako dun hanggang kinabukasan ay hindi ako iniwan ni Tyrone. I don’t know kung bakit pa ako na-confine, basta sabi lang sa akin, they ran some test, dinedma ko na lang yun kasi ang isip ko nun ay occupied ni Tyrone! Aba syempre naman, bumabawi ako sa mga panahong sobra kong na-miss si Tyrone.

While I was brushing my teeth, napansin ko yung buhok ko. Gamit yung isa kong kamay na hindi hawak ang toothbrush, kumuha ako ng ilang hibla ng buhok ko… Aissh, medyo dry na at puro split ends pa… hindi ba naman ako mag-ayos ng ilang linggo, talagang papangit ang buhok ko. Masama pala kapag nag-aaway kami ni Tyrone, napapabayaan ko yung beauty ko. AHA! I have an idea!

“Hi, Tyrone!!” pababa na ako nung stairs at kitang kita ko si Tyrone na nakaupo lang sa isang sofa sa may living room. Haaaaayyy. Kahit kailan talaga hindi ako magsasawang makita ang gwapo niyang mukha! Naka-black sando lang sya, then black leather jacket at denim jeans. Oh, diba? Simple lang ang porma pero ang pogi! That’s my Tyrone! Mwehehe!

“You took your time.” Sabi niya pagkalapit ko, mag-susungit na naman yan! Akala niyo mula nung magkabalikan kami ni Tyrone bumait at sweet na sya sa akin? Akala niyo lang yun! Moody pa rin sya! Minsan mayabang at pa-pogi, pero minsan makulit din. Hihihih. :”>

“Sorry naman! Tagal mong nag-hintay? Para ilang minutes lang eh.” I mumbled bago umupo sa may tabi niya. “Bakit ka nandito? Miss mo na ako, noh?” Ngiting-ngiti kong tanong sa kanya, nagpapa-cute. Tumitig lang sya sa akin pero ako naman nakangiti pa rin.

“Tsk, pwede rin.” Walang kakwenta-kwenta niyang sabi. Hehe! Pinabayaan ko na! Hindi talaga sya expressive, buti na lang ako expressive sa feelings ko! Hehe!

“Yiieee. Miss you, too!” sabi ko tapos hinila ko sya sa may neck niya para halikan sya sa may cheek.

“Tsk. Nanantsing pa.” Kunwari pa syang ayaw niya pero after ko naman syang halikan ay nagpipigil sya ng ngiti. Hehe.

“Nag-off ka ngayon sa work mo para makita ako?” tanong ko sa kanya. Dumating si Nanay Lisa para dalhan kami ng orange juice. Inabot ko naman agad yung kay Tyrone para inumin niya.

Loving a 'G'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon