CHAPTER 28.2: The Girl From The Past

1.7K 38 5
                                    

CHAPTER 28.2: The Girl From The Past

PATRICE'S POV

Nung nakarating ako sa living room kung saan sandamakmak pa rin ang tao, naisipan kong maupo na lang muna sa sofa dito sa bahay ni Tyrone. Grabe talaga. Halos hindi ko na makilala yung bahay ni Tyrone. Should I give credits to Rick because of how he managed to organize a party like this? Hindi na ako magtataka kung pagkatapos ng party na ito, katakot takot na gulo, kalat at basura ang maiiwan. Omg. 

"TAKE IT OFF! TAKE IT OFF!! TAKE IT OFF!!!" narinig kong sabay sabay na sigaw nung mga tao. Sinilip ko kung ano ba ang nangyayari dun sa bandang yun. Grabe, ang daming tao di ko tuloy makita. Pero sa bagay, take it off daw eh. (>_>)

"WHHOOOOOO!!!! YES!! WHOOOOOO!!!" narinig ko na naman sigawan nila. Mukha namang tuwang- tuwa yung mga yun sa pinapanuod nila. Baka may nag-take it off nga. Hehe!

"I think they're having a body shot." sabi nung katabi kong babae. Napalingon ako sa kanya dahil bigla syang nagsalita. Kanina pa syang nakaupo mag-isa dito sa sofa bago ako tumabi sa kanya. Hehe! Akala ko ako lang ang misfit dito, may karamay pala ako! Mwahaha!

"Ahhh... Kaya pala ang ingay. Hehe." sabi ko sa kanya. Ngumiti lang naman sya sa akin.  Ano ba naman kasi yun, Patrice, kaya pala ang ingay? WTF. Kanina pa maingay dito! Haha. Siguro nashu-shungaan sya sa akin kaya speechless sya! XD

"Ahmm.. Friend ka ni Tyrone?" Naisipan kong itanong sa kanya, pero syempre, nag pasimple pa akong sumilip so that I can take a look at her. We look like we're the same in age. Ah! Pareho rin nga pala kaming maganda. HAHAHA

"Ah, yeah..." She answered tapos medyo ngumiti sa akin. Kaibigan sya ni Tyrone? Talaga? Hehe! Swerte ko naman! Sige na nga, kaibiganin ko rin sya! (⌒▽⌒)

"Gusto mo?" in-offer-an ko sya ng bowl ng pop corn na kinuha ko kanina sa kitchen. Hehe. Wala kasing gustong kumain kaya kinuha ko na~

"No, thanks." She politely refused. Ngumiti lang naman ako. Ano kayang ginagawa niyang mag-isa dito? Aaah, siguro dahil sa dami rin ng tao, hindi rin niya makita yung mga kakilala niya o di kaya loner lang talaga sya. Hehe.

"Paano pala kayo nagkakilala ni Tyrone?" tanong ko sa kanya at kumain ulit ng pop corn. Hehe! Sorry naman, guys! Fishing na naman ako ng mga bagong impormasyon about kay Tyrone~ I know, I know! Nagiging hobby ko na yata talaga ang mag-imbesitga about sa kanya~ Omeged. T^T

"Ahm, we met sa isang party." sagot niya sa akin. Maingay dito kaya lumapit pa ako sa kanya para mas magkarinigan at magkaintindihan kami. Nagkakilala daw sila ni Tyrone sa isang party?

"Party? Like... this? Ganitong party?" medyo nagtataka kong tanong. Hindi ako magugulat kung sanay si Tyrone sa mga ganito, pero sya? Just the fact na nandito lang sya, nakaupong mag-isa, parang hindi niya tipo yung mahilig sa ganitong klaseng bagay.

Loving a 'G'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon