CHAPTER 28.1: Tyrone's Birthday

1.7K 35 0
                                    

CHAPTER 28.1: Tyrone's Birthday

October 29. Tuesday. 11:30 PM

Nandito pa rin ako nakalupagi sa may sahig ng kwarto ko. Nakasandal yung likuran ko sa gilid ng aking kama at sa harapan ko naman ay yung malapit ko ng matapos na regalo ko kay Tyrone. Sa paligid ko ay nagkalat ang sandamakmak na mga papel na iba't ibang kulay at ang iba ko pang ginamit pang-disenyo.

I'm down to my last nine pages of this scrapbook and I'm done. Nung isang araw ko pa ito sinimulan pero syempre, hindi madali ang ginagawa ko kaya hanggang ngayon gumagawa pa rin ako. (=__=)

Inalis ko yung pagkakasandal ko. Tapos na ang resting time kaya kailangan ko na ulit itong ituloy. Isinara ko yung scrapbook para tingnan ulit ito sa pinaka-umpisa. Hehe. Parang namo-motivate kasi akong tapusin ito kapag paulit-ulit kong tinitingnan~

Makapal na board ang cover nitong scrapbook. Maganda naman yung naging combination na pink and brown bilang concept nito. Ang cover nito ay may nakalagay na strips bilang borders sa side at tatlong hearts sa lower left corner. Sa gitna ay may nakasulat na 'TyRice' (pinagsamang pangalan namin), na ako mismo ang nag-lettering. Una ko sanang ilalagay ay 'PaTy' kaya lang parang medyo masagwa. HAHAHA.

Inumpisahan ko na yung pagbuklat ng scrapbook na ginagawa ko. Bawat pahina ay naglalaman ng mga pictures namin ni Tyrone at ng mga iba't ibang bagay na memorable para sa amin. Kagaya na lang nitong nasa ikalawang page, I took a picture of the bus stop kung saan kami unang nagkakilala. Meron ding yung harapan ng Ecstacy, meron ding lollipops, yung dress na binili for me ni Tyrone, yung Wall Mural sa pre-school, yung panda stuff toy nung Dart game, yung couple shots namin at marami pang iba. Hehe. Ito ang reason kung bakit ang tagal ko bago matapos ang scrapbook, ang dami ko kasing gustong ilagay~

Pero hindi lang selfies, memorable things and places ang nilagay ko dito sa scrapbook. Magugulat kayo kung gaano ka-effort ang ibinuhos ko dito! Bawat pahina ay mayroong entry para sa aking "100 Things about Tyrone". Noon, sa utak ko lang nililista ang mga iyon pero ngayon, nilagay ko na sila dito sa scrapbook.

Nandito ako ngayon sa ika-15 na pahina, at ang nakalagay dito ay:

33. Tyrone's favorite ice cream flavor is vanilla-strawberry.

34. Tyrone loves lollipop.

35. Tyrone likes girls who look sexy while playing billiards.

36. Tyrone is good in playing basketball.

37. Tyrone can play electric guitar.

38. Tyrone likes girls who have smooth and soft hands.

And the list goes on. Ito ay ilan lamang sa malilit na bagay na nalaman, nakwento o napansin ko sa mga panahong kasama ko si Tyrone. Ang creative at galing ko dibuhhhh? HAHAHAHA.

At para masigurong magagawa ko hanggang 100 ang listahan na ito, pinagpatuloy ko na yung paggagawa. Whew! Lagpas 50 pages na yata 'toh! Super nakakapagod pero hindi ako susuko! This gift will prove na kahit ang daming hindi sinasabi sa akin ni Tyrone, I know every single, little details about him.

Loving a 'G'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon