CHAPTER 26.1: Bye Julian

1.8K 40 2
                                    

This chapter is dedicated sa Hermana ko, "RiaJaminah". Hi Hermana ko! Salamat at tingin mo nag-improve ako! Hehe! Salamat din sa pagbabasa! Guys, pwede niyong basahin ang story niya~

-euzaku35^^

******

CHAPTER 26: Bye Julian

PATRICE'S POV

October 17. Thursday. 5:30 PM.

"Grabe. Ang hirap ng last part, girl! Nakasagot ka ba?" lumapit dito sa may pwesto ko si Charisse. Nakaayos na sya ng bag at ready ng umuwi. That final exam is a monster, at least it was over.

"Medyo nakalimutan ko nga yung last part e." sabi ko sa kanya. I memorized the lesson sa part na yun kaya medyo nanghihinayang ako kasi may mga items akong di nasagutan.

"Talaga? Weird... eh ikaw, Aira?" tanong ni Charisse kay Aira na katabi ko lang. I continue fixing my things... Nag-iisip ako habang nag-aayos ng gamit. Even me finds it weird. I'm good at memorization... but lately parang... Haayyy, I guess na o-overuse na yung utak ko... O di kaya masyadong pinupuno ni Tyrone. Hihihi.

"Haynako, Patrice. Mukhang naisip mo na naman si Tyrone kaya ka napapatawa ka dyan." sabi sa akin ni Charisse. Tumayo na ako at handa na kaming lumabas ng room.

"Oo. Sabi niya susunduin niya ako ngayon." excited kong sabi sa dalawa. Tyrone will be coming from the office pero sabi niya, dadaanan daw niya ako ngayon~ Yiieee! Ang saya lang dibuhhh?

"Tsk, nakakainis si Tyrone, Patrice! Kagabi niya lang ako in-accept sa Facebook! Pero in fairness, naka-in a relationship lang ang peg niyong dalawa!!" biglang sabi ni Charisse at nang-aasar. Naalala ko na pinilit kong mag-online si Tyrone sa Facebook kagabi para i-confirm yung relationship status namin! Emerghed! Ang sweet diba? Hihihi! (>////<)

"Hehe. Medyo inactive si Tyrone sa FB eh. Lalo na these past few weeks kasi busy sya sa work niya." sabi ko sa kanila. I feel so proud kasi may work na si Tyrone. It makes me feel satisfied kasi finally, parang may ginagawa na sya sa buhay niya, unlike noong una kaming magkakilala.

"Aaah, ganun ba? Eh bakit itong si Aira! Friends sila! Nakakainis talaga si Tyrone, Pat! Baka di niya alam ako ang Number 1 supporter ng love team niyo!" pagmamaktol pa rin ni Charisse. Napalingon naman ako kay Aira.

"Right! Bigla kong naalala! Oo nga, Aira~ Paano kayo naging friends ni Tyrone? I mean, friends na kayo sa FB bago ko pa man sya ma-add e. Bakit ganun? Sino nag-add? Sya o ikaw?" tanong ko kay Aira habang naglalakad kami at nagke-kwentuhan dito sa hallway.

"Ha?? I don't know... Nung i-a-add ko din dapat sya nagulat na lang ako friends na pala kami. Tagal na yun, hindi ko na tanda." sabi ni Aira at umiiling-iling.

"Ganun ba? Siguro naligaw na friend request lang yun noh? Hehe." sabi ko kay Aira. Ganun naman sa Facebook, diba? Kapag gwapo o maganda, add na agad. XD

Loving a 'G'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon