CHAPTER 30: Dark Past Revealed

1.8K 46 13
                                    

AN: I dedicate this chapter to "MariflorGabiana" for always supporting this story! Hardcore "TyRice"shipper. Advance happy birthday to you and please keep supporting LAG. God Bless! :** 

-euzaku35^^

******

CHAPTER 30: Dark Past Revealed

TYRONE'S POV

"I was 17 years old. Inabandona ng nanay. Dalawang taon pagkatapos naming malaman na may sakit ang bunso kong kapatid, namatay naman sa aksidente ang tatay ko. Naiwan akong mag-isa para maghanap ng paraan at maipagamot si Tricia." Si Tricia na lang ang natitira sa akin pagkatapos kaming iwan pareho ng aming mga magulang. Meron syang lupus, sakit na walang lunas. Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para mapahaba ang buhay niya.

"So, that's what I did. Hinuhuthutan ko ng pera ang mga mayayamang babae kapalit ng gusto nila sa akin." Ano ba ang magagawa ng isang 17 years old? Wala pa ako sa tamang edad. Ni hindi ko pa tapos ang kursong kinukuha ko sa kolehiyo. Dahil sa kahirapan, napilitan akong tumigil sa 2nd year college at mag-hanap ng trabaho.

Flashback--

"Sige na po Sir, tanggapin niyo na po ako dito. Kahit waiter lang... o utusan, kahit ano." Diretsong labing dalawang oras na akong naghahanap ng trabaho ngayong araw na 'toh. Kahit kahapon, nung isang araw at pati na rin nung isang linggo, naghahanap ako ng kahit anong trabaho... pero walang kumukuha sa akin.

 

"We have no use to an underage like you. You should leave before I call security. " tapos umalis na yung manager at pumasok sa loob ng opisina niya. Tangna. Isa na namang araw na walang napala kundi gutom at pagod.

 

"Puta, kala mo naman ang ganda ng restaurant nila na 'toh. Mag-sasara rin kayo." bulong ko sa sarili ko habang nakapamulsang lumalabas pagkatapos kong sipain yung isang upuan. Alam ko walang kasalanan ang restaurant pero walangjong buhay naman kasi 'toh. Saan ko dapat ilugar ang sarili ko?

 

"Tsk, tsk, tsk. Bad....boy." naiirita akong lumingon dun sa nagsalita. Isa syang babae. Tinitigan ko naman sya ng masama. Sa itsura niya, mukha syang mayaman. Sa damit pa lang na suot niya at sa bag na gamit niya, halata mong mamahalin e.

 

"What's your problem, kid?" tanong niya ulit sa akin. May kakaiba sa boses niya. Nakatingin lang sya sa akin at naka-cross legs. Nag-signal sya na lumapit ako sa kanya. Tumingin tingin ako sa paligid, may kani-kaniya na ulit na ginagawa ang mga tao sa loob ng mamahaling restaurant na 'toh.

 

"Ano bang kailangan mo?" may pagka-bastos na sabi ko sa kanya nung makalapit ako. "Alam mo, hindi lahat ng tao kagaya mo na kahit walang ginagawa, mayaman pa rin. Ngayon, kung wala namang kwenta ang sasabihin mo, aalis na ako." mabilis kong sabi sa kanya. Hindi na dapat ako nag-aksaya ng oras sa babaeng 'toh eh.

 

"Whoa, easy right there..." mukhang imbis na mainis ay natutuwa pa sya sa akin. May kakaibang ngiti sa labi sya habang inabot niya yung iniinom niyang wine. Peste, iba na talaga ang mayaman. Pa-wine wine na lang.

Loving a 'G'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon