CHAPTER 8: Red Lipstick

3.5K 54 14
                                    

CHAPTER 8: Red Lipstick

 August 16. Friday. 4 PM.

“Ang arte arte nitong babaeng ‘toh!! Ano ba kasi yan!!! Aminin mo na kasiiii!!!” ayan si Aira nag-mamasigla na naman. Kulang na lang tusukin ako ng lapis na hawak hawak niya. (>o<)

“Kasi naman itong si Pat eh! Umamin ka na kasi! May pinalit ka na kay Julian noh?!! Sino? Sino ba kasi sya???” at sumama na po itong si Charisse sa pangungulit. Inalis ko lang yung tingin ko sa kanila at tinitigang mabuti yung phone ko na kanina ko pa hawak- hawak.

A-Ano… Uhm.. Tatawagan ko ba sya? Pero kasi… Ano naman sasabihin ko sa kanya? Na-miss ko na sya? Na gusto ko sya makita? One week na kasi kaming di nagkikita eh, paano, busy ako dahil midterms week namin pero ngayon, tapos na ang lahat ng tests so baka pwede na kaming mag-bonding? You know.. so tawagan ko kaya sya, then ask him if he’s free this weekend?

Eh diba parang ang panget naman nun!! Ako yung babae tapos ako pa ang mauunang tumawag sa kanya? But we are dating, I have the right to do so… Pero kahit na! Baka naman saming dalawa, ako lang ang negse-seryoso sa ‘dating status’ namin noh. Ouch. </3

“We’re serious, Pat. Come on, sino na ba yang bagong lalaki mo?? (~____~)” the two gave me a look. Bumuntong-hininga lang ako. Ayoko naman kasing ipakilala kaagad sa kanila yung si Tyrone eh. Paano kung di nila magustuhan si Tyrone diba? Ako nga nung una ayaw ko kay Tyrone kasi mukhang hindi gagawa ng mabuti, though gwapo naman sya so may pag-asa na magustuhan sya ng friends ko noh? I mean magustuhan nila for me!!! Ang masama mo niyan magkagusto sa Tyrone ko yung dalawa noh? Di pwede yun!!! Hahaha! Gosh, since when I started to call him 'Tyrone ko'? Ughh! (>////>)

♪♫  I have loved you only in my mind~ But I know that there will come a time~ You'll feel this feelin' I have inside ♪♫

So when I heard my ringing tone, madaling- madali kong hinawakan yung phone ko. Eh kung tinamaan ka naman ng putspa, inagaw sa akin ni Charisse yung phone!! Watdapak!!! Yung phone ko!!! Someone is calling me, damn it!! (>___<)”

“PATRICE!!! SINO ‘TONG TYRONE NA ‘TOH HA!! SINO ‘TOH!!!??” akala mo naman mudra ko kung makapagwala itong si Charisse. Hello? Ang lakas kaya ng boses niya!!! Nasa Mayon volcano ako, ha? Nasa Mayon Volcano ako?!!! Ughh (~~;)!!

“Weh? Weh? Weh? Tyrone pangalan ha! Patingin, Cha! Patingin!!!” at sumabay pa sa pagtingin si Aira dun sa phone ko na wala pa ring tigil sa pagtunog. Paksheeettt, nasa chorus na yung ringing tone!!! Tumakbo ako papunta sa kanila…

“Charisse!! Aira!! Please, ibalik niyo na yung phone ko!! Tawag yan oh!! Kailangan ko ng sagutin!!!!” kung ibang tawag yan, siguro okay lang pero si Tyrone yung natawag!!!! Tokneneng naman oh, minsan lang tumawag sa akin si Tyrone! I need to pick that up, ASAP!!!

“Ay oo nga, teh tawag pala ‘toh nakalimutan namin!!!! Hehe.” Tapos tinigil na nung dalawa yung pagpapahabol nung phone sa akin at sila na mismo ang nag-abot nung phone ko pabalik. Galeng nung dalawa noh? They are bullies!! Huhuhuh!! (T3T)

♪♫  …..My heart is floating in tears~ When you pass by I could—[cut]♪♫

PACKING TAAAPEEE!! Saktong paghawak ko sa phone ko biglang tumigil yung tugtog at naging missed call na ang kaninang incoming call ni Tyrone. ASDFGHJKL!!! Anak ng unicorn!!! He stopped calling!! Waaaaaaa!! Badtrip ‘tong mga kaibigan ko!!! Mga walangjo!! Wala akong pakialam kung nasa school man kami ngayon!! Wala akong pakialam basta gegerahin ko sila!! WAAAAAA!!!

Loving a 'G'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon